Chloe Lee's outfit in this chapter!
------------------------->
♪ Oh! I got that Supa Luv, that Supa Luv, no
Oh oh, ooo oh oh, ooo oh oh, ooo whoa-oa ♬
Ano ba yan? Angaga pa ah. Sino ba tong tumatawag nato?
♪ I make em' say, I make em' say!
Oh oh, ooo oh oh, ooo oh oh, ooo whoa ♬
Chloe: “WHAT?”
President: “Chloe!!! Kaw nalang ang iniintay naming, nasan ka na ba? Pinasundo ka na namin kay Kevin at Alfred. Magintay ka nalang dyan, at pwede ba bilisan mo.”
Chloe: “Oka-”
Shit tama bang babaan ako? Anong oras na ba? 10am palang ah? Sorry ha 12 kasi ang karaniwang gising ko eh. Tsssssss…
*Tok-tok*
Chloe: “Pasok!”
Chanhee: “Chloe, andyan sila Kevin sa labas. Mukhang sinusundo ka. Sa backdoor na ako dadaan ha para kunwari on the way lang yung house nyo mula samin papuntang school. Bilisan mo.”
Chloe: “Ge, kita tayo sa front gate. Alam mo na gagawin.”
Chanhee: “Okay, BTW pinagtimpla kita ng special milk mo and ginawan na kita ng sandwhich sa baba, kainin mo ha.”
Chloe: “Yep sir!”
Nag salute ako sa kanya, awww..
Answerte ng magiging GF nya in the future.
Bumangon na ako at naghanap ng masusuot na damit sa cabinet.
Tas naligo na ako pero sinabihan ko muna si Manang na papasukin sila tas pakainin para di sila mainip.
Pagkaligo ko syempre daily routine.
Pagbaba ko nandun sila sa sala. Yung itsura nila parang may hinihintay sila na ihahatid nila sa simbahan. Alam nyo yung itsura ng mga guys pag nagiintay sa Bride nila? Ganun eh LOL. kaloka!
Tas pagtingin ko kay Kevin ansama ng tingin sakin, biglang gumuho yung nasa imagination ko eh.
Kevin: “Bilisan mo, alam mo bang dahil sayo antagal naming nagantay na dapat eh madami na tayong nagawa ngayon?”
Chloe: “Sorry ha.”
Tas tumayo na sya tas lumabas, kami naman syempre sumunod na.
Alfred: “Okay ka lang? kaw naman kasi, antagal kaya naming naghintay.”
Chloe: “Sorry nakalimutan ko i-on yung alarm ko. Kanina pa ba talaga kayo?”
Alfred: “Oo kaya.”
Naglakad lang kami hanggang dumating na kami sa meeting place.
Pag tingin ko sa gilid nandun na si Zoey.
Lintik na babae to oh, di man lang ako ginising?
Teka nasan na ba si Chanhee? Hinanap hanap ko sya tas bigla akong nilapitan ni Zoey.
Zoey: “Uy ate, antagal mo naman.”
Chloe: “Salamat ha, di mo man lang ako ginising.”
Zoey: “Malay ko ba nasanay ako na si Chanhee ang nanggigising sayo eh.”
Chad: “Hi Zoey!”
BINABASA MO ANG
To LOVE Again
Fanfictionit's hard to move on at first.. BUT when someone comes to your life and help you to erase his memories, that's a different story.