CHAPTER 12

26 0 0
                                    

bigay ni PAPA KEVIN!

----------------------------------------->

Kevin: “Chloe! Bili mo nga ako ng coke in can sa fast food.”

Ano daw? Naglilinis kaya ako dito no, kita nyo ba to? May sugat na kamay ko tas may gana pa syang magutos?

Chloe: “Nauuhaw ka eh wala ka na nga dyang ginagawa! At bakit ako? Alam mo naman ang fastfood, bakit di ikaw ang pumunta at magamit mo naman yang paa mo.”                         

Kevin: “Di ba susundin mo yung mga utos ko? Remember?”           

Aw shet! Oo nga pala.. ano ba yan! Chloe: “Okay, okay. Pera?”                    

Inabot nya sakin yung pera na pambili.                   

Pumunta agad ako sa fast food, medyo malayo din yun sa gym, badtrip sya, la na ngang naitulong inutusan pa ako.

Tss! Pagdating sa fast food wala namang tao kasi nga di ba? May klase pa at kaya lang naman ako napunta dito eh dahil napagalitan kami?

Sakit na talaga ng kamay ko, kasi naman pinagpulot ako ng kalat SA BUONG GYM! Tas pag balik ko dun mag mamap pa ako at aayusin yung mga gamit sa backstage, kamusta naman yun di ba?

After ng 15 minutes na paglalakad dahil may kalayuan nga yung fastfood at nakabili na din ako, ngayon ay malapit na sa gym.

Hingal na ko ha!

Nung tinignan ko yung kamay ko andami ng paltos, sorry ha yun lang naman ginawa ko pero nagpaltos na kamay ko, di kasi talaga ako sanay gumawa. First time ko kaya to.

Pag pasok ko ng gym nagulat ako kasi yung sahig malinis na.

Tas wala ng tao, nasan na si sungit?

Nung pumunta ako ng stage at dumiretso sa backstage nagulat ako kasi ayos na din lahat, pagbaba ko ng stage may nakita akong sulat dun sa inuupuan ni Kevin kanina.

Antagal mo naman, yang pinabili ko sayo nalang, nawala na uhaw ko.

TEKA HA!

Anlayo kasi di ba?

Pero in fairness nilinis nya yung natitira ha, na higit namang mas mahirap linisin, ano kaya nangyari dun at biglang sinipag?

Pagtingin ko sa upuan meron pang plastic na naiwan tatapon ko na sana nung naramdaman kong may laman.

Band aids! Angcute nga eh kasi iba iba kulay at design tas may sulat ulit.

Gamitin mo sa  kamay mo. Pag di ko yan nakita mamaya, lagot ka sakin.

Pagtingin ko sa supot meron ding alcohol and betadine! Aw angsweet naman ni sungit! So di pala sya pusong bato na walang emosyon? LOL. ginamot ko na yung mga sugat ko then lumabas na ako ng gym. Sakto naman na nagbell na, ibig sabihin ay lunch na! hays ang bilis naman.

Pagdating ko sa classroom nandun sila Maye at Aiem sa may upuan ko, tas hinanap ko si Kevin para magpasalamat kaso wala naman sya dun kaya dumiretso ako sa upuan. Sa classroom lang kasi kami madalas pag lunch, masyado kasing magulo nun sa fast food kaya mas okay sa classroom.

Nilabas ko na yung Bento na pinabaon sakin nung chef sa bahay.

Ansarap talaga magluto ni Chanhee.

Sya yung isa sa mga kababata ko, samin sya tumira simula nung namatay magulang nya na best friend naman ni mama and papa, magkabarkada kasi yung magulang namin nung mga bata pa sila. Naging best friends kami, dito din sya sa school nato nagaaral kaya minsan hinahatid nya sakin yung food ko sa room every lunch.

To LOVE AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon