First Week, Second Week, Third Week. Nothing eventful happened between us. Nakaalis at nakabalik si Kuya Eren galing states ng hindi inaatake si Levi.
With the constant coldness and hostility of Levi to me, medyo nasanay na ko. Isa lang ang natutunan ko mula sa ugali niya. Sundin mo lang ang kawirdohan niya, magkakasundo kayo.
Si Kuya Eren naman, parang si kuya lang din. Ang kulit at masarap kasama. Andami niyang kwento about them ni kuya nung college pa sila.
6 am palang nakagayak na siya at 7am aalis na yan. Kaya nga napakaaga ko ring magising. Sanay naman ako na by 5am gising na, kaya pinaghahandaan ko na rin siya ng almusal niya.
"Di mo na ko kailangan handaan ng almusal Rae. I can do it myself."
"Ok lang yun kuya. Ano ka ba. Tsaka sanay naman akong inaasikaso si kuya Erwin."
By 7am, bababa na si Levi. Minsan naabutan pa niya si kuya niya. Tsaa at tinapay lang ang kinakain niya. Pagkatapos ay aakyat na siya ulit sa kwarto niya.
8am dumadating ang mga tagalinis at tagalaba nila. 3 sila, si Ate Leonora, Ate Marivic, at Ate Beth. Araw-araw yun. Tulad ko, they just stay away from Levi. May sarili silang quarters, makikita mo lang sila pag naglilinis na sila. Pero naging kakwentuhan ko rin naman sila.
By 10 am, aakyatin ko siya at papainumin ng mga gamot niya, noong una, gusto niyang ipaiwan nalang sa loob ng kwarto ang mga gamot niya. Pero hindi ako pumayag.
"Sa ayaw mo't sa gusto mo, iinumin mo yan sa harapan ko." Matigas kong sabi sa kanya.
He just looked at me with his murderous stare, pero sinunod niya ko.
"I will stay away from you if you let me do my job."
"Fine!" He hissed bago niya inumin ang mga gamot niya.
"If you need anything, I'll be downstairs. Magintercomm ka nalang." Dagdag ko bago lumabas ng kwarto niya.
By 12 noon, dapat nakahanda na ang pagkain niya. Konti lang siya kumain, at napansin ko na hindi siya mahilig sa may sabaw, mas may appetite siya sa mga masarsa na pagkain. He likes fruits too. At hindi dapat mawala ang tsaa na lagi niyang iniinom.
No wonder maganda ang built ng katawan niya. Tsaa iniinom niya eh, nagdedetoxify ito ng body. Minsan, tinry kong gawin yung tea na sineserve namin sa cafe. Yung Strawberry Sweet Tea. Dadagdagan lang naman yun ng flavor ng strawberry and gagarnishan lang ng mint leaves or cut strawberry sa ibabaw.
"Ano to?" Tanong niya.
"Recipe namin sa cafe. Go on. Try it."
Tinignan niya muna ang mason jar na pinaglagyan ko. Then, he lifted it at uminom. Tinignan niya ulit ang baso at ibinaba. Tumaas ang kilay niya. "Not bad." He commented.
Napangiti ako. At least nagustuhan niya. "I'll let you taste our other recipes ng tsaa."
"'Kay."
"Uhm. Levi, can I ask you something?"
Tumaas lang ang kilay niya. So I guess, pwede akong magtanong.
"Ayaw mo bang magstay dito sa labas ng kwarto mo? Hindi ka ba naboboring na ikaw lang mag-isa don?"
He smirked. "Why do you care? Di ba mas gusto niyo naman akong nandun lang?"
BINABASA MO ANG
Selfish Heart (A LeviHan Fan Fiction)
Teen FictionSometimes, it's the Princess who saves her Prince from danger.