JaredNagising akong masakit ang ulo at nasusuka. Halos di ko madilat ng maayos ang mga mata ko.
Sh't this hungover.
Napatingin naman ako sa tabi ko kung natutulog pa ba si Nicole, pero wala na pala sya duon.
Siguro nasa kitchen nagluluto ng Breakfast.
Nasa dining area na ako pero si Janicka lang ang nakaupo doon.
"Wheres your Mom Anika?"
She just look into my eyes then answered me something that hits me.
"Dad, Miss Roan is she your Mistress?"
"How did you—"
"I'm 9 years old Dad, I understand everything."
I don't know what to say. I don't know how to answer my daughter.
———
Nicole
Nasa national bookstore ako naghahanap ng bagong librong pagdidiskitahang basahin.
Weekend ngayon pero my review si Janicka. Si Jareen naman ayun may meeting daw.
Pagkatapus kung makabili ng 3 libro lumabas na ako at bibisitahin si Jessa sa Flower shop na pagmamay-ari nya dito sa Mall.
Naglalakad ako ng may mapansin akung pamilyar na bulto ng Tao.
Si Miss Roan yun ah?.
Lalapitan ko sana sya dahil nasa labas lang sya ng Ice cream Parlor.
Pero may..
May kasama pala sya. At hindi ko inaakalang si Jareen pa talaga ang kasama nya.
Bat sila magkasama?
Sinundan ko sila, mula sa fastfood na pinagkainan nila hanggang sa hinatid ito ni Jareen sa isang hotel.
Nasa loob lang ako ng kotse at naghihintay na lumabas sya doon. Pero umabot nalang ng tatlong oras yung paghihintay ko, hindi parin sila lumalabas.
Binaba ko ang tented window ko at naghintay pa hanggang sa sumapit ang gabi.
9: 56 pm.
Lumabas din sila. Napakasakit na makitang magkahalikan sila.
Magkahawak ang kamay at masayang nag-uusap. Na para bang kanila ang mundo.
Tumulo ang mga luha kung pilit pinipigilan.
Ano bang kulang sakin at Ganyan ka Jared?.
Pinaandar ko ang kotse at nagmadaling umalis sa lugar na iyun.
Ang landi nilang dalawa.
Pinagtaksilan ako ng asawa ko.
Pinagtaksilan ako ng taong labis kung minahal.
......