"Sige paikutin mo na"sabi ni Jacob at ngumiti
Kaya pinaikot ko na ang Ballpen
Habang umiikot ito ay titig na titig kami
Sana Hindi sa akin tuturo
Ito na malapit nang Huminto kaya pinigilan ko saglit ang paghinga ko at pumikit
3......2......1...
Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at tiningnan kong saan nakaturo ang ballpen
"Ughhh bakit sa akin pa?"galit kong sabi sabay sapo sa noo ko
"Haha paano ba yan?talo ka kaya I Dare You To...."tipid nyang sabi at tumingin sa akin sabay ngiti ng nakakaloko
"Babalaan na kita Jacob ,wag mo nang gawin ang kalokohan mo kung hindi ,papatayin talaga kita"banta ko sa kanya
"Alam ko di mo yan gagawin kasi mahal mo ako diba?diba?diba?"sabi nya habang nilapit lapit nya ang kanyang mukha sa akin
"Ang pangit mo talaga Nerd"tukso ko sa kanya
Sumimangot sya sa sinabi ko at umupo na ng maayos
"Kahit kailan talaga payatot ka, ang sama parin ng ugali mo"sabi nya sabay pout,Tumawa naman ako sa ginawa nya
Ang cute.."Baklang Nerd!"Bulong ko pero yung sakto lang para marinig nya
"Anong sabi mo?"galit nyang tanong
"Wala,sige ano ba ang Dare mo?"tanong ko sabay irap
"haha siguradong magugustuhan mo ito"sabi nya sabay ngisi at kitang kita ang brace sa kanyang ngipin
Napangiwi naman ako dahil sa mukha nya
"Oh anong problema at bigla nalang nangasim yang mukha mo?"tanong nya
"Pangit mo kasi,sige na ano ba yung Dare mo?"irita kong tanong
"I Dare you to be my Maid for 1 week"sabi nya sabay ngisi
"Ano?Gagawin mo akong alalay?"sigaw kong tanong
Tumango tango lang sya bilang sagot
"Sa ganda kong ito ?gagawin mo akong alalay?"Tanong ko ulit
"Anong maganda?pangit mo kaya"sabi nya
Pinuntahan ko sya sa upuan nya at tinabihan "Jacob diba bestfriend tayo at higit sa lahat magkababata ,wala ka na bang ibang naisip?"
Itinaas nya ang dalawa nyang kamay at winagayway nya yun ng paulit ulit as sign na wala na talaga
Dinilatan ko sya ng mata "Papatayin na talaga kitang Baklang Nerd ka" sigaw ko na syang kinatawa nya
"Ako ang Master mo kaya lahat ng utos ko ay tutuparin mo .Ok lang ba yun sayo Aking Maid?"sabi nya habang nakangisi
Bumuntong hininga nalang ako at tumango
He patt my head "Good girl"sabi nya sabay ngiti
Inirapan ko lang sya"Good girl good girl,Makaka bawi din ako sayo "sabi ko sa kanya with matching death glare
"Talaga?"sarcastic nyang tanong"diba palagi kang talo?"
"Talaga!tingnan natin pagkatapos nito ako nanaman ang magiging reyna at ikaw na ang talunan"sabi ko sabay tawa
"Mga Anak kumain muna kayo ng Meryenda"sigaw ni Tita Jenny galing sa kusina(Mama ni Jacob)
"Ok Ma"sagot ni Jacob
"Ok Po Tita"sagot ko din"Ok ngayon Payatot kong Maid pwede bang buhatin mo ako papunta sa kusina?"tanong nya
"Wow sino ka ba?Ang bigat mo kaya.Para ipaalala ko sayo ,Babae po ako at Lalaki ka po baka makatae ako nito sa sobrang bigat mo"nakacross arm kong sabi sa kanya
"Hahaha kailangan pabang itanong kung sino ako? Syempre ako ang Master mo ,nakalimutan mo na ba ang Dare ko?Ulyanin kana talaga"sabi nya
"Anong sabi mo?pakiulit nga?"
"Ang sabi ko ulyanin ka na talaga hindi lang yun bingi ka na din pwede kanang tawaging Lola nyan"sabi nya sabay takbo papuntang kusina
"WALA KA TALAGANG HIYA NERD KA PAPATAYIN NA TALAGA KITA"sigaw ko sabay habol sa kanya
Ako nga pala si Ashley Kate Reyes 19 years old
at ang lalaki kanina ay si Jacob Fernandez ,20 years old.Close na close kami simula pa noong bata pa kami.Isa po syang nerd na wala nalang ginawa kundi ang magbasa ng mga libro, pero kahit libro nalang halos ang nasa isip nya hinding hindi naman mawawala sa puso nya ang mga mahal nya sa buhay
Sa totoo lang meron namang itsura si Jacob ,tinatago nya nga lang at yang ugali nyang yan ang kinaiirita ko.Minsan ko na syang sinabihan na "Change ka naman ng looks Jacob para maiba naman" pero isa lang talaga ang isasagot nya "No way!baka mainlove ka sa akin"
Sana nga manalo na ako sa aming Kinababaliwan na laro na "I Dare you to" para naman matupad na ang wish ko para sa kanya.Alam nyo ba kong bakit gusto kong mag bago sya?Dahil ayaw kong inaapi api sya sa School namin at yang tanga naman magpapaapi
"I hope na manalo na ako after this para naman matupad na ang hiling ko para sayo at syempre para nadin sa revenge ko mwahahahaha"
>>>>>>>