(IDYT)Chapter3:

7 1 0
                                    

*blink**blink*

"Payatot!Ok ka lang ba?"tanong ni Jacob

Inalalayan akong tumayo ng gwapong lalaking nasa harap ko

"Ahh ok lang ako Jacob ,salamat"sabi ko sa kanya,binaling ko ang mga mata ko sa lalaking nasa harapan ko"At salamat din sayo"sabi ko sa kanya sabay ngiti ,transferee ba sya dito?bago kasi ang mukha nya sa akin

Tumango sya at ngumiti kaya kitang kita ang pantay nyang ngipin"Your welcome,Be carefull next time Ashley "sabi nya sabay alis

Nakatulala ako habang sinusundan ko sya ng tingin hanggang mawala na sya sa paningin ko

Teka tama ba yung narinig ko?tinawag nya ako sa pangalan ko?

Hindi ko nalang yun pinansin at tumalikod na

"Halika na Baklang Nerd at baka ma late tayo"sabi ko kay Jacob

Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang galit na ekspresyon ng mukha nya at pagkuyom ng mga kamao nya habang nakatingin sa likuran ng lalaking nagligtas sa akin

"Huyy!"sindak ko kay Jacob

"Huh?may sinabi ka?"tanong ni Baklang Nerd sa akin

"Bingi ka ba?o nag bingi bingian?"galit kong sabi sa kanya,"Ano ba ang problema mo at parang Angry Birds yang mukha mo?"tanong ko

Tinitigan naman nya ako sa mata na syang dahilan upang makaramdam ako ng kaunting ilang

Bat ko ba nararamdaman to?hindi naman ako nakaramdam nito dati,Ang ganda kasi ng mata ni Baklang Nerd kahit natatabunan ito ng makakapal nyang Eyeglasses, parang gusto kong kunin ang mata nya at ipalit sa aking mga mata ,pero joke lang ang ganda din kaya ng mata ko sa hindi lang pagmamayabang

Tiningnan ko na sya ng maayos at maya maya pa ang seryoso nyang mukha ay napalitan ng ngiti

"Wala naman,nag pa practice lang ako"sabi nya

Nag taka naman ako,Meron bang actingan sa isang Nursing?kung mag bubukas lang ng tiyan sa palaka at kukunin ang mga organs nito,siguradong yun ang bagay na hindi ko dapat paghinalaan sa isang tulad nya

Pero baka meron naman talagang Actingan sa kanila! ,aisshh nakakaloka na!

"Payatot may gusto kaba sa lalaking yun?hindi mo na ba sya natatandaan?"mabilis nyang tanong sa akin

Kumunot naman ang kilay ko

"Ayiee nagseselos ang bakla"sabi ko sabay sundot sundot sa tagiliran nya

"Eww no way,at pwede ba Ashly wag mo akong tawaging bakla"diring sabi nya

Ngumisi lang ako

Gaya gaya talaga ng sagot ang bakla na ito

"Bakit ano ba ang gagawin mo?"tanong ko

"I will kiss you"sabi nya at ngumisi

"Kung kaya mo,bakla ka nga diba?"tukso ko sa kanya

Napabuntong hininga sya

"Gusto mo talaga ha!!"mahinang sabi nya

Kinabahan ako ng papalapit ang mukha nya sa mukha ko

"Ahahaha joke lang naman yun"kinakabahan kong sabi sa kanya

Ngumisi naman sya "Akala mo naman totohanin ko yun,Eww kaya,baka bad breath ang mahalikan ko"patawa tawa nyang sabi sa akin

Tiningnan ko naman sya gamit ang Death glare ko

"Hehehe"bungisngis nya

Bakla talaga!

~I Dare You To~*On-Going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon