Chapter 13: Weak

2 1 0
                                    







Chapter 13: Weak







Youghan's POV:


"Huh huh huh huh P-precious pa-pahinga muna ta-tayo! H-hindi ko na kaya!" Sabi ko at umupo sa gitna ng kalye.

Okay kasi 5:00 pa lang naman ng umaga! Huminto si precious sa pagjojogging at tumingin saakin ng masama. Hay naku ito na naman.

"Baliw ka ba youghan! Hindi pa tayo nakaka-isang  minuto pagod ka na agad! Seryoso ka ba?!" Hindi makapaniwalang sabi saakin ni precious.

"Eeeehh sa pagod na ako eh!" Sabi ko sakanya at ngumuso.

"Jusko naman youghan! Paano tayo makakatapos nito ng maaga kong panay reklamo ka?! Hala sige tumayo ka na at magjojogging ulit tayo!" Sabi niya.

Ugh! Sabi ng pagod ako eh. Tapos pinagpapawisan na ako kahit wala pang araw. Pasalamat siya nakashorts siya na pink at white na long sleeves tapos may earphones pa siya kaya parelax relax lang siya. Padabog ako tumayo at nagjogging kasi iniwan na niya ako.

Dali dali akong nagjogging para makaabot sakanya. Huh huh huh pagod na ako. Malapit ng mag-give up tong mga tuhod ko.

"Ugh precious di ko na talaga kaya!" Sabi ko at pabagsak na humiga sa kalye.

Tinanggal ni precious ang earphones niya at tumingin saakin. Lumakad siya palapit saakin. Lumuhod siya sa harap ko.

"Ano ba yan youghan! Ganyan ka ba talaga ka-WEAK!" Sabi niya emphasize the word weak.

Grabe naman tong manglait! Alam ko namang mahina ako huwag lang ipamukha saakin.

"Grabe ka naman precious!" Sabi ko at ngumuso.

"Dahil yun ang totoo youghan! Hindi nasanay ang katawan mo sa mga mahihirap at mabibigat na gawain kaya madaling sumuko! Gusto mo ba habang buhay ganyan ka nanlang?!" Tanong niya saakin. Umiling naman ako.

"Yun naman pala eh! Kaya do your best to change! Alam mo youghan ang buhay parang karera lang yan eh! Kung hindi ka sasali sa karera o sa madaling salita kung hindi ka magpapakahirap paano mo mararating ang finish line?!" Tanong niya ulit saakin.

* Catch Me * (On-going)Where stories live. Discover now