Chapter 17: I miss you

0 0 0
                                    




Chapter 17: I miss you



Youghan's POV:




"Eeehh precious kailangan ba talaga yan?!" Tanong ko sakanya.

Grabe naman toh, pati attitude ko kailangang baguhin. Aba sumusobra naman yata tong si precious. Akala ko ang panlabas ko ang babaguhin yun pa pala ang hindi babaguhin at ang panloob kong katangian ang kailangan baguhin tss.

"Yes youghan, sa tingin mo magugustuhan ka ni janelle kung stupid ka. Duh!" Sabi niya at nagsulat ulit sa notebook niyang yellow.

Nandito kami ngayon sa gazebo nila. Ito nga, babaguhin niya raw ang mga pangit ko na attitude. Eeehhh parang hindi na naman kailangan yun eh. Nagsasayang lang kami ng oras.


"So youghan, are you a kind person?!" Tanong saakin ni precious habang nakataas ang kaliwang kilay.

Napaisip naman ako. Hhhmmm mabait ba ako? Tanong ko sa sarili ko. Well hindi ako BULLY, SUPLADO  at MAY AWA AKO SA LAHAT. Hhmm edi ibig sabihin mabait ako.

"Uh, I think...so" sagot ko.

"Weh?!" Sabi niya with expression pa.

I just glared at her. Letche siya, magtatanong tanong tapos hindi maniniwala sa sagot. Anong klaseng utak mero siya?

"Pfft, hahahaha yeah yeah oo na mabait ka na!" Sabi niya habang nakangising nagsulat ulit sa notebook niya.

Napakamot naman ako sa ulo ko. Parang ang weird yata ni precious ngayon ah! Ito ba ang epekto ng menstruation niya na yun. Hahahahaha edi kung ganun palagi kong ipagdadasal na araw araw may period si precious.

Kung ang iba, nagiging suplada pagmeron si precious naman nagiging mabait. Sabagay, pag wala kasing period yan suplada na eh, unfair naman kung meron siya tapos suplada pa rin siya.

"Pero youghan remember!" Sabi niya kaya napatingin ako sakanya.

"Remember that being too kind to everyone is also bad. You should also learn how to defend and protect yourself from other person! Ang pagiging mabait ay mabuti pero ang pagiging sobrang mabait ay masama. Hindi lahat ng tao youghan mabait, kaya ka nilang lokohin dahil sa angkin mong kabaitan. Lalo na at uto uto ka pa naman, kaya ka nilang patumbahin sa isang pikit mo lang!" Sabi niya.

Ganun ba yun. Akala ko kung sobrang mabait ka iniidolo ka ng lahat.

"Ganun ba yun precious?"

"Oo youghan! Mabuti kung mabait ka pero mas mabuti kung gamitin mo rin sa tama ang kabutihan mo!" Sabi niya.

* Catch Me * (On-going)Where stories live. Discover now