Chapter 15: Perfect Plan

0 0 0
                                    

Chapter 15: Perfect Plan

Youghan's POV:




*lalalala* *lalalala* *lalalala*

Uuuyy pakanta kanta pa ako habang naglalakad dito sa subdivision nila precious. Ako lang mag-isa kasi tulog pa si precious. Tsss halatang nagpuyat yun. 7:00 na kaya. Kadalasan kasi gumigising yun ng 4:30 eh. Oh eh ngayon 7 na pero tulog parin.

Hhhhhmmm ano kayang ginawa nun kagabi pagkatapos niyang kumain. Pagkatapos kasi ng dinner umakyat na siya sa kwarto niya at hindi na lumabas. I wonder why?!

Habang naglalakad ako may nakita akong isang babae, nakatalikod siya saakin. Naglalakad siya habang may dalang dalawang libro.

Familiar siya saakin. Yung likod, taas at tindig niya kilala ko talag. What if.........

Tumakbo ako at sumabay sa paglalakad niya. Nagulat naman siya at napatingin saakin. Ngumiti ako sakanya bago nagsalita.

"Long time no see yannie ha! Tumangkad ka yata hahahah!" Tawa ko. Yes si yannie yung nakita kong babae.

Same yannie I know. Nakasuot siya ng yellow green na palda hanggang paa niya at nakalong sleeves siya na baby pink habang nakalugay ang syraight blonde hair niya. Suot pa nga niya ang favorite niyang pink reading glasses niya. Tapos color sky blue na ngayon ang braces niya. Hhhhmmm kailan kaya niya pinalitan yun.

Kasi ako last month pinalitan ko rin ang braces ko. Color white na ngayon hahahahaha.

Ngumiti saakin si yannie.

"Hihihi hi yougan uhm aalis na ako ah!" Sabi niya at naglakad ng mabilis.

Pansin ko last month pa ako iniiwasan ni yannie. Kung magpapasama ako sakanya she refuses tapos kung makikipag-usap ako sakanya palagi siya umaalis na parang nagmamadali. May kasalanan ba akong ginawa sakanya?! Walan naman ah!!

Hinabol ko siya at hinawakan sa braso.

"Yannie sandali, may nagawa ba akong kasalanan sayo kaya mo ako iniiwasan?!" Tanong ko sakanya.

Humarap naman siya saakin ng nakangiti.

"Ano ka ba youghan! Wala noh! Ah kasi pupunta pa ako sa bahay ng tita ko oo tama. Kaya nagmamadali ako!" Sabi niya.

Oo nga noh, pansin ko hindi ang bahay nila. Nasa kabilang subdivision sila naninirahan nung huli kung hatid sakanya ng nagpatulong ako sa project namin.

"Oh! Mind if I join you?!" Tanong ko sakanya ng nakangiti.

Mabilis pa sa segundo siyang umiling at nagsalita.

"Naku youghan huwag na! I can manage! Sige na aalis na ako, take care!" Sabi niya at parang kabayo na hinahabol ng kalabaw na tumakbo sa isang gate ng green na bahay at pumasok sa loob.

Huh! That was odd! Hhhhmmm ano kaya ang problema ni yannie?! Baka tinatago niya at sinasarili lang niya yun. Hindi niya ba alam na pagsinabi niya o nagshare siya ng problema niya mababawasan ang sakit na nararmdaman niya. After all I am here to listen.

* Catch Me * (On-going)Where stories live. Discover now