Math

237 0 0
                                    

Hindi ako magaling sa math
pero tangina kung ikukumpara sa pag-ibig
mukhang petiks nga lang ito.

Buti pa ang math,
may solution at sagot
Eh ikaw?

Mabibigyan mo ba ng solusyon
ang puso kong nadudurog
sa bawat banggit mo ng pangalang hindi akin

o kahit sagot na lang
kung bakit nawala na lang na parang bula
ang kwento nating hindi ko alam kung meron nga ba

Pasensya na hindi ako marunong tumula
Wala akong pake basta ako'y masaya
aanuhin ko pa ang tamang bantas
kung inyo namang naiintindihan ang nais kong ipaalam



----------

Pasensya na talaga. Kung meron mang gusto itama yung mga punctuations and shits ng tula ko, dm nyo lang ako. Buti pa yung tula ko, kaya itama. Chareng 😂

Tula ng Isang TulalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon