Chapter 23
Peter POV
Ilang taon na ba simula nuong huling beses kong Makita ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Dalawang taon na din ang nakaraan simula ng huling beses ko syang makausap.hindi ko makakalimutan ang mukha nya. Yung reaksyon ng mukha nya pag kasama ko sya,hindi ko makakalimutan kung papaano kumurba ang labi nya kapag napapangiti ko sya.Ang boses nyang gumgising sa buong pagkatao ko.isang babaeng nagdala ng saya at ligaya sa buhay kong puno ng kalungkutan. Ang babaeng nagbigay kulay sa madilim kong mundo. At ang babaeng alam kong nasaktan ko nang lubusan. Sa itsura ngayon, mukhang malaki na ipinagbago nya. Pisikal pa lang alam kong malaki na, Maganda pa rin siya, pero mas maganda nga lang sya ngayon.
Malayong malayo sa nakikita ko ngayon sa kanya. Ang babaeng kaharap at kausap ko ngayon ay milya milya ang layo sa babaeng minahal ko nuon.kung ang boses nya nuon ay punong puno ng saya ngayon tinalo pa ang yelo sa lamig. Na para bang wala syang pakialam sa kung sino ang kausap nya.isang malamig na boses na binalot, at para piniga ang puso ko ng banggitin nya ang mga salitang binitawan nya.
Hindi nya kame itinangi man lang bagkos binati nya kaming lahat na parang hindi sya natutuwa na nakita nya kaming muli.binati nya kaming lahat na para bang mga bagay na walang halaga sa kanya.na para bang ni minsan ay hindi kami nagging mahalaga sa kanya.habang nakatingin ako sa kanya hindi ko maiwasang ikumpara ang nuon sa ngayon.kung nuon maingay syang kumain kahit na may laman ang bibig nya magsasalita pa din sya.sasabihin nya kung ano man ang gusto nyang sabihin.
Sya ang pinaka madaldal sa grupo.nagbibigay ng saya sa aming lahat,bumubuhay sa lugmok naming pagkatao. Alam nya kung papaano kame pasayahin.meron syang sariling paraan para mapasaya ang bawat isa sa amin lalo na ako. Pero ngayon tahimik lang syang kumakain,walang ingay kang maririnig ni ang kubyertos ay hindi mo maririnig sa plato nya.napakapino ng bawat kilos nya.an bawat pagnguya nya ay kakaiba kaysa sa dati. Iginala ko ang aking paningin sa mga kasama ko.katulad ko tahimik lng nilang pinapanuod si Ela or Zoey o kung sino man sya ngayon.
Hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko,naiinis akong makitang may iba ng lalake sa buhay nya,may iba ng nagaalaga at nagmamahal sa kanya.paminsan minsan ngumingiti sya pero hindi na tulad ng dati na punong puno ng buhay. Wala na yung babaeng minahal at inalalagaan ko nuon. Para na syang ibang tao sa paningin ko ngayon.
'' hmmp Zoey right? Nakangiting tanong sa kanya ni Camille na sa kauna unahang pagkakataon nakita kong syang nakangiti.
''yah" maigsing sagot nito na sinamahan ng pilit na ngiti.at muling binalik ang atensyon sa pagkain nya.
''sadyang maliit lang talaga ang mundo ano" halos lahat kame ay napatingin sa babaeng nagsalita maliban nalang sa babaeng tahimik lang na kumakain. "What? Diba totoo naman sa dame ng lugar sa PIlipinas akalain nyong dito nyo pa naisipang mag reunion?
Nagkatingan ang lahat na para bang pilit nilang iniintindi kung ano ang gustong ipakahulugan ng babaeng sa natatandaan ko Mitch ang pangalan.
Hi guys,
It's been a long time since a updated this story..im a little bit busy with work and other staff. Hope you can like the update...
Te Bogz..:)
"if I can go back to the time that we weretogether ;F
BINABASA MO ANG
Unconditional love
Romancethis story is about love. .is about moving on... to loved and to be loved giving second chance for yourself "TO MOVE FORWARD"