Excerpt

38.2K 922 460
                                    

Mahinang dumighay si Ronalyn. Umayos siya sa pagkakaupo. Hindi na siya makahinga sa kabusugan. Natutukso siyang buksan ang zipper ng suot niyang jeans para palayain ang nagrerebelde niyang tiyan.

"You have an apetite." naiiling na komento ni Ali.

Napigil ang akmang pagsagot niya nang makitang palapit sa table nila ang restaurant assistant at isa pang naka unipormeng staff. Napansin agad ni Rona ang hawak na ilang pirasong sobre ng una.

Huminto ang dalawa sa tapat nila.

"Good evening, Ma'am, Sir. Tonight marks our 18th Year Anniversary in the business. In line with this, mayroon po kaming Anniversary promo para sa mga couples na nagdine-in ngayong gabi. Baka po kayo na ang masuwerteng makabunot ng coupon na may nakasulat na free romantic date set up para sa Valentine's Day. Iyon po ang mapapanalunan ninyo kung sakali."

"We're not coup.."

Sinipa ni Rona ang paa ni Alissandro na nasa ilalim ng lamesa. Nginitian niya ng matamis ang restaurant assistant na napatingin sa kanya bago ibinalik ang tingin sa nakangiwing date niya.

Ginagap ni Rona ang palad ni Ali. Matamis ditong ngumiti.

"I'm not sure kung swerte tayo tonight, pero Honey, let's give it a try, okay?" dramatic niyang ani.

Nagkamot ng kilay ang lalaki mukhang gusto siyang pigilan pero hindi naman kumibo nang senyasan niyang manahimik na lang.

"Sino po ang bubunot?" tanong ng staff.

"Ako na." matamis pa rin ang ngiting presinta niya.

"Okay, Ma'am. Pick one. Si husband na lang po ang mag o open para surprise."

Muntik nang masamid si Rona sa husband. Ipinatong ng staff ang mga sobre na may iba't ibang kulay sa ibabaw ng table nila. Pinili niya ang pulang sobre at saka iniabot iyon kay Ali.

Patamad na dinampot at binuksan iyon ng binata. Hinugot ang kulay gintong papel mula sa loob at saka sinulyapan siya nang mabasa ang nakasulat doon.

"Not your lucky day." Anito.

Kumunot ang noo niya. Hinablot mula sa kamay ng binata ang papel. Nang mabasa ang pagkalaki laking "Thank you for joining." lang na nakasulat doon, nanghihinayang na ibinalik niya iyon sa dalawang babae. Disappointed na ngumuso si Rona.

"That's what you get from lying." Ani Ali nang makaalis ang dalawang babae.

Sinamaan niya ito ng tingin.

"Bakit? Magkaka free anniversary date ka ba sa pagiging honest?"

Men In Tux 3: When The She - Devil Falls In Love (Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon