Chapter Three - Edited

20.2K 691 710
                                    

Ilang beses na nag alis ng bara sa lalamunan si Ronalyn bago niya napwersa ang sariling ngitian si Ali.

"I'm impressed, hindi ko inaasahang makikilala mo pa 'ko."

"I would recognize you anytime, anywhere, Angel."

Kung ano ang ibig sabihin niyon, hindi alam ni Rona. Wala naman siyang nunal o balat sa nakalitaw niyang katawan, pa'no siya nitong nakilala agad?

Paano na ang plano niyang pagpapanggap na Fengshui consultant ngayong alam pala nito kung sino siya? Paano na lang kung kaladkarin siya nito palabas ng opisina? Dapat pala 'yon ang mas pinaghandaan niya.

Mwenestra ni Ali ang visitor's chair sa tapat ng lamesa nito bago ito naupo sa sariling upuan. Pinilit naman ni Rona na ikalma ang sarili niya. Kung civil ang mokong dapat civil din siya.

"Matagal kang ipinahanap ng Mama." Ali said. His eyes wandering her face.

Nagkibit balikat si Rona. Kung may rason para pagsisihan niya ang desisyong umalis noon, si Tita Abegail iyon. She got along well with the old woman at dama niya ang walang katulad na pagtanggap at pagmamahal nito sa kanya. Maliban sa nagkakaroon ang isang ulilang kagaya niya ng magulang ng isang buong pamilya, mababago pa at gaganda ang buhay niya.

Mula sa pagiging palaboy, nagbuhay prinsesa si Rona. Kulang na lang maniniwala siya na totoo si fairy god mother at siya si Cinderella. Nang itaboy siya ni Ali, noon niya lang narealize na hindi lahat ng kwento may magandang ending. Ilang oras ding nagtalo ang isip niya kung iiwanan ba niya ang Mansyon at piliing makipagsapalaran sa labas niyon kasama ang mga ordinaryong tao o kapalan ang mukha niya at yakapin ang pagiging parte ng mga De Marco.

Hindi niya alam kung maiinis o maaawa sa sarili. Ipinagpalit niya ang magandang buhay nang piliin niya ang pride niyang mas mataas pa sa top floor ng Burj Khalifa.
Sanay naman siyang pinagsasalitaan ng hindi maganda, minumura, inaalipusta. Inililigo niya lang iyon at kapag may pagkakataon, gumaganti siya. Iyon lang ang kailangan niyang gawin at pagkatapos makakapag move on na siya.

Pero iba ang dating sa kanya no'ng kay Alissandro na niya narinig ang mga masasakit na salita. Para siyang paulit ulit na pinauulanan ng bala at tumagos ang mga iyon sa puso niya.

Hindi niya pagdududahan ang sinabi ni Ali na ipinahanap siya ng Mama nito. Pero simula nang umalis siya sa Mansyon at makilala niya si Manang Remy, Ronalyn na ang pagpapakilala niya sa sarili. Isa sa mga rason kung bakit mahihirapan ang mga De Marco na ipahanap siya. Sa likod ng isip niya, gusto niyang kalimutan ang mga masakit na pinagdaanan ni Angel Joy kaya sinadya niyang palitan ang totoong pangalan.

Nagkaroon siya ng panibagong identity, utang na loob niya sa fixers at taga gawa ng pekeng papeles at Id's sa Quiapo. Sa loob ng mga taong iyon pinilit niyang huwag makibalita sa mga De Marco. Nasasaktan lang siya kapag naaalala niya ang mga ito. At para saan pa ba? Tama na para sa kanya na si Ali ang naging inspirasyon niya para magsikap.

"Why did you show up?" Tanong ni Ali na nagpalipad ng tingin dito ni Rona. May ibig bang sabihin ang tanong nito? Was he scared she'll meet his parents and terrorize their home again?

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ikaw ang dahilan?"

Kumunot ang noo ni Ali. "I was expecting you'll say you care about my mother.."

Hindi niya pinansin ang sinabi nito.

"Narinig kong ikakasal ka kay Monica ngayong taon. Hindi magandang taon ang taong ito para magpakasal."

Sh-t. Wala sa plano na dapat magtunog eager na eager siya. Pero ganoon na ganoon ang tono niya. Ipu-push niya ba talaga ang pagpapanggap niya?

"Ano'ng mangyayari kung itutuloy ko ang pagpapakasal?" Iyon ang tanong na mukhang hindi naman ito maniniwala sa sagot.

Men In Tux 3: When The She - Devil Falls In Love (Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon