33

211 19 2
                                    

levi @unruly

Hi ulit ng five times!
Sorry kung natagalan akong bumalik.
Okay, game. Ipagpatuloy na natin ang
story time!

So, ayun nga. Habang hinihintay namin
pareho yung order namin, nakatingin lang
ako sa babaeng yon kahit na sa tingin ko
may pinagkakaabalahan siya sa phone niya.

Tapos biglang nagsalita yung lalaking
gumagawa ng cake shake sa Blu Nektar ng
"Vanilla Caramel Cake for Alex."

Nakahanda pa man din yung kamay ko na
kukunin ko na sana yung shake, kasi akala ko
talaga akin yon?! Pareho kasi kami ng inorder na
flavor.

Nakatingin pa sakin yung isang lalaking, nag
sales talk. Halatang natatawa saakin, pero alam
ko namang nahuhumaling siya sa kagwapuhan ko.

Kung pwede ko nga lang kindatan at ngitian lang yung
mismong nagawa nung shake, baka nakalibre pa ako. Ang
kaso mabait ako, hindi ko sila hahayaang malugi lang
ng dahil saakin hehehe.

Tapos nung marinig ko yung boses nung babaeng may pangalang
Alex daw, ang hinhin masyado ng boses at parang
sweet na sugar na matamis?

Alam kong kanina pa ako,
tapos nang tapos dito
kaya intindihin mo nalang hehe.

Tapos alam mo ba ha, hindi
ko alam kung ba't ko ba kinukwento sayo to at
detalyadong detalyado pa!
Dapat kang maging grateful,
dahil ngayon lang ako sinipag
magkuwento, kaya mag reply
ka naman muna bago ko ulit
to itutuloy.

Para kasing wala nang
nagbabasa ng kinukwento ko
e. Paramdaman ka naman, Iza.

Wag kang magpaparamdam
sakin na multo ka ha!
Mamamatay ako sa niyerbos!

***
Di ako sure kung tama ba,
yung tagalog ng nervous hehe.
Pero tama ba?

FollowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon