Personal. Daming alam nitong si Chester, pu-pwede naman sanang sabihin nalang saakin sa Twitter. Nakakatamad pa man din mag-ayos, mag bihis tapos maglalakad ka pa. Nakatingin lang ako sa upuan sa harapan ko habang naghihintay kay Chester, lagi naman nila akong pinaghihintay. Okay lang, tutal sanay naman ako e.
"Hoy."
"Ano? Bilis," sabi ko kay Chester na kadadating lang.
"Focus on me."
"Wag ako, gago. Alam mo namang hindi tayo talo diba? Si Yvan nalang ayain mo."
Napangiwi ako at napadiretso ng tingin kay Chester nang mag-lahad siya ng kamay, gumagalaw galaw pa ang mga daliri nito. Kinikilabutan talaga ko dito, inaaya ata ako nito na gawin yon kasama ako e.
"Dala mo ba yung phone ni Alex?" Seryosong tanong nito saakin habang nakataas ang kilay.
"Ba't mo kilala si Alex? Wala naman akong pinagsabihan kahit sino sa Jerkuleros ah? Wag mong sabihin saaking may sa demonyo ka, Chester?!"
"Anong magiging reaksyon mo kung yung taong akala mong kilala mo pala ay hindi mo naman pala talaga kilala? Yung ang dami niyang pagkataong hindi mo alam," bigla nitong sinabi. Ang weird naman nito.
"Ha? Syempre maguguluhan, sinasabi mo pa nga lang yan saakin nagugulahan na ako e. Labo mo, pre, mas malabo pa sa relasyon niyo."
"Ulol. Wala naman akong karelasyon. Di nga? Yan talaga magiging reaksyon mo?"
"Malamang. Maghahanap ka pa ba ng ibang reaksyon? Edi mag tanong ka sa iba. Yan lang ba yung sasabihin mong pag uusapan natin sa personal?" Tumayo na ako at handa na sanang maglakad palayo para bumili lang sa Blu Nektar, nakakauhaw kausap tong si Chester, ang daldal sa personal pero pag dating sa chat ang tahimik.
"Hindi pa. Actually, hindi pa nga ako nagsisimula sa dapat kong sabihin."
"Oh edi sabihin mo na. Wag kang mag sayang ng oras. Ikaw na nga mismo nagsabi ng time is gold, when watching bold. Alam kong nangangati ka nang manood kaya bilis-bilisan mo na." Sinabi ko muna sakanyang bibili lang ako ng inumin at dumiretso na sa stall ng Blu Nektar.
Ang tagal ko rin palang hindi nakatikim nito, magmula kasi nung makita ko yung si Alex dito inaabangan ko kung babalik pa siya dito pagkatapos siguro ng ilang linggo tumigil na ako kasi ba't ako maghihintay sa isang taong walang kasiguraduhang dadating?
"Hi miss! Yung madalas kay pogi." Sabi ko don sa babaeng nakatayo sa harap ng stall. Sigurado naman akong maaalala niya yung madalas kong binibili dito, imposible naman kasing makakalimutan niya yung kapogian ko diba?
Nagpasalamat muna ako sa babae bago kinuha yung order ko at nginitian ko, tip ko na yon sa pagalala niya sa order ko. Bumalik ako kung saan ko iniwan si Chester, pero pagbalik ko don wala na pala. Abnormal ba yon? Sabi don lang daw siya. Hindi talaga marunong tumupad sa usapan.
Napamura ako nang biglang may kumalabit saakin mula sa likod. "Saan ka pupunta?" Tanong saakin ni Chester.
"Syempre uupo. Kita mong paupo na ako diba?"
"Paupo pero sa escalator ka papunta?"
"Nakakita ka lang ng maligno."
"Akin na yung phone ni Alex."
"Akala ko ba maguusap tayo? Di mo naman sinabi saakin na interesado ka pala sa phone niya, pero diba may phone ka na rin naman?"
"May kilala ka bang Clarizza Sivan?" Familiar lang sakin yung pangalan, pero sino ba yon? Inilingan ko lang siya dahil hindi ko naman yon kilala.
"Ria? May kilala ka?" Isa pang tanong nito saakin.
"Hindi rin. Sino ba yang sinasabi mo? Teka, baka mga pangalan yan ng mga babae mo ah."
"Di no, gago."
Sandaling napatingin siya sakin at bumuntong hininga. Ganyan nga,Chester. Problemahin mo rin ang pagiging pogi ko.
"Naaalaa mo pa ba yung araw na may pinakilala ako sainyong babae?"
"Kanina ka pa tanong ng tanong ha. Pwede bang direct to the point?"
"Sagutin mo nalang!"
"Hindi na, last year pa yun diba? Ang naalala ko lang naman nasuntok mo ko nun e. Tss." Hinawakan ko yung parte kung saan niya ko sinuntok para ipaalala ko sakanya yung ginawa niya saakin.
"Kilala mo pa ba to?" Pinakita niya sakin ang picture ng isang babae na kasama rin ni Alex dun sa picture na nakita ko sa phone niya.
"Ah! Siya yung kasama ni Alex sa picture!" Binatukan naman ako nito bigla at narinig ko pa ang mga bulong-bulungan niyang tanga tanga talaga nito.
"Hoy sinong tanga?"
"Ikaw! Hindi mo ba talaga naaalala? Siya yung pinakilala ko sainyo na binastos mo lang kaya nasuntok kita. Oh kailangan pa ba kitang suntukin ulit para maalala mo?"
"Ah talagaaa? Naaalala ko na pala. Ano naman ngayon?"
"Siya si Alex."
"Ha? Kala ko ba siya si Clarizza?"
"Alex, Ria, Iza."
"Teka, ba't napasama dito si Iza?"
"Kasi nga siya si Clarizza Sivan na Alex na Ria!"
"Anong sabi mo? Ulitin mo nga?"
"Narinig mo ako."
Mabilis ko siyang kwinelyuhan. Matagal niya na palang alam 'to, pero ngayon lang sasabihin saakin? Sino pang nakakaalam bukod sakanya? Siya lang ba ang may alam?
"Sino pang nakakaalam nito? Alam ba 'to nila Lance?" Nag-iwas lang siya ng tingin saakin at alam ko na ang sagot. Wow, pinagmukha nila akong tanga. Alam nila pero hindi nila magawang sabihin sakin?
Ang tagal na naming magkakaibigan pero ito pa talaga yung itatago nila saakin? Alam nila kung gaano ako kasabik makilala si Iza, wow. Akala ko talaga kilala ko siya.
Napailing nalang ako habang inaalala yung pag uusap namin ni Chester, yung araw na nalaman ko kung sino nga ba talaga siya. Ilang buwan na rin pala ang nakalipas pero hanggang ngayon di pa rin kami nakakapagusap ng mga Jerkuleros. Ni hindi man lang sila nag kusang i-add ako? Mga gago talaga.
Nakatingin lang ako sa mga nagsskate habang nakaupo sa tapat ng skating rink. Inamin ko na nga sakanyang gusto ko siya, pero seen lang pala ang mabibigay niya saakin pabalik. Pwede naman kahit thank you, okay na yon sakin? Pagkatapos non, hindi niya na ako pinansin pero araw-araw naman online, nakakapag reply nga sa ibang nag tutweet sakanya pero saakin hindi magawa?
Tumayo na ako at pumunta sa stall ng Blu Nektar para bumili ng paborito kong inumin.
"Name po, Sir?" Tanong saakin nung lalaki. Iba na yung staff dito? Sabagay ang tagal ko rin namang hindi nag punta dito e.
"Levi." Naghihintay lang ako sa isang tabi habang nagscroll up and down sa Twitter, umaasang magsend man lang ng message saakin ang kahit sino. Ang tagal ng tahimik ng DM ko.
"Vanilla Caramel Cake for Lame." Napaangat ang ulo ko ng may maalala ako sa lame na yon. Bigla namang inabot saakin nung lalaki yung inumin, tumaas ang kilay ko sa pagtataka dahil kailan ko sinabi sakanyang lame ang pangalan ko?
"Uh excuse me, nag kakamali ka ata. Levi yung sinabi kong pangalan at baka sa ibang customer-"
Napatingin ako sa babaeng biglang sumulpot out of nowhere para magbayad ng order niya. "Ako na ang magbabayad dun sa lalaking lame na 'yon. Thank you!" Humarap ito saakin at seryosong nakatingin lang.
Tangina kung pwede lang pasukan ng langaw 'tong bibig ko, napasukan na siguro. Shit, siya na ba 'to?!
"Hello, Levi." Nanlaki ang mga mata ko habang nakanganga pa rin ako. She smiled at me and turned her back and walked away like nothing happened.
I just realized that it was Iza, Alex, Ria or Clarizza Sivan. Whatever her name is, tinamaan na nga talaga ako sakanya. I like her more than a lot.
BINABASA MO ANG
Followed
Conto❝sabi sakin ng mama ko, follow your dreams pero nag-iisa ka lang naman.❞ ‹ jun x sana › [twitter series #1: completed] cover by: @jasperoses