41.

200 17 6
                                    

Napatingin ako sakanya nang marinig ko ang boses niya.

"Wala ka pa bang planong bumalik, ha?" Kumunot ang noo ko. Kakasabi ko lang na hiatus ako, pababalikin agad-agad ako?

"Three weeks palang, Chester, tapos pababalikin mo na agad ako?"

"Just so you know, you are wanted."

Tumaas ang kilay ko dahil bat ako magiging wanted, hindi naman ako criminàl.

"Hindi ako pinaghahanap ng pulis at lalong hindi ako krimimal!" Naiinis kong sabi.

"Him. He's looking for you."

Hinahanap na ba ako ni Lord? Hindi ko pa nga nahahanap yung phone ko, hahanapin niya na agad ako? Hindi ba pwedeng mahanap ko muna yung phone ko, bago niya ko kunin dito?

"Don't worry, ipagdadasal ko kay Lord na wag muna ngayon. Alis na ako," Tinapik ko muna siya sa balikat bago ako humakbang palayo.

"Levi."

Nang marinig ko ang pangalan niya mabilis akong bumalik sakanya para sana sermonan siya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong kilalang-"

"Sigurado ka ba talagang wala siyang alam sayo? Sigurado ka bang nabasa niya yung message mo sakanya bago ka umalis?"

"Malamang. Sigurado akong nasend yon sakanya."

"E bat parang wala siyang alam kung bakit ka umalis?"

"Is this one of your ways para bumalik ako don? Sorry pero di yan tatalab sakin."

Ngumiti naman siya na parang baliw habang umiiling na. Nababaliw na nga talaga to, baka tumitira na to ng mga droga kaya nawawala ang pagiging emo at seryoso niya.

Tinaas niya ang dalawa niyang kamay, "Sinisigurado lang. Siguraduhin mo lang na nasend mo nga yon sakanya o hindi."

"Paano? Binura ko nga yung Twitter ko diba?" Sumimangot naman siya bigla. Better. Mas okay pang nakasimangot ka kesa sa nakangiti dahil mukha kang tanga.

Binato niya saakin yung phone niya ng basta-basta. Mabilis ko namang nasalo yon.

(buti pa phone nasasalo.)

"Paano nalang kung di ko to nasalo?! Pababayaran mo pa saakin, load nga hindi ko mabayaran, phone mo pa kaya?!"
Naiinis kong sinabi.

"Hindi ko naman yan ibabato kung alam kong di mo masasalo."

"Oh tapos anong gagawin ko dito?" Nagtataka kong tanong habang binubuksan na.

"Nood ka porn. Punta ka sa Gallery, madami don."

"Yuck!" Binato ko pabalik sakanya yung phone niya pero hindi niya nagawang saluhin. Ayan, porn pa ha.

"Tangina! Iniingatan ko para di magkaroon ng gasgas tapos binato mo lang ng ganon-ganon?!" Naiinis nitong sabi saakin, habang pinupulot yung phone niya.

"So kasalanan ko?"

"May sinabi ba ko?" Sagot nito pabalik saakin.

"Bwisit ka!" Sa sobrang inis ko, padabog akong bumalik sa classroom para ituloy ang pagkaing naudlot dahil sa pagtawag niya saakin. Akala ko naman may importanteng sasabihin, yun pala...

Napatingin ako sa bagong phone kong nakalapag lang sa lamesa, iinstall ko na ba ulit yon? Hay nako naman kasi si Chester, kung hindi lang bastos sa phone niya nalang sana ako nag sign in.

"Van!" Tawag ko sa frontmate ko na busy'ng mag review para sa susunod na quiz. Tinignan niya lang ako at binalik ang tingin sa ginagawa niya.

"Nakabukas Wifi mo?" Tinanguan lang ako nito. Ang tahimik talaga nito, parang pipe.

Last na talaga to bago ako mag hiatus ng seryoso. Alam ko talaga nasend ko yun sakanya e. Pinikit ko ng mariin ang mata ko bago iniscroll up pataas para hindi ko makita yung mga pinagsesend niya.

***
asawa ko nga pala yung nasa mm.

jeon wonwoo as zayden/chester (unwanted)

FollowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon