Chapter 1

18 0 0
                                    

Tumakbo ako ng tumakbo sa hallway, not caring if may nababangga na ko at natutulak. I don't really care. Ang nasa isip ko lang, LAAAATEEE NA KOOOOOO!!!

I opened the door of my classroom at lahat sila tumingin sakin. Pati ang teacher ko na nasa middle ng discussion ay napahinto at tumingin sakin. At first she was glaring at me for making such a dramatic entrance pero nung tinignan niya ko from head to foot, tumawa sya, kasabay ng pagtawa ng lahat ng mga classmates ko.

Ugh! I know I'm such a mess. Tumakbo ako mula gate hanggang sa classroom, to think na nasa 4th floor ang room namin.

"Pang-ilang place ka ba sa marathon Jia?" sabi ng classmate kong lalaki na tinignan ko ng masama. Tinaas niya lang ang dalawang kamay niya, yung tipong nahuli ka ng mga pulis.

"Just shut up" sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa teacher namin at nagbow sabay ngiti ng matamis. Makuha ka sa ngiti ma'am xD

"Stop smiling like an idiot and go to your seat Ms. Giblin" napakamot na lang ako sa batok. Sabi ko nga -____-

Pagkaupo ko inabutan ako ng suklay ng bestfriend kong si Erin. Halatang nagpipigil siya ng tawa. Tinignan ko siya ng masama at inabutan niya ulit ako ng salamin. Tinignan ko ang itsura ko. Para akong takas sa mental =_____=

"Class, next meeting I want you to..." may sinasabing instructions yung teacher namin pero di ko maintindihan kung ano yun. Masakit yung dibdib ko. Nakahawak ako sa dulo ng armchair ko habang yung left hand ko nasa dibdib ko.

"Jia, okay ka lang? Anong nangyayari sayo?" rinig kong tawag sakin ni Erin. Di ako makasagot sa kanya. Di ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Everything went black.

***

Nagising ako na nakahiga na sa school clinic. Agad namang lumapit sakin si Erin.

"Ano okay ka na? Sumakit na naman ba dibdib mo?" tumango ako. Alam niya yung nangyayari sakin kasi ilang beses na rin tong nangyari. Bigla na lang sumasakit yung dibdib ko. Tinry ko ng magpa check-up kaso wala naman daw complications sa heart ko. Wala naman daw akong sakit. Yet palagi nalang sumasakit tong dibdib ko.

"Ano bang nangyayari sakin? Palagi na lang ganito eh wala naman daw akong sakit" tanong ko na naiinis. Nakakasawa na yung ganito na hindi ko man lang alam kung ano nangyayari sakin.

"Ba't di mo na sabihin yan sa papa mo?"

"Wag na. Dagdag problema pa. Tapos ano, ipapa check-up na naman ako tas wala na namang makikitang diperensya sakin. Kung anu-ano lang itutusok nila sakin" tumayo na ko. Medyo nahihilo pa ko pero kaya ko na namang maglakad ng di natutumba.

"Tigas talaga ng bungo mo kahit kelan"

Bumalik na kami sa classroom. Lahat ng classmates ko napatingin sabay lapit sakin.

"Okay ka na Jia?"

"May masakit pa ba sayo"

"Ano nangyari sayo kanina?"

Tinaas ko ang dalawang kamay ko at tumahimik naman sila. "Ang OOA nyo ha. Di pa ko mamamatay huy" sabi ko sa kanila. Tinignan naman nila ako ng masama at limang pares ng kamay ang bumatok sakin.

"ARAY HA!! MASAKIT YUN!!" sigaw ko sa kanila. Tinignan naman nila ako ng masama at bumalik na sa upuan nila. Yung totoo? May mga sayad ata sa mga utak tong mga to.

Umupo na ko sa upuan ko at tumingin sa labas. Malapit lang naman ako sa bintana kaya nung biglang dumilim sa labas ay agad ko tong napansin.

"Erin!" tawag ko sa bestfriend ko pero di ko inaalis ang tingin ko sa labas ng bintana. May solar eclipse ba? Pero wala namang sinasabi sa balita na magkakaron ng solar eclipse ngayon ah.

"Wha-... What the hell is that?!" lumapit siya sa bintana at tumingin sa labas. Lumapit na din yung mga classmates ko na nakapansin na rin kung ano ang nangyayari. Ewan ko kung bakit pero bigla akong tumakbo palabas.

"Jia!" tawag sakin ni Erin pero di ko na siya pinansin. Feeling ko may tumatawag sakin. Part of me is natatakot kung ano ang nangyayari pero a part of me is curious. And curiosity kills the cat.

Nakarating na ko ng field. Tumingala ako sa taas para tignan kung ano ang nangyayari sa langit at bakit biglang dumilim. Mga dark clouds lang ang nakikita ko na parang usok. May sunog kaya? Pero hindi kasi dapat hindi ganito kalawak ang sakop ng usok sa sunog. Forest fire? Pero wala namang forest dito. Volcano eruption? Kaso wala namang volcano dito. Ano bang nangyayari?!

"Ang creepy" lumingon ako kay Erin na nasa tabi ko na pala. Napansin ko rin na halos lahat ng estudyante ay nasa labas na rin at tinitignan ang langit. Pagtingin ko ulit sa taas ay may mga nagliliwanag na parang lumilipad sa taas.

"Ano yan?" tanong ng classmate kong lalaki.

"Meteor shower" sagot ko. From my peripheral vision, tinignan ako ni Erin at nung lalaki. Magtatanong siguro kung bakit ko alam. Honestly, di ko rin alam kung pano ko nalaman.

"Guys, I think it's coming this way" sabi ng babae na di ko kilala. Pinagmasdan ko pa itong mabuti at tama nga siya, papalapit na ang meteors sa amin.

"TAKBOOOOO!!" di ko alam kung sino ang sumigaw nun pero bigla na lang nag-ingay ang paligid. Nagsisipagtakbuhan lahat ng mga estudyante. Nanatili ako sa pwesto ko. Di ako makagalaw. Parang tinatawag ako ng mga meteors.

"Jia ano ba?! Kealangan na nating tumakbo. Matatamaan tayo ng mga meteors!" sigaw ni Erin kaya natauhan ako. Sabay kaming tumakbo papasok ng school. Pero bago pa kami makapasok ay may tumama sa likod ko. It hurts so much na di ako makagalaw. Sumisigaw si Erin sa harap ko pero di ko siya marinig. Wala akong marinig. Nagiging blurred na rin ang paningin ko.

Napansin kong may tumama rin kay Erin kaya napatumba rin siya. Tumingin ako sa paligid at lahat ng mga estudyante ay nakahandusay na at wala ng malay. Pero ako di pa rin nawawalan ng malay. How I wish mawalan na ko ng malay kasi sobrang sakit na ng nararamdaman ko.

When I felt like I'm on the brink of losing consciousness, tinignan kong muli ang langit. Madilim pa rin at marami pa ring nalalaglag na mga meteors. May isang meteor ang nag-iba ng course at papunta sakin. Naisip ko na katapusan ko na to. Pag matamaan ako ng meteor na to, goodbye Jia na. Ang saklap naman ng final moments ko sa mundo. Late na nga ako sa klase, na clinic pa.

Papalapit ng papalapit yung meteor sakin. 5 meters na lang. Pinikit ko na yung mata ko, hinahanda ang sarili ko sa impact. Pero 1 minute, 2 minutes, 5 minutes wala pa rin akong maramdaman. Siguro patay na ko? Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang meteor sa harap ko. Nakalutang lang ito sa harap ko, na parang pinagmamasdan ako. And then I lost consciousness.

Magia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon