Chapter 2

8 0 0
                                    

I woke up with my head throbbing. Tinignan ko yung paligid, nasa school gym kami. Lahat ng mga students at teachers andito rin.

"Buti gising ka na" bumangon ako kahit medyo masakit pa ang ulo ko.

"Anong nangyari?" nakahawak ako sa ulo ko habang pinagmamasdan ang mga students na busy sa pakikipagkwentuhan at mga teachers na mukhang nag memeeting.

"The meteors?" sabi ni Erin at bigla kong naalala lahat kasama na rin yung nangyari bago ako mawalan ng malay.

"Patay na ba tayo?" tanong ko sa kanya at babataukan sana niya ko kaso nakaiwas ako.

"Gaga. Kung patay na tayo edi hindi tayo magkikita kasi sa impyerno diretso mo ako sa langit" sabi niya. Ako naman ang bumatok sa kanya.

"In your dreams loka. Ano bang nangyari? Pano tayo napunta dito?"

"Di ko rin alam. Siguro yan din ang pinag-uusapan ng mga teachers natin. The last thing I know natamaan ako ng meteor. And I guess lahat ng students natamaan ng meteors kaso walang masamang nangyari sakin. Hindi sa nagrereklamo ako ha. Tapos sabay-sabay kaming nagising at paggising namin andito na tayo sa loob ng gym" tinignan kong mabuti si Erin. Wala namang nagbago sa kanya. Ganun pa rin naman ang buhok niya, kita ko lahat ng buhok niya hanggang sa scalp niya. Yung kilay niya ganun pa rin. Kaya ko na nga sigurong bilangin ang buhok niya sa kilay.

Teka, WHAT?! Tinignan ko ulit siya tapos ganun pa rin ang nakikita ko. Tumingin ako sa paligid. Kita ko rin ang scalp ng teacher ko na nasa kabilang side ng gym, siguro 50 meters away from me. Kita ko ang mga dust particles sa sahig. Kita ko ang konting mga cobwebs sa pinakasulok na bahagi ng bubong ng gym.

"Hey, ayos ka lang?" tinapik ako ni Erin sa braso. I shake my head. Mas lalo akong mababaliw nito.

"Wala ka bang napapansing kakaiba sa katawan mo?" tanong ko sa kanya. I know this might sound crazy to her pero mababaliw na ko pag di ko malaman kung anong nangyayari sakin.

"Ikaw din?!" gulat na tanong ni Erin. So I guess meron nga. Tumango ako sa kanya, sign na magkwento sya. Nakuha niya naman ang message. "Paggising ko kanina di ko alam kung anong nangyayari sakin. Naririnig ko ang pinag-uusapan ng mga students sa kabilang side ng court kahit bulong lang ang ginagawa nila. Naririnig ko ang heartbeat ng teacher natin kahit 50 meters ang layo nila sa atin"

"Ako naman kita ko ang cobwebs sa pinakadulo sa bubong ng gym. Kita ko rin ang scalp ng teacher natin mula dito. So I guess may enhanced vision ako at ikaw naman enhanced hearing"

Tumingin kami sa isa't-isa at sumigaw ng "COOL!" sabay appir. Pero nung nag-appir kami, saka ko lang napansin ang parang tattoo na lumitaw sa kamay ko, sa likod ng palad sa right hand ko. Pinagmasdan ko itong mabuti. May apat na kulay ito: Red, Green, Blue and Gray. Kinuha ni Erin ang kamay ko at pinagmasdan din ito. Pinakita niya sakin ang tattoo din niya. Gray sa kanya.

"Ano to?" tanong ko habang pinagmamasdan pa rin ang tattoo.

"Aba malay ko. Bigla na lang din lumitaw sa kamay ko. Nga pala, baka gusto mong tumingin sa salamin" tinignan ko siya ng what-the-hell-are-you-talking-about look at inabot niya sakin ang salamin niya.

Napa-gasp ako. Yung dating black eyes ko naging gray. At yung dating plain black hair nalagyan ng highlights na color violet.

"What the hell is happening to me?" tanong ko kay Erin na di rin makasagot. Kinuha ko yung kamay ng katabi ko which is si Karlo, yung classmate kong lalaki na tinanong ako kung nanalo ba ko ng marathon, at tinignan ang kamay niya. May tattoo din siya kaso color green. Kinuha ko yung kamay ng classmate ko sa tabi ni Karlo at yung kanya ay violet tapos may guhit na lightning. Ano bang nangyayari dito?

"Oh buti gising ka na Jia" sabi ni Karlo.

"Kanina pa ko gising Karl"

"What I mean is, nung nagising kami sabay-sabay kaming nagising lahat. Maliban sayo. Gising na kaming lahat ikaw tulog pa din. Kala nga namin may nangyari na sayo eh" tinignan ko si Erin at tumango lang siya, sign na totoo yun. Ugh, ang sakit sa ulo kakaisip sa mga nangyayari.

"Attention students" nahinto ang pag-iisip ko ng magsalita ang directress namin. "We decided that since nothing bad happened to all of you, you better go home. Tatawagin na namin ang mga parents niyo para sunduin kayo. I'm sure nag-aalala na sila sa inyo. Just wait here until your parents or guardians will arrive and then you may go" pgkatapos umalis na siya kasama ang mga teachers, siguro para kontakin ang mga parents namin. Come to think of it, bakit di pa tumatawag si papa? Tinignan ko ang phone ko pero wala ni isang message ni papa.

"Erin nagtext ba mama mo sayo?" kinuha niya ang phone niya at tinignan.

"Crap! Ang daming texts at missed calls si mama. Panigurado nag-aalala na to. Tawagan ko muna siya ha, jan ka na muna" tapos umalis na siya. Kumunot ang noo ko. Di man lang ba nag-aalala si papa sakin?

Mayamaya pa isa-isa ng nagsidatingan ang mga parents at guardians para sunduin ang mga anak nila. Nauna na si Erin sakin. Kami na lang naiwan ni Karlo sa section namin. Mayamaya nakita ko si papa pumasok ng gym kaya tumayo na ko para puntahan siya.

"Gusto mo sumabay sa amin?" alok ko sa kanya. Ayoko kasing iwan siya baka mamaya pa dumating ang parents niya.

"Pwede? Di kasi sumasagot si mama eh"

"Sure. Lika na"

Ng makalapit na ko kay papa, kakaiba yung tingin niya sakin. Na para bang pinag-aaralan niya yung mukha ko. Na parang naghahanap siya ng iba sa akin. Naalala ko nag-iba pala kulay ng mata at buhok ko. Nag fake cough ako at nakuha ko ulit ang attensyon niya.

"Pa, si Karlo. Classmate ko. Makikisabay muna siya sa atin kasi wala pa parents niya" tumango lang si papa. Tinignan ako ni Karlo na parang nagtataka pero nag shrug lang ako.

Pagdating namin ng bahay, dumiretso ako ng kwarto at naligo. Siguro matatanggal rin tong highlights sa buhok ko once na makaligo na ko. Dumikit lang siguro to sa buhok ko.

Pero nung natapos na ako sa pagligo, andun pa din yung kulay. I sighed at pumunta sa salamin para tignan yung mata ko. Ganun pa din. Color gray. Tinignan ko yung likod ko kasi naalala ko tinamaan ako ng meteor pero pagtingin ko wala akong sugat. Walang bakas na natamaan ako ng isang meteor. Hinawakan ko yung tattoo sa kamay ko at bigla itong uminit at nagliwanag. Sa gulat ko natumba ako at napaupo sa sahig. Pero di ko naramdaman yung impact ng pagkatumba ko. Parang dahan-dahan akong napunta sa sahig, na parang may force ang nagpabagal sa tumba ko.

I shake my head. Siguro nananaginip lang ako. Siguro gutom lang to. Nagbihis na ko at pumunta sa kusina at kumuha ng cookies.

"Pa, asan si kuya?" tanong ko kay papa na nasa sala at nanonood ng tv.

"Hanap mo ko imouto? Miss mo na ko?" nakita ko ang kapatid ko naka smirk sakin.

"Whatever" I rolled my eyes at him. Isang taon lang ang tanda niya sakin. Biglang nag-iba ang tingin niya sakin at lumapit siya. Umatras ako ng umatras kaso sofa na ang nasa likod ko kaya di na ko makakawala.

"Kelan mo pinakulayan ang buhok mo?" tanong sakin ni kuya habang hawak ang buhok ko at parang inaanalyze ito. "Saka kelan ka pa natutong gumamit ng contacts?"

Paano ko ba to ieexplain? Na may meteor na tumama sakin at ganito na ang nangyari sakin pagkagising ko? Maniniwala kaya sila?

"Uhm ... ano kasi ..." naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang balita sa tv.

"Biglang dumilim ang kalangitan kaninang pasadong alas nwebe ng umaga at nagkaroon ng meteor shower sa buong bansa sa hindi malamang dahilan. Walang makapagsabi kung bakit biglaan ang mga pangyayari at hindi man lang ito nakita ng mga eksperto na may mangyayaring ganito. Halos lahat ng mga kabataan sa buong bansa ay natamaan ng mga meteor kaso ang nakakapagtaka ay wala man lang ni isa sa kanila ang seryosong napuruhan. Ayon sa impormasyon na nakalap namin, ang mga tinamaan lang ng mga meteors ay mga kabataang nasa edad 18 hanggang 20. Sa ngayon ay wala pang nirereport na nasaktan o mga nasira na mga buildings dahil mukhang ang mga kabataan lang ang pakay ng mga meteors"

Napaupo ako sa sofa. Ano ba talaga ang nangyayari?

Magia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon