Nag declare ang directress namin na walang pasok kinabukasan. Kaya naman heto ako ngayon sa kwarto, nag-iisip kung ano ba talaga ang nangyayari.
*Beep*
1 text message
From Erin:
(Sumasakit pa rin ba ulo mo?)
Kahapon pa kasi sumasakit ang ulo ko. Di ko alam kung bakit. Kung anu-anong gamot na iniinom ko pero hindi tumatalab.
"Oo eh. Ano na bang nangyayari sa mundo? Gulong-gulo na ko"
Kahapon pa rin walang imik si papa at si kuya sakin. Di ko alam kung paranoid lang ba ako pero parang feeling ko may alam sila sa mga nangyayari.
(Manood ka ng tv dali!!)
Pagkareceive ko ng text ni Erin dali-dali akong bumaba at nanood ng tv. Andun na din sina kuya at papa nanonood din. May matandang babae sa tv kaso nakasuot siya ng maskara. Alam ko na matandang babae yun dahil sa boses niya.
"Magandang araw sa inyong lahat. Nananawagan ako sa lahat ng kabataan na natamaan ng meteor na makinig sa akin" naupo ako sa tabi ni kuya. Napatingin ako sa kamay niya at nakita ko na may tattoo yung kamay niya na kulay pula. Nakita niyang nakatingin ako sa kamay niya kaya bigla niyang tinago yun. Di ko na lang muna siya pinansin dahil sa matandang nagsasalita sa tv. "Alam kong lahat kayo ay naguguluhan ngayon. Pero andito ako kasi may sasabihin akong importante. Lahat ng mga kabataan na natamaan ng meteor ay nagkakaroon ng tattoo sa right hand sa likod ng palad nyo. Isa lang ang ibig sabihin nito. Espesyal kayo. May kapangyarihan kayo. Alam kong mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ko, pero ito lang ang tanging paliwanag sa lahat ng mga nangyayari sa katawan niyo." Tinignan ko ang tattoo sa kamay ko. May powers ba talaga ako? Kung iisipin, may enhanced vision na ko. Si Erin may enhanced hearing. Yun na ba ang powers ko?
"Makinig kayong mabuti sa sasabihin ko" ibinalik ko ulit ang attensyon ko sa tv. "Kapag hindi nyo makontrol ang kapangyarihan na meron kayo, maaaring sumabog ang katawan niyo. Lalamunin yan ng kapangyarihan na taglay niyo. Para maiwasan ang mga ganitong pangyayari, ako at ang mga kasama ko ay nagtatag ng isang academy para matutunan niyong gamitin ang kapangyarihan nyo. Ang admission sa academy na to ay bukas 9 ng umaga. Naka depende na lang ito ngayon kung maniniwala kayo sa mga sinasabi ko. Kapag nakapag desisyon na kayong pumasok sa academy, itapat nyo lang ang middle finger at index finger nyo sa tattoo nyo na nasa right hand, at sabihin ang MAGIA ACADEMY"
Pagkatapos nun ay nawala na siya. Tumingin ako kina papa at kuya pero kanina pa pala sila nakatingin sakin.
"Bakit?" tanong ko. Wala kasing nagsasalita sa kanila. Nakatingin lang talag sila sakin.
"Pupunta ka ba?" si kuya ang nagsalita. Ngayon alam ko na na natamaan din siya ng meteor kahapon. Dahan-dahan akong tumango.
"I know this might sound crazy, but I have enhanced vision. Nakikita ko ang mga bagay na imposibleng makita ng ibang tao. Diba nagtatanong ka about my hair and my eyes kanina kuya? Pagkatapos kong matamaan ng meteor kahapon, I just woke up na ganito na ang buhok at mata ko. I don't know why. And that's why I want to go that academy. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sakin" I expected na hindi sila maniniwala sakin at magagalit sila sa lahat ng mga nonsense na sinabi ko pero ngumiti lang si kuya at ginulo ang buhok ko, pati na rin si papa ngumiti lang din.
"Wag kang mag-alala. Sasamahan naman kita" sabi ni kuya at nagrelax na ko. At least hindi sila tumutol.
***
"Jia, 8:30 na. Kumain ka na" tawag ni papa sakin mula sa kusina. Aish, ang aga ko kasi nakatulog kagabi tapos ang tagal ko namang nagising kaya hindi na ko nakapag impake.
*Knock knock*
Hindi ko na tinignan kung sino ang pumasok. Either si kuya lang naman yan or si papa.
"Hoy, kumain ka na hime" (hime= princess)
"Why don't you help me pack oniichan" palibhasa tapos na siguro tong mag-impake.
"Di mo na kelangan mag impake, andun na mga gamit natin" tinignan ko siya ng what-are-you-talking-about look. "I mean once na na-admit ka na sa academy, automatic ng matatransfer ang mga gamit mo dun"
"Ahhh, bat ngayon mo lang sinabi, nahirapan pa ko"
Bumaba na ko at kumain. Pagkatapos kong kumain, pumunta na ko sa sala kung saan naghihintay na sakin sina papa at kuya.
"Mag-ingat ka dun Jia. Wag kang mambully ha" bilin sakin ni papa.
"Pa, more like ako ang mabubully. Saka ang bait kaya ng anak mo" sabi ko with matching beautiful eyes.
"Tumigil ka nga, nasusuka ako sayo" epal ni kuya. Tinignan ko siya ng masama at nagpa cute lang siya.
"Teka, pano nga ulit yun gawin?" sabi ko. Di kasi ako sure kung paano eh.
"Mauuna na lang ako sayo. Gayahin mo ang gagawin ko" tumango lang ako, signaling him to continue.
Yung index at middle finger niya sa left hand tinapat niya sa tattoo nya sa right sabay sabi ng MAGIA ACADEMY
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Nawala si kuya, as in nawala talaga siya sa kinatatayuan niya. Ang galing!
"Your turn Jia" sabi ni papa sakin na parang binibigyan ako ng moral support. Napalunok na lang ako. Sana hindi siya masakit.
Tinapat ko na ang middle finger at index finger ko sa tattoo ko. Pumikit na ko kasi baka malakas yung impact. "MAGIA ACADEMY"
BINABASA MO ANG
Magia Academy
FantasyI was a normal student. Everything was normal, until meteors rained down the sky and every bit of it entered the body of all the teenagers. Then everything changed. I am Jia Giblin, and this is my story