Chapter 4

6 0 0
                                    

Naramdaman kong para akong nahuhulog. As in para akong nahuhulog sa isang building. 5 seconds after naramdaman kong nakatapak na ko sa concrete. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at nakita ko si kuya sa harap ko na nakangisi.

“How’s the ride, imouto?” tanong niya sakin. Inalalayan niya kong makatayo kasi nahihilo pa ko.

“Shut up, niichan” tumawa lang siya at pinagtitinginan kami ng mga tao. Ngayon ko lang napansin na marami na palang tao dito. Nandito kami sa open field kung saan dito dinadala yung mga teenagers na interesado pumasok sa academy.

“Jia!” hinanap ko ang familliar na boses na tumawag sakin at nakita ko si Erin na papunta sa direksyon ko.

“Erin, buti na lang andito ka rin. Nakalimutan kong kontakin ka. Sorry”

“Tumawag ako sa bahay niyo bago ako pumunta dito kaso andito ka na daw sabi ng papa mo. Kaya sumunod na ko” lumingon-lingon muna siya bago nagsalita ulit “Ang ganda dito. So magical. Alam mo bang may lumulutang na table dun sa unahan”

“Talaga?! Tara puntahan natin” hndi pa man ako nakaalis hinila na ko ni kuya.

“Maraming tao dito, baka mawala ka” I rolled my eyes at him. Para naman akong bata nito.

“Kung gusto mo sumama ka na lang. Para kung mawala man ako, at least magkasama tayo. Tara na, gusto kong makita yung floating table” hinila ko na siya habang hila-hila din ako ni Erin. Pagdating namin sa unahan, nakita ko yung tinutukoy niya. Whoa! Lumulutang nga siya.

“Told ya!”

Naghintay pa kami ng 15 minutes bago dumating yung principal or directress ata ng academy. Tumayo siya sa ibabaw ng lumulutang na lamesa. Siguro para makita siya ng lahat. Ang dami kasing tao dito. Teenagers ata ng buong Pilipinas andito, from 18-20 years old.

“Greetings students!” sabi nung matandang babae na sa palagay ko siya yung lumabas sa tv. “I would like to thank all of you for trusting me, for coming here. I am Catalina, the headmistress of this academy. I welcome you all to Magia Academy”

Pagkasabi niya nun, yung dating open field ay nawala at lumitaw ang iba’t-ibang klase ng mga buildings. Isa lang palang illusion ang open field. Ang lawak-lawak ng academy. Ang daming nagtataasang buildings. Kung kanina naghehesitate ako kung paano magkakasya ang lahat ng mga nandito sa iisang school, ngayon masasabi kong sobra-sobra ang space ng academy na to.

Biglang nahati sa dalawa yung lumulutang na table kanina. “I want all of you to form a line. Sa left side ay mga lalaki, at sa right side ay mga babae”

This means maghihiwalay kami ni kuya. Tinignan ko siya. “I guess I’ll see you around niichan”

“Ingat ka, wag ipapahamak ang sarili” ginulo niya ang buhok ko. “See you when I see you”

Hinila na ko ni Erin para pumila. Grabe, wala kami sa hulihan ng pila pero wala rin kami sa unahan. Isang linggo pa ata tong pilang to.

Pero nagulat ako kasi ang bilis umiksi ng pila. Di ko namalayang si Erin na pala ang susunod. Nasa unahan ko kasi siya.

“Write your name” utos sa kanya nung ... goblin? Akala ko sa Harry Potter ko lang makikita yung mga goblins O__O

“Your sign?” tanong ng goblin. Pinakita ni Erin yung tattoo niya at biniyan siya ng isang bag. “Your class schedule and dorm room will be shown in that paper. Next!”

Taray, english speaking si goblin. Umalis muna si Erin sa pila at hinintay ako sa gilid. Kinuha ko yung papel at sinulat yung pangalan ko. Jia Giblin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon