Chapter 3: Let Out The Anger (part 2)

17 0 0
                                    

Nichkhun POV

Palihim akong pumunta sa basement para sumakay sa kotse ko at puntahan si Taeyeon.

Bakit kailangan ko siyang puntahan? Why I am concern to her?

Yan yung mga tanong sa isip ko habang nagda drive ako, pero ang masasagot ko diyan ay 'I have to help her. I want her to be happy.'

Yun lang yun. Wala nang iba pa.

Nasa tapat na ako ng SMEnt. At dinial yung number niya.

[Hello?]

Taeyeon? I'm here infront of your agency.

[Oh? Okay. Wait A Minute]

*toot toot*

Binaba ko na yung tawag at napahawak sa manibela. Hinihintay siyang lumabas.



Taeyeon POV

Nagpaalam ako kay Sunny na sabihin na uuwi ako sa HOME ko. Yeah, as in HOME! H-O-M-E di ba pagsinabing home sa family mismo yun?

Napapayag ko naman siya kahit na ang totoo tumatakas ako sa Victory Party for SMEnt para lang makipag meet secretly kay Nichkhun.

Nasalubong ko pa nga si Boss. Si Mr. Lee Soo Man sa elevator pero di niya ako nakilala dahil sa suot kong black leather jacket, beanie and big dark shades. At ang isa pa, may kausap siya sa phone - lagi naman eh.

Saktong paglabas ko ng building ng SMent. Wala na masyadong tao.

Lumingon lingon ako at may nakita akong kamay na nagwe wave sa may sa labas ng kotse.

Dahan dahan akong pumunta doon at binuksan ko yung pinto ng kotse sakto nandun si Nichkhun. May balabal sa hanggang sa bibig niya tapos nakasuot siya ng winter coat. Suot din niya yung sumbrero nun.

Full disguise talaga kami para di mahuli ng paparazzi.

Pumasok na ako sa loob at sinara ang pinto. Inalis ko na yung suot kong shades. Gabi na nga at madilim lalo ko pang didiliman yung paningin ko di ba? Parang ewan lang.

Nichkhun! Dudukutin ko na sana yung panyo sa bulsa ng jacket ko nang paganahin niya yung makina at nagdrive na paalis.

Saan tayo pupunta? Tanong ko dito habang siya naman busy sa pagda drive at diretso lang ang tingin sa kalsada.

Sinuot ko yung seatbelt habang siya naman binaba niya yung balabal na nakatakip sa bibig niya bago niya ako sagutin.

"Kini kidnap ka." Biglang ako kinabahan sa sagot niya.

ANO?! Napasigaw ako at kukunin ko na sana yung phone ko ng magsalita siya uli

"Biro lang. Ikaw naman, natakot ka kaagad. Sa tingin mo sa mukhang ito mangingidnap?" Lumilingon lingon pa siya sa akin na may nakakalokong ngiti pero ang cute niyang tingnan.

Napatikom ako ng bibig at tahimik na lumingon sa glass window sa side ko.

Tahimik lang kami buong biyahe at dinala niya pala ako sa Han River Park.

In off na niya yung makina at tinanggal yung seatbelt niya. Ganun din ako.

"Bakit gusto mo pala akong makausap?" Bigla siyang lumingon sa akin.

Dinukot ko na yung panyo at inabot sa kaniya.

"Gusto ko lang ibalik sayo ito. Thank you and sorry kung bigla ko na lang tinakbo sayo ito." Kinuha naman niya yung panyo at inamoy yun.

Exchange Partner (Christmas Special Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon