Author: SARAH
Sayaw ang naging daan para magkatagpo tayong dalawa.
Ito din ang dahilan kaya tayo'y magkasama.
Naging matatag ang ating pagsasama ng dahil sa pagmamahalan at tiwala.
Ngunit masisira ang pundasyong meron tayo dahil sa sinabi ng iba.
At napatunayan kong totoo pala.Kaharap muna ako pero tumitingin kapa sa iba.
Tayo ng dalawa pero naghahanap kapa ng iba.
Ang tiwala at pagmamahalan natin nawala nalang ng parang bula.
Dahil hawak na kita ngunit bumitaw kapa.
Mahal kita pero di kapa nakuntento at naghanap ng iba.Tinanong kita kung sinong mas mahal mo ang pinili mo ay ako.
Ngunit ng tanungin kita kung sinong pipiliin mo Siya ang sagot mo.
Ang sakit malaman na pinagpalit mo ako.Minahal kita ng higit pa sa buhay ko.
Sinuway ko ang magulang ko ng dahil sayo.
Sayo ko lang pinaikot buong mundo ko.
Ibinigay ko lahat ngunit hindi pa pala sapat lahat ng iyon.
Pero kahit anong gawin ko tinapos mo parin ang pagmamahalan natin ngayon.Kung noon sayaw ang naging dahilan ng ating pagtatagpo.
Ngayon wala na.
Dahil tinapos muna ang istorya nating dalawa.
YOU ARE READING
WUSTER'S POEM COMPILATION
PuisiMga nilikha/isinulat ng mga magagaling ngunit hindi kilalang author. Madami mang error pero siguradong maganda ang nilalaman ng bawat poems na ito. WUSTERS ang tawag sa amin. WUS watty undiscovered stories yan yung pamilyang meron kami. Hope you l...