Author: kissrain18
Date: August 26,2016
Sabi mo, gusto mo ako Sabi mo, mahal mo ako Pero bakit ako'y iyong ginaganito? Damdamin ko'y pinaglalaruan mo. Sabi mo, ako lang talaga Sabi mo, hindi ka na lilingon pa sa iba Ngunit nalaman ko na lang sa kanila Ako ay reserba mo lang pala Sabi mo, hindi iyon totoo Ako naman si hangal, agad na nauto Pero, isang araw ako'y nanlumo Nakita ko kayong dalawa, nagtatawanan sa ilalim ng puno Sabi mo, kaibigan mo lang siya Sabi ko, "Totoo ba talaga?" Sabi mo, huwag na kong magduda Sabi mo, "Ano ba? Mahal kaya kita" Ako'y naniwala ulit,pagkat sayo'y ako ay may tiwala. Isang araw ako ay pumunta Sa lugar na madalas tayong nagkikita Nandun ka rin pala, kaya ako'y natuwa Pero itong ngiti ko'y agad na nabura Hindi dahil sa 'di mo namalayan ang aking presensya, Kundi dahil sa "kaibigan" na sa labi ay hinalikan ka pa talaga Sabi mo, kaibigan mo, Ano yung nasaksihan ko? Siya ba ang ka ibigan mo? Pero bakit kami ay pinagsabay mo? Sabi ko, "Hindi na ulit ako magpapauto sa iyo" Sabi ko, "Hindi na ulit ako magmamahal pa ng tulad mo" Sabi ko, "Hindi na ako magtitiwala sa tulad mo" Na walang ibang ginawa kundi durugin ang aking puso

YOU ARE READING
WUSTER'S POEM COMPILATION
PuisiMga nilikha/isinulat ng mga magagaling ngunit hindi kilalang author. Madami mang error pero siguradong maganda ang nilalaman ng bawat poems na ito. WUSTERS ang tawag sa amin. WUS watty undiscovered stories yan yung pamilyang meron kami. Hope you l...