Chapter Six

1.9K 21 8
                                    

Miranda’s POV

Limang oras na ang nakaraan mula noong naganap ang isang ‘di inaasahang eksana kanina. Pero, shit, ‘di pa rin ‘yun maalis-alis sa isip ko. Oh my Goood! What is happening to me?

Perhaps do I like you?

Perhaps do I like you?

Perhaps do I like you?

Perhaps do I like you?

Perhaps do I like you?

Ewan ko. ‘Di ko alam kung bakit paulit-ulit ‘tong nagpe-play sa aking utak. Kailangan na ‘tong mawala kaya napagpasyahan ko na lang na manood ng movie sa bahay ng mag-isa.

Matapos ang halos dalawang oras na movie ay hindi pa rin ‘yun nawawala. I’m going crazy! Instead kasi na panoorin ko ‘yung movie, para kong pinapanood ang mga malapelikulang nangyari sa aking buhay. Chos!

The scene that happened a while ago between Linus and Xander. The kissing scene that Linus and I shared. The scene wherein Xander walked away. The scene wherein I also walked away when Linus asked me that mind-boggling question. Lahat ng iyon ay parang nag-rewind. Kung meron lang din sanang stop button para mawala na ang lahat ng ‘yun. I wish!

‘Yung feeling na nakalimutan ko na sana ang lahat ng ‘yun nang nagluto ako ng dinner pero bumalik lang din dahil wala na naman akong ginagawa. ‘Yun ‘yun eh!

Kaya I settled in sleeping early. My gosh, it’s still seven-thirty in the evening! At ‘eto ako, matutulog na nang dahil lang sa walang kwentang nangyari kanina. Leche! Makahiga na nga lang sa kama.

Nakailang ikot na rin ako sa kama pero wala pa ring nangyayari. ‘Di pa rin ako dinadalaw ng antok. Ugh! Kung kelan gusto kong dalawin ako ng antok ay siya ring ayaw dumalaw. Putang inang ‘yan! Sinabunot ko na ang aking buhok dahil sa sobrang frustration.

Biglang nag-ring ang phone.

“Huh? Wala naming may alam ng number na ‘to ah?” nakakunot-noo kong tanong sa aking sarili. Imposible naming tumawag si Xander kasi ‘di na ‘to ang phone ko.

Hindi ko pinansin ‘yun. Baka mamaya, prank caller lang pala.

Maya-maya  pa ay nag-ring na naman ito.

“I’ll answer the seventh call,” I told myself. Kung mangungulit pa rin ang isang ‘to, eh ‘di sasagutin ko na lang ang pampito niyang tawag. Eh sa gusto ko ang seven! Bakit, aangal kayo?!

Okay, chill, Miranda! ‘Di naman ako warfreak eh.

Sinagot ko na ito, “Hello,” I still have my phone manners.

Nang ‘di ‘to sumagot, ‘dun na ako sumabog gaya ng Bulkang Mayon! Aba! Kitang badtrip na ‘yung tao, babadtrippin pa nang lalo! “Hello, sino ‘to?! Alam mo ba kung anong oras na ng gabi?! Humanap ka nga ng ibang mapagtrippan kasi matutulog na’ko!” I did not bother to hide my irritation. Agad ko itong binabaan ng phone.

Tumawag na naman ito muli pero this time, ito na ang unang nagsalita.

“Meron ka ngayon?” narinig kong humalakhak ito sa kabilang linya.

Agad kong nahulaan kung sino ‘yun. Ang tanga ko naman para ‘di maisip ‘yun! Siya lang naman ang nakakaalam sa number niya. Ugh! Ni hindi ko nga alam ang number ng phone na ‘to.

“Tse! Bakit ka napatawag?”

“Kasi I missed you,” humalakhak na naman ito.

“Yuck! Maghunos dili ka nga, Linus! Kinikilabutan ‘yung mga balahibo ko sa pinagsasabi mo eh!” Nakakadiri talaga ang isang ‘to.

I Lust YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon