2. 20 12 6

40 3 0
                                    

Therese

Nandito kami ngayon sa labas ng beach. sina grace, liezel at phoebe ay nagpaiwan dahil sila raw ang maghahanda ng kakainin namin. aba dapat sila lang ang maghanda 'no alangan naman ako eh sila ang nag-aya tapos ako ang mag-aayos, at ang mga dyosang tulad ko ay hindi dapat ginagawang alipin sa halip ay dapat na pagsilbihan. sus kapal ng mga mukha nila.

"hoy, therese kain na?"tawag sa akin ni alexa. ba't di na lang siya lumapit. sus pati ba naman dito sa resort eh nagkalat ang mga tanga.

"eto na"sigaw ko mula sa kanya. umahon na ako sa dagat at naglakad papuntang cottage upang kunin ang wardrobe ko at naglakad na papunta sa kanila.

"o ano pang tinatayo-tayo mo diyan upo na?"sabi sa akin ni rhianne.

umupo na ako sa upuan ko. lahat kami ay nagdarasal si april ang naglead.

"amen" malumanay na sabi naming lahat at nagsimula nang kumain. nag-usap-usap kami tungkol sa nangyari sa school ng dahil kay phoebe. malandi talaga!. matapos naming mag-usap-usap tungkol sa kanya-kanya naming mga kaekekan at eklavush ay dumiretso na ako sa beach, ang iba raw ay matutulog at ang iba naman raw ay mamasyal sa dagat. ayokong sumama dahil mas gusto kong magpaiwan. habang lumalangoy sa dagat ay naramdam ako ng sakit ng tiyan kaya tumakbo ako papuntang banyo sa loob ng beach house.

"saan ba ang banyo rito?"sabi ko sa sarili habang nagpapalinga-inga kung saan para mahanap ang banyo. nang makita ko na ang banyo ay agad akong pumasok rito at agad inilabas ang dumi.

nang matapos ako ay lumabas ako ng silid ng banyo at duiretso sa harap ng salamin. naghugas ako ng kamay at naghilamos dahil may mga iilang buhanging nakadikit sa mukha ko. nagulat ako dahil bigla na lang siyang pumasok sa loob.

"o ginulat mo ako ha? akala ko kung sino na!"nakakabuisit talaag siya.

"oww, ginulat kita pwes magugulat ka rito!"sabi niya sa akin ng may pananakot.

takot, kaba at pagkagulat ang aking naramdaman ko ng bigla siyang naglabas ng kutsilyo sa kanyang bulsa.

"huwag ka namang manakot ng ganyan. ibaba mo nga yan?"sabi ko sa kanya. pinpigilan ko ang aking nararamdaman dahil baka pinagloloko o pinaprank lang ako nito.

"pwes ngayon magdasal ka na dahil ito na ang iyong wakas."sisigaw na sana ako ng bigla niyang iwinasiwas sa aking mukha ang hawak niyang kutsilyo. matapos niyon ay nagpanic ako, hindi ako makasigaw dahil walang lumalabas sa aking bibig. tanging sakit lang ang aking nararamdaman. matapos noon ay napaluhod na ako. halos maraming dugo ang lumabas sa aking mukha dahil sa matinding lalim ng sugat. matapos noon ay nag-iiiyak na ako dahil hinawakan niya ang aking buhok at hinatak. hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. halos nanghihina na ako dahil sa sakit at hapdi ng mukha ko at sa buhok kong hatak-hatak niya. dinala niya ako sa loob ng bodega. hindi ko alam kung saan ang bodegang ito. kumuha siya ng upuan at itinali niya ako doon.

lalo akong nakaramdam ng natakot ng naglabas siya ng mga operating tools sa hawak niyang bag at inilabas ang mga iyon.

"kita mo ito?"sabi niya sa akin at saka idinuduro-duro ang hawak niyang dressing scissors shop.

"parang awa muna pakawalan muna ako please?!"sabi ko sa kanya. halos mag-iiiyak na ako rito dahil sa sobrang takot.

"BAKIT! NAAWA KA BA SA AKIN HUH? NAAWA BA KAYO SA NANGYARI SA AKIN? HINDI DI BA?"sigaw niya sa akin na lalong nakapagdagdag sa aking takot.

"kung ano man ang naging kasalanan namin-ako sa iyo please i'm sorry patawarin muna ako?"sabi ko sa kanya.

"sorry? huh? sorry? WALANG MAGAGAWA YANG SORRY MO P*****A!!!"sigaw niya sa akin. mukhang hindi na niya kami mapapatawad at katapusan ko na talaga.

"Ngayon maghanda ka na!"sabi niya sa akin. lumapit sa lamesa at kinuha ang isang gillies forceps. tinggal niya ang aking damit at hiniwa ang aking tiyan.

"AAAAHHHH!!!!!"sigaw ko dahil sa sobrang sakit. unti-unti niyang hinihiwa ang aking tiyan.

"tama na?!"pagmamakaawa ko sa kanya. halos manghina na ako dahil sa sobrang sakit ng gnagawa niya.

"dapat unti-unti para mas MASAKIT!"sabi niya sa akin at ipinagpatuloy niya ang paghiwa niya sa aking tiyan. halos makita ko na ang sarili kong stomach at kung ano-anong laman loob ang malapit nang lumuwa.

Nang matapos ang paghiwa at paglabas ng bituka, atay, dugo at kung ano-ano pa ay pinutol niya ang aking mga organs. halos sumuka na ako ng maraming dugo. pati sahig ay malapit nang mapinturahan dahil sa dami ng dugo.

"HAHAHAHAHAHAHA!!!!!!"mas lalo akong natakot ng tumawa siya ng pagkalakas-lakas. animo'y isa itong demonyo.

"Hahahahaha kahit mamatay man ako, wala ka ring magagawa dahil ikaw pa rin ang talo sa huli!!!"takot at panghihina ang nararamdaman ko ngunit tinatagan ko ang aking sarili at pinilit Kong sabihin sa kanya ang along nararamdaman bago malagutan ng hininga.

"Diba plastic ka naman magmula ngayon? Pwes susunugin na lang kita!" Sabi niya sa akin.

Matapos noon ay lumabas na siya...

"Lord sana po gabayan niyo ang aking mga kaibigan? Huwag niyo rin po sana silang hayaang masaktan?"

Ilang minuto ang nakalipas bago dumating siya dumating. Kahit nahihirapan na siya at pilit niyang pinapasok sa loob ang malaking drum. Ano pang saysay kung sisigaw ako eh kunti na lang mamatay na ako.

"Hanggang ngayon Hindi ka parin patay? Mga masamang damo nga naman!!"sabi niya sa akin.

Matapos niyon at binuhat niya ako at isinilid sa loob ng drum.

"Bye?! See you in HELL!" Sabi niya sa akin. Nagsimula na siyang maglagay ng gas sa loob at...

"AAAAAHHHH!!!!!"sigaw ko dahil sa apoy na dumidikit sa balat ko at sa sobrang hapdi.

At doon na ako naw-...

Someone

Matapos Kong tapusin ang trabaho ko ay dumiretso ako sa dagat para magtanggal ang mga mancha ng dugo na nasa damit ko. Nagsimula na akong ibabad ang sarili ko at naligo na. Nang umahon ako ay nagpatuyo muna ako ng damit na ngayo'y wala nang dugo at pinatuyo ko na rin ang aking buhok upang hindi nila mahalata. mahirap na baka mabulilyaso pa ang aking mga plano, matapos kong tapusin ang dapat tapusin ay sunod na akong naglakad at nilisan ang lugar na iyon.

Squad GoalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon