Rhianne
Nandito ako sa tabing dagat. naglalakad-lakad. nagpapahangin. habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mag-isip-isip.
"what if? mabunyag ang tinatago naming sikreto?" iyan ang isa sa mga tumatak sa aking isipan.
Nakatingin lang ako sa langit, palubog na rin ang araw at ninamnam ko ang bawat pagdampi ng hangin sa aking pisngi.
"Hoy rhianne!! huwag ka ng mag-emote diyan pagabi na kumain na tayo!!"sigaw ni alexa.
nagpasiya na akong maglakad pabalik sa loob ng mansion.
pagpasok ko sa loob ay nakahanda na pala ang lahat.
"oh tara na guys."sabi ni grace.
"but wait let's pray na muna!"dagdag naman ni phoebe.
matapos magdasal ay kumuha na ako ng lechon manok at kanin.
habang kumakain ay bigla na lang napatigil si dannielle. nagpalinga-linga ito na para bang may hinahanap at isa-isa kaming inuusisa.
"guys, wala ba kayong napapansin?" tanong sa amin ni danielle.
"wait! si tere nasaan?"sabi ko sa kanilang lahat.
"oo nga 'no! wait lang hanapin ko sa kuwarto baka nandun lang yun."sabi sa amin ni liezel.
umakyat na si liezel sa taas. ilang sandali pa ay bumaba rin ito.
"guys, wala siya sa kuwarto niya!!"sabi niya sa amin.
"baka nasa labas lang yun? malay natin naglilibot-libot lang yun kung saan?"dagdag naman ni april.
"tara hanapin na natin siya baka kung mapano pa yun!"nag-aalalang sabi ni phoebe.
Nagpasiya kaming lumabas ng mansion at pinag-usapan namin kung sino ang magkakagroup dahil pinaghiwa-hiwalay kami.
Group 1 Group 2
Grace phoebe
liezel april
danielle alexa
ako
nagpasiya kami nina grace na hanapin siya sa may gubat, kanya-kanya kaming dala ng mga flashlight. sina phoebe ay naghanap naman sa may tabing dagat.
"TERE!!!!"tawag ni grace sa palayaw ni therese.
"THERESE? NASAN KA?"sigaw ko naman.
"HOY GIRL!! NASAAN KA? PINAG-AALALA MO KAMI HA?"iritang sabi ni liezel.
ilang oras na kaming naghahanp rito sa gubat ngunit kahit anino o kaluskos man lang ay hindi namin siya nakita kaya nagpasiya na lang kami na bumalik ng mansiyon.
habang naglalakad ay saktong pagdatin din ng grupo nina phoebe.
"ano nahanap niyo na ba?"tanong ni danielle.
"hindi eh! obvious ba edi sana kasama namin yun kung nakita namin!"pamimilosopo ni april.
"ano ba huwag na nga kayong magtalo, kita niyo na ngang nawawala yung isa kung nao-ano pang sinasatsat nyo. walang mangyayari kung magaaway-away tayong lahat ang mas mabuti pa kumain muna tayo!"pag-aawat ko sa kanilang lahat.
"nagsalita ang magaling"bulong ni april ngunit hindi iyon nakatakas sa pandinig ko. pumasok na ako sa loob. ayokong patulan si april ngayon.
dare-daretso akong nagtungo sa lamesa at kinain ang pagkain kahit medyo malamig na ito.
BINABASA MO ANG
Squad Goals
Horor8 friends... will fight for their own lives... they are the SQUAD GOALS... that they will die TOGETHER. Akala ko mo friends forever.... Sorry forever doesn't exist Walong magkakaibigan. Nagbakasiyon at sunod-sunod silang pinatay.