Author's point of view
(Nangyari ito bago mabuntis si phoebe).
(Flashback)...
Habang nagkaklase ang magkakaibigan ay Panay ang batuhan nila ng papel.
"Hey!! Girls at the back will you please stop!!"sigaw ng teacher sa kanila.
"Sorry po!!"sabi ni grace.
"OK we proceed"sabi naman niya.
"Sh** ka!!"mura ni Danielle sa sarili.
"Kala niya siya ang may ari nitong school!!"bulong ni grace sa mga kaibigan ngunit mahina lang para hindi marinig ng teacher.
"Mamatay ka na sana!"bulong ni Alexa sa sarili.
Matapos magdiscuss ang teacher ay nagdismiss na into na pwede ng umuwi. tumambay muna saglit ang magkakaibigan sa upuan.
"Tara na uwi na tayo?"sabi ni grace pagkailang minuto.
Nagkaayayaan na rin sila kaya umuwi na sila.
"Yaya mila! Si mama?"tanong ni grace kay sa kanyang yaya.
"Sa taas po kasama niya mga kaibigan niya pero sabi niya po huwag daw po siyang istorbohin"sabi ng yaya niya.
Ngunit hindi pinansin iyon ni grace, nagtuloy-tuloy lang itong umakyat papunta sa tambayan ng mommy niya.
"Hi mom?"sabi niya sa kanyang ina pagkabukas sa pinto.
"Yan na ba ang anak mo Amanda? Kay gandang bata manang-mana sa ama"tuwang-tuwang sabi ng kaibigan ng ina.
"Yan na ba siya amanda!? Ang ganda niya ngunit hindi mo nakuha ang itsura niya?"sabi pa ng isa.
Napatingin sa kanya ang ina na mukhang galit pero hindi pinapahalata sa mga kaibigan.
"Excuse me! Lang mga Amiga! Kakausapin ko lang si grace" paalam ni Amanda sa mga kaibigan.
Tinignan ni Amanda si grace.
"Mag-usap tayo!! Halika?"sabi ni Amanda sa kanyang anak Sabay hila sa kanyang braso.
Dinala niya si grace sa kanyang kuwarto.
"Hindi ba sinabi sa iyo ni yaya mila na huwag mo akong storbohin? Alam mo namang nandiyan ang mga kaibigan ko tapos papasok ka!! INGRATA!!!" Sabay malutong na sampal sa pisngi sa kanyang ina.
"Mommy! Hanggang kailan ka pa titigil ha? Pagod na ako? hindi ko kasalanan kung anak ako ng isa sa mga kabit ni daddy!!!"sabi ni grace na umiiyak.
"Huwag kang maingay Baka marinig ka ng mga Amiga ko!!"sabi ni Amanda na halatang nagpipigil.
Matapos iyon ay nilayasan na siya ng kanyang ina.
Si grace ay anak ng isang kabit at hindi tunay na anak ni Amanda. Tinanggap lang niya si grace dahil natagapuan nilang mag-asawa ang isang sanggol na nasa harapan ng bahay at nakalagay sa bimpo nito ang pangalan na grace. Walang kaalam-alam si arnel na anak niya iyon ngunit hindi nito pinaniwalaan. Ngunit nalaman nilang anak nga ni arnel si grace, nang dahil sa lumabas na resulta ng dna . kaya laging nagtatalo ang mag-asawa nang dahil sa kanya.
Matapos iyon ay tinawagan ni grace si liezel.
"Liezel nasaan ka?" Pinupunusan ni grace yung mga luhang pisngi niya at inayos ang sarili para hindi mapaghalataan na umiyak siya.
"Nandito sa bahay! Bakit?"
"Tara bar tayo?"sabi ni grace.
"Hindi pwede eh! May lakad ako"palusot ni liezel. Ang totoo ay may iba pang dahilan ito.
BINABASA MO ANG
Squad Goals
Horror8 friends... will fight for their own lives... they are the SQUAD GOALS... that they will die TOGETHER. Akala ko mo friends forever.... Sorry forever doesn't exist Walong magkakaibigan. Nagbakasiyon at sunod-sunod silang pinatay.