A/NAnyeong Haseo.!! ^_^
Sorry po kung masyadong madrama yung unang chapter ahh. Itong second, medyo mababa na yung emosyon. Pero may lungkot parin.
Please continue reading. Enjoy!!
------------------------------------------------------
Maurice's POV 👱
I feel a warm hands on my shoulders and its shaking me to wake up. I saw mom in front of me. She just open the car's door and let me see where she will go. And I saw her walking through a resto and that's a good decision. I'm already starving because of what happened long time ago. And I don't want to remember it again.
Di pa nga pala ako nakakapag pakilala. Ako si Maurice Smith, 21 years old. Ayun nga, kakahiwalay lang nina mama at papa. Kasalukuyan akong nag aaral sa Clark College of Pampanga and im in 3rd year. Marami rin akong kaibigan doon kaya may nagko comfort sakin twing nagkukwento ako sa kanila. Pero tingin ko di ako makakapasok ngayong linggo sa school dahil sa family problem, and i also think that its a better reason for not attending class in a week. Hayss, life, life, life,...
Nakita ko na si mama na pabalik ng kotse, nag take out na lang siya ng kakainin namin.. Normal breakfast lang ang binili niya, rice, fried egg, sinigang, at gulay. Dito kami sa loob ng kotse kumain. Tahimik lang at walang imikan. Tanging tunog lang ng kutsara ang naririnig ko.. Kaya naman, sinimulan ko nang basagin ang katahimikan.
"Ma, malayo pa ba yung pupuntahan natin?"
"Malapit lapit na nak. Mga isang oras na lang."
"Isang oras,, na lang??"
Hahh?? Ganun ba talaga yun kalayo? Mula 11 kagabi hanggang ngayong 4 di pa kami nakakarating.? What the eff!!.. Ang layo naman nun. Sabagay, sa Lola ng Lola ko pa daw yun nanggaling. Kaya siguro mala probinsiya ang tema doon.
Isang oras naming binaybay ang kalsadang parang dagat dahil sa lawak kahit na wala namang dumadaan. Bakit kaya nagsayang ng pera ang government para sa ganitong kalsada bagkus, wala namang gumagamit.? Kami lang Ata ang tao sa mundo ehh.
Nababagot na ako. Nang biglang huminto ang kotse. Sabi ni mama andito na raw kami. Hahh? Ehh wala namang bahay dito. Ano, sa kalsada kami matutulog?? Purong matataas na puno lang ang nandito. Kahit isang bahay wala.
Bumaba na ako dahil inaayos na ni mama ang maleta namin. Tinapat niya Ito sa may nakatayong maliit na kahoy na hugis arrow. Aba! Diko napansin to ahh. May nakasulat pang 'Smith's Residence' ahh siguro Ito na yun. Apilyido pa namin ang nakasulat. Samin talaga ang bahay na tutuluyan namin.
Nangibabaw yung excitement ko at kaba na makita yung bahay. May nabuo nang train of thoughts sa utak ko.. Kung Anong itsura nung bahay, siguro maliit at old type, faded color ng wall, sira sira.. Lumakad kami ni mama, papunta sa kakahuyan. Tama sa kakahuyan. Tapos paglampas namin.....
Woahhhh!!
Ang gara. Napaka lawak na lupain. Kaso bulok na yung pananim. Andaming traktora na puros kalawang. Halatang napabayaan. Tapos ilang saglit pa,
Holly Mollyyyyyy!!! Nakakatakot yung bahay. Sigurado?? Dito kami titira, habambuhay??? Grabe nakakatakot... Kulay dirty gray yung wall, black roofs. Maalikabok na bintana't mga salamin. Grabe ang creepy. Ayaw ko na talagang pumasok pero napilitan ako dahil sa mama ko. Pero out of my expectations, anlaki ng bahay, almost 1/2 lang yung dati kong tinitirhan. Grabe, kapag nakita mo nang malapitan, halos manliliit ka. Nakakalula tingnan..
"Tahdahhh! Oh diba ang Ganda! Konting ayos, konting linis, konting walis, konting ligpit, at maganda na ulit Ito." Sabi ni mama na tila tuwang tuwa pa.
"Ma, seryoso ka??" Tanong ko. "Ehh parang dantaon na tong di natitirhan ehh. Kadiri andaming sapot, alikabok, grabe ma. Ayoko dito. Tsaka Anong konting linis konting linis?? Baka kamo hanggang pagtanda ko nililinis ko parin tong bahay na Ito. Sobrang dumi kaya." Pang iinsulto ko.
Grabe naman kasi. Pinamana pa ehh halos lupa na buong paligid dahil sa dumi. Hindi nmn siya totally putik or lupa, alikabok lang siya, makapal na alikabok. Nakakaduwal tong bahay sakit sa ilong nung dumi. Malilinis ba Ito??
"Grabe siya ohh. Pasalamat ka pa nga may matitirhan pa tayo, samantalang yung iba sa kalsada lang natutulog. Hala sige kung ayaw mo sa labas ka." Pang susupla sakin ni mama.
Pero diko parin matiis na isipin tong bahay na malinis. Ang Ganda niya, kasi ayos pa yung linya nung kuryente. May tubig pa sa gripo, ang problema lang, alikabok,. Yaan mo malilinis din namin yan ni mama.
Nag ikot ikot ako. Ang laki ng bahay nato sobraaa. Parang double ng bahay namin, o hindi lang baka triple. Inikot ko yung bahay. Sinimulan ko sa main door. Pagbungad pa lang may two-way staircase na. Tapos may malaking picture ng bulaklak. Ewan ko ba. Tapos sa kanan, may double door, pagpasok ko ang napaka unique na sala. May chandelier pa. May mga lumang sofa Pero naka balot ng puting lahat. Tig iisa. Mayroon ding mga paintings sa gilid, rose, sunflower, at kung ano ano pa. Puros bulaklak. Halata namang mahilig si Lola Victoria sa bulaklak ehh. Sa may dulo ng sala may pinto. Malamang inunahan ako ng curiosity kaya pumasok ako. May nakita akong dalawang malalaking sofa, nakabalot parin ng puting tela, tapos nakaharap sa chimney. May carpet pa sa ilalim na kulay green. Halatang maganda ang kwarto dahil sa dami ng gamit. Sayang nga lang at napabayaan.
Paglabas ko ng sala, sa kaliwang banda naman, ay may malaki at mahabang lamesa. Halatang ito ang kainan nila. Andami ring paintings sa dingding at may maganda at garbong chandelier sa itaas. May mga koleksiyon pa ng mga plato at kutsara na nasa kabinet . Punong puno ng gamit .Grabe ang sosyal. Kumpleto din ang mga upuan at.... Teka !!!! Ano Ito??...
Pagtingin ko sa lamesa, may isang basong pang wine. Ang pinagtataka ko lang, may laman pang wine at..... Kakasalin lang!!
Malinis ang baso. May nagpunas ng kaunti sa pinagpapatungan ng baso. Halatang nagmadaling umalis dahil may tapon pa ng kaunti sa mesa. Maayos ang upuan!! At, malinis!? Halatang may umupo rito!! Kung matagal na Ito, Edi sana may alikabok na rin. Hindi kaya.....???.....
This creepy thing made me shiver down to my spine. Lahat na nang balahibong nasa balat ko na pwedeng tumayo, tumayo na. Nanginig akong bigla dahil dito.
Napatakbo ako bigla kay mama. Nakita ko siya sa labas ng bahay at nag sisimulang mag labas ng gamit. Hinila hila ko siya para makita ang nakita ko. Pero hindi siya sumama. Sabi niya baka dati pa iyon o di kaya ay may mga pumasok dito dati. Pero kung ganoon nga, san nila nakuha yung wine?? Wala namang wine dito dahil may allergy daw si lola sa alak. Kinakabahan na ako.
Pagbalik ko sa may lamesa,. Kahit na kabadong kabado pa rin ako, nilakasan ko ang loob ko. I ready my fist to protect myself because I think for any moment or two, a monster will attack on me. At least, I'm ready.
Nung Narating ko na yung lamesang may baso ng wine,, Aba!!! Paanong....???....
Wala na ang baso na may wine at may alikabok na rin ang pinaglagyan.!! Paano nangyari iyon? Sinasabi ko na nga bang mali ang tumuloy kami rito, Baka nagambala namin ang kung Anong meron dito. Nanindig na naman tuloy ang mga balahibo ko. Namamalikmata lang ba ako?? Pero hindi!!!! Alam kong nakita ko yun!! Hindi ko lang alam Pero,, may something creepy sa forgotten mansion na Ito!!
------------------------------------------------------
A/NWhooo!! 😂😂 Grabe! Ano kaya ang hiwagang bumabalot sa forgotten mansion na iyon?😲😱 At Paano kaya nito mababago ang buhay nang ating bida!?🙅🙏 Para malaman ang kasagutan,
Please stay tune, guys!! 😊
YOU ARE READING
Victoria's Secret
ФэнтезиIt was just the beginning of everything. This is a story of Maurice living in her grand grandmother's old creepy house and discover the secret of her grandmother named Victoria. How will she survive to the trouble she entered?? How will she fight t...