A/NHayyy. Kung may nagbabasa man. Thank you!! Sana dumami pa readers nito! Pasensiya na kung maikli yung last update. Katamad ehh. Pero itong next chapter habaan kona.
Again, keep on reading.
------------------------------------------------------
Maurice's POV
Tiningnan kong mabuti.
Tama nga ang kutob ko!!
Secret Door nga Ito!!
Pero saan naman to papunta. Ewan ko ba pero sobra na akong takot at curious sa bahay na to ahh. Nag tatalo tuloy isip ko kung papasok ba ako o hindi.
Nakakatakot kasi. Maliit na pinto na nasa floor, tapos may masikip na hagdan. Sobrang dilim pa at ang tahimik sa loob. Pero di ako pumasok, ramdam ko lang. Hahahah. Ayoko nga pumasok dun. Parang may kung ano mang kakain sakin dun.
Nangibabaw na naman ang pagiging curious ko sa kung Anong nasa baba nuon. Sana naman walang aswang o vampire o kaya mummy na aatake sakin don pag bumaba ako, which is hindi mangyayari.
Hinayaan ko na lang yun, Ramdam ko namang hindi dun galing yung creepy sound kanina ehh. Pero namumuo ang curiosity sa isip ko. Lalo tuloy akong kinakabahan, Mas lalong lumakas ang tibok ng dibdib ko.
-------------------
Ala siyete na nang gabi, nakakain na kami ni mama, at napagdesisyonang dito matulog sa sala. Naglatag na lang kami ng foldable bed tsaka maliit na electric fan. Buti na lang talaga may ilaw pa itong bahay. Kung wala ehhdi sana halos mamatay nako sa takot.
Sa ilalim ng malamig na gabi, di pa rin ako nakakatulog. Inaalala ko pa rin ang karanasan kanina, curios pa rin sa nakita. Biglang lumakas ang loob ko, nagdesisyon na ako.
Papasukin ko ang ilalim non. Para matigilan na rin ako kung ano mang bumabagabag sa akin. Likas naman sa akin ang pagiging matapang, kakaiba nga lang ngayon dahil Baka may multo o mga aswang sa ilalim. Pero hindi, hindi ako nagpadala sa kaba at takot, tatayo na ako.
Kinuha ko yung gaserang nakita ko kanina sa sala. May gaas pa yun, kaya gagana pa. Sinindihan ko na at sinimulang mag lakad. Malapit lang yung secret door na iyon, kaya minabuti kong magdahan dahan. Habang naglalakad, pakiramdam ko may pumipigil sa akin, Una namatay yung gasera. Nakapatay ang ilaw sa hall kaya napatakbo ako sa sala. Sunod, yung lamig ng gabi na Mas lalong dinagdagan Ang kaba at takot ko kaya parang ayaw kong magpatuloy.
Ilang minuto pa ay Narating ko na ang sikretong daan, na kapag siguro nakapasok ako ay matitigil na ang lahat ng nakasakay sa train of thoughts ko. Dala ang ilaw, agad kong binuksan ang maliit na pintuan. Bumungad agad ang sapot sapot at alikabok. Nakita ko ang maraming librong parang tungkol sa spell, magagandang pictures, siguro siya si Lola Victoria. Ang babaing nasa larawan na naka puting dress at napakaganda.Marami ring mga gamit na nakaimbak doon, at mga....
Hahh??
Bote ng Wine??
Akala ko ba ....... Allergic sa wine si Lola, si lolo naman may sakit sa kidney kaya imposibleng sa kanila ang mga yan.
Dagdag pa sa ikinatakot ko, ang boteng yun din ang boteng nakita ko....
Tama!! Sa sala.... Yung basing may wine!! Diyan gaming yun!!! Di ako makagalaw sa pwesto ko dahil sa tinding takot.
Maya maya pa'y........
"Sigurado ba siyang bumaba pa siya rito?" Sabi ng boses. Maliit na boses na pakiwari ko ayy,,,,
YOU ARE READING
Victoria's Secret
FantasíaIt was just the beginning of everything. This is a story of Maurice living in her grand grandmother's old creepy house and discover the secret of her grandmother named Victoria. How will she survive to the trouble she entered?? How will she fight t...