Kinabukasan ay naligo muna ako bago lumabas ng kwarto. Naisipan kong sa kapihan ako magbre-breakfast.Nagsuot ako ng puting tee shirt at pinatungan ko ng denim jumpsuit na long pants. At dahil malamig kasi umaga palang ay nag suot muna ako ng kimono style na cardigan.
Naabutan ko na si Lira sa counter.
"Goodmorning," masayang bati niya.
Nakakamangha ang loob ng kapihan nila.
Halos gawa ito sa kahoy. Malalaki ang bintana kaya napakaliwanag sa loob at nakikita mo ang napakagandang tanawin sa labas. May mga halaman din na nakasabit sa kisame.
Nginitian ko muna si Lira bago nagsimulang kumuha ng mga picture.
Nasa anim na tao ang customer nila ngayon.
Humarap ako kay Lira tsaka siya tinapatan ng camera. Mabilis naman siyang nag-peace sign.
Tinignan ko yung mga kuha ko. Lahat ay magaganda.
Umupo ako sa high chair sa harap ng counter.
"Anong gusto mo?" tanong ni Lira.
"Yung best seller niyo nalang na hot drinks. Tsaka isang slice ng red velvet." sabi ko.
"Coming up," sabi niya tsaka nagsimulang magtimpla.
Tumingin-tingin pa ako sa paligid. Naakit ako sa shelf ng mga aklat kaya tumayo muna ako tsaka lumapit doon at naghanap ng pwedeng mabasa.
"Gabriel's Inferno by Sylvain Reynard," basa ko doon sa librong una kong napansin.
Binasa ko muna yung sypnosis bago bumalik sa harap ng counter.
Binasa-basa ko muna yung nasa cover.
"Ito na ang capuccino and red velvet. Eat well." sabi ni Lira. Tinanguan ko lang siya.
Habang kumakain ay sinimulan ko na din ang pagbabasa.
Masarap yung cake at coffee nila tita. Hindi ko akalain na makakatikim ako ng ganito sa isang liblib na probinsya.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain at pagbabasa nung may pumasok sa kapihan.
Hindi ko iyon pinansin dahil mas gustong malaman ang susunod na mangyayari sa binabasa ko.
"Red velvet and cappuccino, please."
"Okay po kuya Nigel. Ihahatid ko nalang sa table mo."
"You like erotic romance novel, huh." napaangat ako ng tingin.
Napaatras kaagad yung ulo ko dahil masyadong naglapit yung mukha namin. Medyo nakayuko pala siya. Yung pouty lips kaagad ang bumungad sa akin.
Nung lumayo ako ay medyo natigilan ako sa itsura niya.
He's wearing a black leather jacket na parang katulad ng napapanuod ko sa tv. Underneath is a white tee shirt. Sa tingin ko ay 6 footer siya. Perfect eyebrow line. Medyo may arch yung hugis nun kaya nagmukha siyang masungit. Matangos din ang ilong niya at napaka masculine ng hubog ng mukha.
"Done checking on me?" napakurap ako sa sinabi niya.
Bigla ay natauhan ako. Kanina ko pa ba siya tinititigan?
He just smirked at iniwan akong speechless. Sinundan ko siya ng tingin. Umupo siya sa isang table na may katabing bintana.
Humarap na ako sa counter at napahawak sa dibdib ko.
Ang lakas ng tibok nun.
"Okay ka lang?" tanong ni Lira. Tinignan ko siya at tumango.
Kinuha ko yung tasa ko at ininom iyon hanggang sa masimot ang laman.
"Ate, di yan tubig. Paalala ko lang." tukso sa akin ni Lira bago lumakad na may dalang tray.
Mariin akong napapikit. Kanina pa ako lutang.
Pinilit ko nalang magbasa ulit pero parang may kung anong nagtutulak sa akin tignan yung lalaki.
Nasa likod ko siya kaya mapapansin niya kaagad kapag titingin ako.
Nilabas ko yung cellphone ko.
Hinanap ko yung anggulo niya.
Nakita ko ang reflection niya sa screen ng phone ko.
Nakatingin siya sa labas ng bintana. Mukhang malalim ang iniisip niya.
Itinaas ko yung camera ko at finocus sa screen ng phone.
Naka-ilang shot ako bago ko naisip na baka may makapansin na kaya tinigil ko na iyon.
Nagbayad na ako kay Lira bago lumabas.
Pumunta ako sa likod-bahay. Nakahanda na doon yung mga hiningi ko kay Liro kahapon. Spray paint at bagong basket.
Binuno ko yung buong umaga ko sa pagpipintura sa bike. Pinalitan ko din yung mga lumang parts.
Nung magtanghali na ay inaya ako ni tita na kumain na.
"Sino po ang bantay sa kapihan?" tanong ko.
"Si Lolita, nagextra muna siya habang bakasyon," sagot ni tita.
Tumango-tango naman ako. Pagkatapos naming kumain ay bumalik ako sa kapihan. Marami pa din ang customer.
"Pwede bang makitulong?" tanong ko kay Lira. Kasama niya ngayon si Lolita na kasing edad niya lang din.
"Sure po.," sagot niya. Tinuruan muna niya ako kung paano magpunch ng order. Saka na daw yung pag-gawa ng mga kape dahil medyo mahirap iyon.
"Saan galing yung mga tao dito? Sabi ni tita ay abandonado na yung beach dito." tanong ko. Mukha kasing mga bakasyunista yung mga nagkakape.
"Ah, may bagong bukas na beach kasi sa west at may sarili silang maliit na airport kaya marami na ang na-eengganyong pumunta dito. Pero kakaonti lang ang may alam nitong kapihan namin. Sayang nga eh, kung alam lang ng lahat ng pumupunta doon ay malamang mas marami pa kaming customer," kwento ni Lira.
Napatango naman ako. May pumasok na customer. Ako ang kumuha ng order niya.
Nag-enjoy ako sa paggiging cashier. Halos hindi ko na napansin yung oras.
Kinagabihan ay nagpost lang ako sa website ko. Marami ang nagandahan sa mga picture na pinost ko. Marami ang gustong pumunta.
Naisip ko na malalayuan sila kung sa dinaanan namin ni tita ang dadaanan nila. Naisip ko tuloy yung beach na may sariling airport para sa mga customer nila.
Kailangan kong malaman yung pangalan nun para mapost ko sa website ko.
Paghiga ko ay naalala ko na naman sila mama.
Naramdaman ko ang mainit na luha sa pisngi ko. Kahit naman lagi silang wala sa bahay ay pinilit nilang maging quality time yung mga panahon na magkakasama kami. Kontento na ako sa kanila kaya naging loner ako sa school kahit nung nagcollege. Kaya ngayong wala na sila ay pakiramdam ko ay wala na akong makakapitan.
BINABASA MO ANG
Sitio Jimenez
General FictionExperience the breathtaker scenery of Sitio Jimenez. The breeze from the ocean. The mountains... And Nigel West, the hottest motorcycle driver she ever saw.