Chapter 3

470 17 5
                                    

Day 3

Kinabukasan ay ako ang nagpresinta na maghugas ng mga ginamit namin nung breakfast. Ako din naman ang naghuhugas dati sa bahay namin dahil kahit malaki ang bahay ay hindi kumukuha sila mommy ng katulong.

Pagkatapos ko maghugas ay gumawa ako ng tuna sandwich at naglagay ng kanin at ulam sa lunch box. Nagpuno din ako ng tubig sa tumbler. Pinasok ko ito sa bagpack ko na may laman ding bimpo, konting pang first aid kung masugatan man ako. At mga spare na memory card at battery.

“Aalis ka?” tanong ni tita nung nakita yung ginagawa ko.

“Mamamasyal lang po ako,” paalam ko at sinuot na yung bag pack.


“H'wag masyadong lalayo Xandra ah. Pagtumawag ako ay sagutin mo. Kapag naligaw ka naman ay tumawag ka lang,” bilin ni tita habang tulak-tulak ko yung bike palabas ng gate.

“Opo.” sagot ko tsaka sumakay sa bike at umalis.

Napangiti ako sa lamig ng hangin na sumalubong sa mukha ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napangiti ako sa lamig ng hangin na sumalubong sa mukha ko. Iba pala talaga ang hangin sa probinsya. Ramdam mo na malinis. Nagbike lang ako ng nagbike. Halos iisa lang naman ang direksyon ng kalsada.

Napatigil ako sa isang parte ng daan. Sa gilid kasi nun ay magkakahelerang puno na parang nakayuko sa dadaan. Pinutol marahil ang ibang sanga kaya natira nalang ay ang sanga na nakadireksyon sa daan. Kinuha ko yung camera ko at kumuha ng ilang shot.

 Kinuha ko yung camera ko at kumuha ng ilang shot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagpatuloy ako sa pag-ikot-ikot.

Sa isang gilid ng kalsada ay may nakita akong malaking puno. May duyan doon.

Ginilid ko yung bike at bumaba. Pinagmasdan ko muna yung buong puno. Mukhang napaka tanda na nito. Sobrang laki.

Hinila-hila ko yung lubid para masubukan ang tibay nito bago umupo.

Sa una ay dahan-dahan pa ang pag-ugoy ko. Baka kasi biglang mapigtas.

Nung magsawa ako ay nag-umpisa na akong kumuha ng mga litrato.

Pagkatapos ay kinain ko yung  kanin na baon ko. Ang tantya ko ay tatlong oras na akong gumagala. Alas dose na din kasi.

Pagkatapos kumain ay naglatag ako ng tela na dala ko tsaka humiga doon. Ginawa kong unan yung bag ko. Iniwas ko lang yung sandwich at camera para hindi maipit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sitio JimenezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon