Chapter 1

1.5K 28 13
                                    

Nakatingin ako sa mga puting lobo na unti-unti nang lumilipad papunta sa langit. Madiin ang pagkakadikit ng mga labi ko. I tried not to cry again.

They said that I cried too much.

Am I?

How can you say that you cried too much?

May sukat ba ang pag-iyak?

May humawak sa balikat ko.

"Tara na," ani ni tita Liza habang pinipilit ngumiti. Namumula din ang ilong at mata niya kakaiyak. Her only sister just go 6 feet underground. Forever.

My mom and dad got into an accident last week. Dead on arrival.

Today, sabay namin silang hinatid.

Sa huling hantungan.

"Okay ka lang ba?" mula sa pagkakatulala ay napatingin ako kay tita. Nakasakay kami sa roro papunta sa Sitio Jimenez. Kung saan ako magsa-summer. Kakagraduate ko lang ng college last week at last week din nabago ang buhay ko. Kailangan ko pang maghintay ng dalawang buwan para marelease yung pera nila dad sa bangko. Wala akong ipangtutustos sa sarili ko kung sakaling mag-stay ako sa manila para maghanap ng trabaho. And besides, wala na akong ibang kamag-anak.

Pagbaba namin sa roro ay sumakay kami ng jeep. Overloaded yung jeep na sinakyan namin. May mga pasahero hanggang sa bubong nito. Kakaunti lang daw kasi ang mga jeep na bumabyahe papuntang Sitio Jimenez dahil nasa dulo ito.

"Ito ang Sitio Hapson. Masasabing ito ang pinaka-maunlad sa tatlo sitio sa bayan na ito. Sa nakikita mo ay marami na ang naipapatayong establisyemento dito. May mga mall, mamahaling restaurant, parke at iba pa. Kung sakaling gusto mong mamasyal kung makaramdam ka ng pagkainip ay dito ka pumunta," kwento ni tita upang marahil hindi ako mainip sa byahe namin. Nakatingin ako sa labas ng bintana. Hindi nga ito nalalayo sa maynila. May nakita akong mga kainan, cafe at yung madalas na nakikita sa busy streets.

"Smokes..." basa ko sa pangalan ng sa tingin ko ay isang bar.

"Ano yun? May sinasabi ka ba?" tanong ni tita. Medyo siksikan dito sa loob ng jeep.

"Ho? Wala po," sagot ko. Pinagpatuloy niya pa yung pagkwekwento niya pero hindi ko na iyon nasundan. Nakuha na nung magandang babae yung atensyon ko. Nakatayo siya sa harap nung bar na Smokes. Sa likod niya ay may lalaking nakatayo. Mukhang may kausap yung magandang babae sa cellphone niya kaya hindi niya napansin yung tao sa likod niya. May nilabas yung lalaki mula sa likod ng pantalon niya. Isa itong baril at tinutok sa babae na walang kamalay-malay. Nung saktong tumapat yung jeep na sinasakyan namin sa babae ay nagkaroon kami ng eye contact. Tumuro ako sa likod niya, siya namang paglagpas ng jeep.

Dahil may mga nakasabit sa pintuan ng jeep ay hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Umayos nalang ako ng upo.

"...pwede ka din maligo sa dagat. May isang abandunadong beach sa sitio Jimenez. Puro taga roon lang ang naliligo doon kaya mag-e-enjoy ka din." Tinignan ko si tita habang nagkwekwento siya.

"Liza." sabay kaming napatingin ni tita sa tumawag sa kanya.

"Oh aling Lina, kayo pala yan. Bakit nasakay kayo sa jeep?" tanong ni tita sa ale na nakaupo sa harap namin.

"May sideline kasi ngayon si Cardo kaya wala kaming driver," sagot nung ale habang nakatingin sa akin.

"Ah siya nga pala, pamangkin ko si Xandra. Anak siya ni Andrea. Naaksidente kasi silang asawa niya noong nakaraang linggo kaya ayun. Kakalibing lang nila kahapon. Ako na muna ang bahala sa kanya." halata ang pagkagulat nung ale.

Sitio JimenezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon