Chapter3

61 1 0
                                    

Hindi makatingin nang diretso si Deerah kay Steve. Sobrang naiilang siya rito at sa lugar na pinuntahan nila. Pero dahil kagustuhan niyang malaman ang pakay nito sa kanya ay nilakasan niya ang loob at nagtanong na siya rito. " Mawalang galang na po, Sir. Ano po ba ang sadya ninyo sa akin at pumunta pa kayo sa lugar namin?" mahinahong tanong niya.

"Deerah , nasabi na sa akin ni Atty. Castro na ilang beses mo nang tinanggihan ang tulong na inaalok namin sa inyo. Ano ba ang dahilan bakit ayaw mong tanggapin?"

Bumuntong-hininga siya. Medyo naiinis na siya sa usaping iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi lubos na maunawaan ng mga ito ang dahilan niya na huwag kunin ang perang ibinibigay ng mga ito.

"Sir Steve , pnirmahan ko na ang papeles na nag-aabswelto sa inyo at wala na kaming balak pang maghabol. Para sa amin ay sapat na ang naibigay ninyong tulong sa amin. Sobra na kung tatanggapin pa namin uli ang pera na alok ninyo" paliwanang niya.

"Deerah nangako ako kay mang Alex na hindi ko kayo pababayaang mag lola."

"Sir Steve ako na po ang nagsasabi sa inyo na hindi ninyo kami reponsibilidad. Nagawa na ninyo ang parte ninyo. Isa pa, hindi kayang tumbasan kahit gaano kalaking pera ang buhay ng tatay ko," mariing sagot niya.

"Please Deerah, don't think na binabayaran namin ang buhay ng tatay mo. Ang sa akin lang ibinibigay namin ang nararapat para mabuhay kayo nang maayos. Pero kung ayaw mong tanggapin ang pera ay nirerespeto ko iyon."

"Salamat naman kung ganon" nakangiting sago niya.

"Pero sa isang kondisyon at kapag nagawa mo ito ay hinding-hindi ko na babanggitin ang tungkol sa pera.

" Ano po iyon?" curious na tanong niya.

"Sa tingin ko ang isang babaeng katulad mo ay hindi nababagay maging isang tricycle driver. Bilang kapalit ay magtatrabho ka sa kompanya namin. That's the only option I can give you --- either you take the money or work for our company. No matter how much you want to get rid of me , wala ka nang magagawa.. 

" Pero...."

"Wala nag pero-pero. Alam ko na alam mong kaya kong ipasuspende ang lisensya mo para tumigil ka na sa pagpapasada. You know how powerful we are. Isang tawg ko lang ay wala ka na agad hanap-buhay. So don't make it hard for both of us. Tanggapin mo ang isa sa alok ko sa iyo, pera o trabaho."

"Hindi ba blackmail yang ginagawa ninyo sa akin? Aalisan ninyo ako ng hanapbuhay dahil lang sa impluwensya ninyo?" galit na pahayag niya.

"Look Deerah , ayokong gawin ito sa iyo pero binibgyan mo ako ng dahilan para gawin ito. Iyon lang ang paraan na naiisip ko para tulungan kayo at matupad ko ang pangako ko sa iyong ama bago siya mamatay. So please I'm begging you, let me help you," pagsusumamo ni Steve.

Kumukulo ang kanyang dugo sa inis. Alam niyan g wala na siyang kawala ngayon. At alam niyang hindi ito nagbibiro na ipasususpende ang kanyang driver's license kapag hindi siya sumunod.

"Sige kung yan lang tanging paraan para tigilan na ninyo kami." napipiliang pagsang-ayon niya.

"So what?" The money or the job?"

"Hindi ko matatanggap ang pera dahil hindi ko pinaghirapan iyon. Magtatrabaho na lang ako sa kompanya ninyo."

"Well then, we'll train you in the office and we'll also enrol you in some classes," nakangiting sagot ni Steve.

"Sir Steve, hindi po sa opisina ninyo ang gusto kong trabaho," aniya.

Napakunot ang noo nito a tumingin ito sa kanya. " Kung hindi sa opisina ay ano ang gusto mong trabaho?"

"Kung ano po ang naiwang trabaho ni tatay ay iyon po ang gagawin ko. Gusto ko pong maging personal driver ninyo.

"GOOD morning po, Sir  Steve." bati ni Deerah. Binuksan nito ang pinto ng kotse para pasakayin si Steve. Tumango lang si Steve at agd na siyang sumakay sa kotse. Dalawang linggo na mula nang maging driver niya si Deerah. Noong una ay nag-aalangan siyang tanggapin ito bilang driver, pero hindi nagtagal ay pumayag na rin siya. Ang gusto sana niyang ialok dito ay trabaho sa opisina kahit office clerk lang. Pero mapilit talaga si Deerah at hindi ito tumitigil hanggat hindi siya pumapayag na magtrabaho ito bilang driver. Ang dahilan nito ang mas gamay na raw nito ang humawak ng manibela kaysa computer o makinilya. Mas magiging kapaki-pakinabang daw ito kung ilalagay ito sa trabahong alam nito. He conceded. Mas mapapanatag ang loob niya kung alam niya ang bawat kilos nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang concern niya rito.

Mula alas alas-siete ng umaga hanggang alas sais lang ang duty nito. gusto niyang mabigyan ng oras niya ang lola nito. Pero alam din niya na dapat siyang mag-ingatdahil baka pagmulan ng intriga o usap-usapan na binibigyan niya ng special treatment si Deerah. Para sa kanya ay wala siyang dapat ipaliwanag kahit kanino, dahil alam niyang maaapektuhan si Deerah kapag nagsimula na itong pag-usapan ng mga kasama nito sa trabaho. He should act professionally towards her, so that she had no idea that her workload was lighter than the other drivers.

HABANG nagmamaneho ay hindi maiwasang mapatingin ni Deerah kay Steve mula sa rearview mirror. Hindi niya maunawaan kung bakit malamig ang pakikitungo ng binata sa kanya. Tuwing magtatama ang kanilang mga mata ay agad itong umiiwas at kung hindi rin lang kailangan ay hindi siya kinakausap nito. Isang bagay iyon na nagpapabagabag sa kanya. Hindi niya pinangarap na maging kaibigan ito pero sana lang ay maging accomodating ito.

Napapansin kasi niyang aloof ito sa kanya. Sa isang banda ay baka napilitan lang itong kunin siya sa trabaho dahil na rin sa pagmamatigas niya. Dahil doon ay pinagsisikapan niya na pagbutihin ang kanyang trabaho bilang driver nito. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan na ilipat siya ng trabaho.

I Need to be Nex to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon