Chapter2

179 1 0
                                    

"What do you mean she refused the money? Ano raw ang dahilan niya?" naguguluhang tanong ni Steve nang puntahan niya sa opisina ang kanilang abogado.

"Apparently, ayaw niyang kaawaan sila ng inyong pamilya," kibit-balikat na sagot nito.

"What? We are not treating them as a charity case. We just want to make sure that they are well compensated for their loss, because on duty ang ama niya nang mangyari ang aksidente!" naiinis na wika niya.

Steve Victor's Picture ----------->

"Don't worry, Steve ngayong napirmahan na niya ang affidavit of desistance ay hindi na siya pwedeng maghabol sa kompanya, so we are free from any legal problems."

"Attorney Castro, hindi naman por que pinirmahan niya ang dokumento ay tapos na ang reponsibilidad natin sa kanila. It only means that they won't take us to court. And as far as I know, dapat hindi mo muna hinayaang pirmahan niya ang dokumento nang wla siyang kasamang lawyer. Baka isipin niyang nananamantala tayo. Kaya dapat na siguruhin mo na tanggapin niya ang pera. Ayokong isipin nila na pinabayaan lang natin sila," utos niya.

"I will try , iho," pangako nito.

"Don't try Attorney , Do it," mariing uos niya. Lumabas na siya nang opisina ng abogado.

HINDI maintindihan ni Deerah ang sarili niya dahil nang magkaharap sila ni Steve kanina ay hindi man lang siya nakaramdam ng galit dito. Sa halip ay awa ang kanyang nararamdaman dito nang makita niya ang lungkot sa mukha nito. Marahil ay nagluluksa pa rin ito sa pagkamatay ng nobya nito. At himalang bukod-tanging ito lamang ang nakaligtas sa aksidente.

Ang malaking ipinagtataka lang niya ay kung bakit kailangan pa siyang pumirma sa affidavit of desistance gayong nagkasundo na sila sa burol ng kanyang ama na hindi sila maghahabol.

Ipinaliwanag na sa kanila na isang aksidente ang nangyari. Nalaman niya na hindi ang ama niya ang nagmamaneho ng kotse kundi si Heaven na labis niyang ikinagulat. Kung ang tatay kaya niya ang nagmaneho noon ay naiwasan kaya ang malagim na aksidente? Hindi ba dapat ay ang pamilya ni Heaven ang makipag-usap sa kanila para hindi na sila magsampa ng kaso? Pero si Steve na ang tumayong guardian ni Heaven kaya ito na ang nag-ayos ng lahat na may kinalaman sa aksidente.

Maaaring para sa ibang tao ay mali ang kanyang naging desisyonh hindi tinanggap ang malaking halagang iniaalok sa kanila, pero para sa kanya ay hindi kailanman mababayaran ang buhay ng kanyang ama. Sa palagay niya ay sapat na ang tulong na naibigay sa kanila at wala nang dahilan para dagdagan pa iyon.

BUSY sa trabaho si Steve. Sa pagtatrabaho lang nababawasan ang sakit na nadarama niya dahil sa pagkamatay ng dalawang taong malapit sa kanya.

Si Mang Alex ang personal driver / bodyguard niya sa mahabang panahon. Isang kaibigan at pangalawang ama ang kanyang turing dito. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat. Masakit din para sa kanya ang pagkamatay ni Heaven. Dalawang taon ang kanilang naging relasyon pero ilang buwan bago mangyari ang aksidente ay hindi na maganda ang takbo ng kanilang relasyon.

May mga bagay na nangyari nang araw na iyon na silang tatlo lamang nina Heaven at Mang Alex ang nakakaalam. At hindi niya pwedeng kalimutan ang bilin sa kanya ng matanda bago ito malagutan ng hininga sa ospital. At sisiguruhin niyang matutupad niya ang pangako niya, na kailanman ay hinding-hindi niya pababayaan si Deerah at ang lola nito.

Naistorbo siya sa kanyang pag-iisip nang tumunog ang telepono. Agad niyang sinagot iyon. Si Atty. Castro ang tumawag.

"Attorney ano na ang nangyari? Tinanggap na ba niya ang pera?"

"Sorry Steve talagang ayaw tanggapin. buo na ang desisyon ni Deerah. Gusto na raw niyang matahimik ang buhay nila ng kanyang lola at hindi na raw nila magagaw yon habang ginagmabala natin sila. Hindi raw sila kailanman maghahabol ng kahit na ano sa inyong pamilya kaya nakikiusap siyang tigilan na natin ang pagpilit sa kanilang kunin ang pera," paliwanag nito

Napahampas ang kamay niya sa office table niya sa labis na pagkainis. " Damn that woman! Attorney siguro ay ako na lang ang gagawa ng paraan!"

"Anong binabalak mong gawin Steve?" 

"Ako na mismo ang kakausap sa kanya. I'll explain everything, na ito ang gusto ng kanyang ama," mariing sagot niya.

Narinig niya nag pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. "Well, goodluck. I'm telling you she's different Steve,"

Thanks for the advice, Attorney. But I think I can handle her," paniniguro niya.

"Well then, I'll leave everything to you."

NAGMEMERYENDA si Deerah sa mallit na carenderia ni Aling Pasing nang tawagin siya ng isang kasamang tricycle driver. "Deerayy , may naghahanap sa iyo."

"Sino raw?" naiinis na tanong niya. Kauupo pa lang niya sa tindahan para magpalamig ay may umistorbo na kaagad sa kanya.

Nagkibit-balikat ang lalaki. " Ewan ko, basta pumunta ka na sa pila," sagot nito.

Napilitan siyang tumayo. Inubos niya muna ang softdrink na iniinom at dinala na lang niya ang turon. Halos bumara sa lalamunan niya ang turon na kinakain nang makita niya kung sino ang naghahanap sa kanya. Mabuti na lang at may nag-abot sa kanya ng isang bote ng tubig at kaagad niyang nilagok iyon.

"Magandang hapon po, Sir Steve. Napadaan po kayo? May kailangan po ba kayo sa akin?" magalang na tanong niya.

Kunot-noong tumingin ito sa kanya. " Pwede ba tayong mag-usap sandali?"

"Sige po, dito na lang po atyo mag-usap."

"Deerah, mas mabuti siguro kung sa ibang lugar tayo mag-usap," giit nito.

"Pero . . ."

"Get in the car, and I promise you na hindi tayo magtatagal!" utos nito sa kanya

Hindi siya nakapalag dahil nagulat siya sa tono ng pananalita nito. Agad na sumakay siya sa Mercedes-Benz ni Steve.

Tahimik lang siya habang nagmamaneho ito. Nangangamba siya na lalo itong magalit kapag nagpumilit siyang kausapin ito.

Ilang sandali lang ay tumigil ang sasakyan sa  harap ng isang coffee shop. Nahihiya man siya sa ayos niya ay wala na siyang magawa kundi ang sundan ito sa loob ng coffee shop. Ang sout niya ay puting T-shirt na pinatungan niya ng long sleeved polo at maong pants. Naka rubber shoes siya, nakatirintas ang mahabang buhok at may sout na cap. Agad niyang tinanggal ang cap bago siya lumabas ng kotse. Kahit sino ang makakita sa kanila ay aakalain na aalalay  siya nito. Maituturing niyang isa sa pinkagwapong lalaking nakita niya si Steve. Sa tindig at porma nito ay aakalaing isa itong modelo o artista. Mestiso, matangkad at matipuno ang katawan nito.

Sa nakita niya rito ay balewala lng dio ang ayos niya. Siguro nga ay importante ang sasabihin nito sa kanya kaya hindi nito alintana na pinagtitinginan na sila ng maraming tao.

Sa unang tingin ay mapagkakamalan siyang tomboy. Pero marami ang nagsasabi  na kapag tinitigan siya ay doon makikita ang ganda niya. Maputi siya , mahaba ang buhok , balingkinitan ang katawan, at matangkad. Kung mag-aayos lang daw siya at magbibihis babae ay malamang na mapagkamalan siyang si Jewel Mische. Pero dahil sa klase ng trabaho niya ay hindi niya pwedeng gawin iyon.

Umupo sila ni Steve sa isang corner table na malayo sa mga tao. Lumapit agad ang waitress sa kanila.

"Anong gusto mong kainin?" tanong nito sa kanya.

"Ah . . . eh, okay lang po ako. Katatapos ko lang pong kumain," nahihiyang sagot niya.

"Okay miss please give us two coffee and two club sandwiches," kaagad ding umalis ang waitress.

READ BEFORE YOU VOTE :)

I Need to be Nex to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon