chapter4

36 1 0
                                    

Thank'you sa mga bumasa <3

Nang makarating sila sa sa opisina nito ay mabilis siyang bumaba ng sasakyan apra pagbuksan ito ng pinto ng kotse. Nang makababa ito ay isang matipid na 'salamat' lang anmg sinabi nito bago ito umakyat sa opisina nito. Nagkibit-balikat na lng siya sa malamig na pakikitungo nito sa kanya. Mas makabubuti nga sigurong hindi sila magkapalgayang loob at manatili na lamang sila sa relasyong mag-amo. Natitiyak niayng patsi-tsismisan sila kapag naging malapit sila sa isat-isa.

Dumiretso si Deerah sa basement parking ng buliding nga Dela Villa Industries. Isang export ang import business ng mga food products ang negosyo ng pamilya. Matagal ng namamayagpag ang kompanya ng mga ito. Dapat niyang pagbutihin ang trabaho para ma regular sa roon. Bukod kasi sa malaki ang pasweldo ay marami ring benepisyo. Kaya nasisiguro niyang secured na ang kinabukasan nilang maglola.  

Nang maapos mai-park niya ang sasakyan ay tumuloy siya sa driver's lounge para magkape. Hihintayin na lnag niya roon kung ano ang susunod na lakad ni Steve. Pagkakuha ng kape ay nagpunta siya sa isang sulok para magbasa ng diyaryo. Tahimik siyang nagbabasa ng diyaryo ng lumapit ang isa sa mga kasamahan nilang driver na si Ram at tinaguriang "chickboy".

"Magandang umaga magandang binibini," bati nitong may nakakalokong ngiti.

"Ikaw pala Ram, Agad siyang tumungo para ipagpatuloy ang pagbabasa ng diyaryo.

Sadyang makulit si Ram na umupo sa tabi niya. "Samahan na kitang magkape. Mukha ka kasing malungkot na nag-iisa rito."

"Hindi ako nalulungkot. Sa katunayan ay tapos na nga akong magkape. Sige, mauna na ako sa iyo at baka hinahanap na ako ni Sir Steve," nagmamadaling paalam niya. Tumayo na siya at mabilis siyang lumayo rito.

Nang makarating na siya sa locker room ay hinihingal na siya. Dahil sa pagmamadali niyang umiwas kay Ram ay hindi na niya naubos ang kanyang kape. Mas mainam na ang umiwas dito at baka ma-misinterpret lang nitong may gusto siya rito kapag nakipag-usap siya rito.

Marami na sa mga kasamahan niya ang nagbigay ng babala sa kanya tungkol sa pagiging matinik ni Ram sa chicks. at dahil wala siyang intensiyong mapabilang sa listahan ng mga babae nito ay todo-iwas ang ginagawa niya rito. Wala sa plano niya nag magkanobyo. Hindi niya isinaisip ang pumasok sa isang relasyon. Marami pang dapat unahin sa buhay nilang maglola bago niya isipin ang bagay na iyon at lalong hindi sa iyang tulad ni Ram na chickboy niya nais na pumatol.

Bago mananghalian ay ipinahanda na ni Steve sa kanya ang sasakyan para sa lunch date nito. Eksakto alas-onse y medya ay bumaba ito kasama ang isang babae. Pinagbuksan niya ng pinto ng kotse ang dalawa. Tumaas ang kilay ng babae nang makita siya. Pero hindi nito isinatinig ang kung anumang saloobin nito at tahimik na lang itong sumakay sa kotse.

Kristine's Picture =========>

"Saan pa tayo, Sir?" magalang na tanong niya habang nakatingin kay Steve sa rearview mirror.

"Sa Manila Pen," matipid na sagot nito.

Habang nasa biyahe ay hindi niya maiwasang marinig ang pinag-usapan ng dalawa.

"Steve, maybe you should take a break. If you want, magbakasyon tayo sa states para ma-recharge ka. These pas few months had been hard on you and it's taking a toll on your health," malambing na wika ng babae.

"I'm ok Kristine. No need to worry about me. Mas mabuti kung magtatrabaho ako kaysa magpahinga. So please let's not talk about this anymore," seryosong sagot ng binata. Hindi man lang ito sumulyap kay Kristine at nakatingin lang ito sa labas ng bintana.

Nakakunot ang noo ni Steve at mukhang aburido. Sabagay hindi na bago kay Deerah ang ganoong ekspresyon ng mukha nito. Hindi pa niya itong nakitang nakangiti ng todo. Para bang pasan nito ang mundo. Siguro nga ay hindi pa ito lubos na nakaka-recover sa pagkamatay ni Heaven.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Need to be Nex to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon