Ilang buwan na ang lumipas at NO COMMENT pa din ako sa kanya.
Na sa bahay lang ako ngayon, mag-isa kasi umalis mga tao dito.
Eto, napakaBORING na nakahiga lang sa sofa.
CALLING…
May biglang tumawag.
“HELLO?”
“Hello, Mari! Ano ginagawa mo?”
AH. Si Kale pala.
“wala. Ako lang kasi dito sa bahay eh. Ikaw?”
“Eto, gumgawa ng aquarium.”
“aah. Sino kasama mo? Ang ingay kasi.”
“nandito barkada ko, bakit parang maingay jan?”
=_____________= eh mag-isa lang ako dito tas maingay?
“eh jan yung maingay eh…”
“pasensya na ha. Uy, ano gagawin mo this Valentine’s ?”
0.0 HA? VALENTINE’S DAY???
“ah, wala. MATUTULOG lang ako nyan. HAHAHA ^^
“ganun? 0.o ah, sige TABI tayo ^0^ “
O.o huh? HAHA epal talaga neto.
“HAHA. Pwede rin kung gusto mo.”
Tabi lang naman eh, wala namang gagawing ANO. HAHA
Pero lumipas na lang ang Valentine’s Day wala pa ding nangyari. Hanggang sa nawala yung cellphone ko.
“ma, nasan yung phone ko?”
Kakarating ko lang nun.
“ha? Sa bulsa mo wala? Balikan mo dun sa daan!”
TToTT wala talaga.
“katangahan mo.”
Buti pinagsabihan lang ako. Pero sobara ang iyak ko nun. Yun lang kasi ang tanging communication ko sa lalaking yun.
Balik sa school… at di tulad ng dati may parents ako!
Sina ND at Kath, couple sila, at magkaBatch din. A year ahead than us.
Secret lang muna ang pagiging Mama ni Kath at pagiging anak ko.
Eh kasi medyo takot ako kay ND ee. HEHE
“BAKIT NYO BA PINAG-AAGAWAN SI MARI???” ND
Napadaan lang ako nun ng marinig ko sya, tapos bigla nyang tinaas mga braso nya na parang HUG…
O___O HUH???
“Mari, sakin ka na lang! nag-aaway tong dalawa dahil sa’yo oh.”
Ano daw? Isa pa to sa mga dahilan bakit medyo nagdadalawang isip ako na sagutin sya.
Ang tinutukoy ni ND na nag-aagawan DAW ay sina Kale at Dan.
Bago ko lang nalaman na dati na palang ditto nag-aaral si Kale at medyo napaLate lang sya.
At BESTFRIEND nya daw si Dan.
Ayoko na talaga!!! >_<
Pero dahil nawalan ako ng cp, nawalan nga kami ng communication. Eh sa school naman di siya makalapit sakin.
Isang araw, kinausap ako ng kaklase ko, si Candy.
Dun kami nag-usap malapit sa Canteen.
“Mari, SORRY ha. Wag ka umiyak ha.”
Naguguluhan ako, bakit kaya?
“oo naman, ano ba kasi yun?”
“eh kasi si Kale…”
Ano si Kale? May nililigawang iba?
“nagpatulong sya kina April at Jessa na ipasabi sa’yo na…”
Hindi ko alam kung ano ang susunod nyang sasabihin pero parang kinakabahan ako.
“Sabihin na ano?”
“Sabihin na hindi raw talaga siya seryoso so’yo at di niya masabi kasi baka masaktan ka.”
Summer na… puro FAMILY BONDINGS, at inisip ko na lang na kaya nawala yun phone kasi hindi pa oras na maging kami talaga.
Mas nagfocus ako sa sarili ko at sa GOAL ko na MAS umangat kaysa kay Bryan.
I’m now a second year student. Papunta ako nun sa classroom ng biglang may nasagap ang mata ko.
It was KALE. Leaning his arm on the wall and looking at those posters. Napahinto ako sa paglakad, dun pala ako dadaan.
*lunok* magsasalita na sana ako pero bigla siyang lumingon at tiningnan ako ng deretso na parang gusto nya akong kausapin.
- - - -
Dinaanan ko lang siya sa likod nya. Hindi ko siya pinansin kasi hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
Ilang buwan ang lumipas at napansin ko na mas naeenjoy sya na kasama ang mga barkada nya.
“EHEEEM. Uy, Kale!!! Si Mari oh. Ayeeee.”
Pero di maiwasan na pagtulungan kami kapag nagkakasalubong sa corridor.
Isang araw, may nabalitaan ako.
“uy, Mari! Nanliligaw si Kale kay Trish! Ayun siya oh.”
Sabi ni Drey, sabay turo kay Trish na nagbibisikleta sa ground.
Napalingon ako.
“Okay lang ba sa’yo?”
-------------------------------------->>>>>>>>>>>>
THELADYBEHIND: it's really hard to know the TRUTH basically when it's not worth ACCEPTABLE in your part. if you don't want to REGRET, maybe all you need is to FORGET it.
BINABASA MO ANG
Fool Again
RomanceDescription: You might be very unhappy that day… But it seemed that you were unmoved by pride… I was told you were just fooling around, but I didn’t worry… ‘Coz you didn’t showed any motives of lies… Whenever I look straight in your eyes, I can feel...
