14. Puyat

984 50 4
                                    

Ayan ka na naman, nagpupuyat, mugto ang mata
Ang tigas ng ulo, ayaw magpahinga
Alam ko namang gusto mo akong kausapin
Ikaw din naman, Mahal, nais kong naririnig ang iyong tinig.
Pero, magkikita naman tayo mamaya.

Masisisi mo ba ko kung mas masaya akong kausap ka kesa matulog?
Na buong puso kong ipagpapalit ang pahinga marinig lang ang iyong tawa?
Na marinig ko lang ang iyong ngiti, pagod ko'y napapawi na?

Oh, sige. Tama ka, ako din naman ganon ang nadarama.
Pero maliban pa dun, nanonood at naglalaro ka pa.
Pede bang matulog ka na lamang? Sakitin ka pa naman.

Pero, Mahal, ito na lang ang libangan ko
Tanging gawain ko na ramdam kong normal ako.

Oh sige ganito,
kapag nagpupuyat ka, magpupuyat din ako.

Hindi naman sa ganon. Sa ginagalawan nating mundo,
Ikaw, panonood** at paglalaro** lamang ang aking sanktwaryo.

Naiintindihan ko, ngunit nagaalala ako
Ayokong makitang ika'y nahihirapan
Lalo kapag ikaw ay may karamdaman
Kung ang sanhi ay maari namang iwasan.

Halika nga dito, payakap ako.
Wag ka nang magalit, irog ko.
Opo, sige na po, hindi na po pupuyat.
Isang hiling lamang, Mahal. Pedeng pakagat?

**series at Pokemon Go ✌

OIKOS: MaiChard DrabblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon