Chapter 2: Moving on

2 0 0
                                    


"Tahan na, bata pa naman tayo eh part lang yan ng mga pag dadaanan natin. Madami pang dadating kaya wag mong ifocus yang sarili mo jan. Malapit na ang exam natin kailangan natin mag study kaya nga kami pumunta dito. Uso mag move on. Tsaka hindi naman ikaw yung mali eh siya pustahan pa tayo babalik yan sayo at mag sisisi yan kaya tara na review na tayo." Tugon ni Thea habang hinihimas ang likod ko. Si El? Ayun naka tingin sa bintana lumilipad nanaman siguro utak nito

"Grabe lang Cass, I can't believe na dahil lang sakanya nag take ka na ng drugs? Nako pag makita ko lang talaga siya ipapabugbog ko siya Kay baymax!!"

"El! Hindi nga ako nag tatake ng drugs!!"

Hays. Bakit ba puro drugs iniisip nitong babaeng to? Kaistress.

"Sorry hehehe tara start na tayo?"

"Kanina ko pa kayo hinihintay dito" si Thea na seryosong nag bubuklat ng libro.

"Guys, may notes ba kayo ng lesson natin sa Math kahapon?"

"Yung Geometric Sequence ba el?"

"Yap. Pa copy naman"

Binigay ko naman agad yung notes ko.

Concentrate kaming lahat na nag rereview ng biglang may nag patugtog sa kapit bahay.

(Di mo lang alam naiisip kita baka sakali lang maisip mo ako di mo lang alam hanggang sa gabi inaasam makita kang muli...Nag tapos ang lahat sa di inaasahang panahon at ngayon ako'y iyong iniwan luhaan sugatan  di mapakinabangan sanay nag tanong ka lang kung di mo lang alam....sanay nag tanong ka lang kung di mo lang alam.)

Di ko alam pero bakit parang nag eecho yung kantang yan sa tenga ko at sa bawat salitang nabibigkas eh parang dinudurog yung puso ko at naaalala ko siya.

"Nakakainis naman! Sino bang nag compose ng kantang yan? Papabaril ko talaga kay duterte yan!" Sabi ko sabay hagis ng ballpen na hawak ko at diretso takip sa tenga ko.

"Bakit Cass? Ang ganda kaya ng song" tanong ni El habang kinakanta yung kantang pinapatugtog sa labas.

"Wala. Teka mag hahanap muna ako ng makakain nagugutom lang siguro ako" pag iiba ko sa usapan dahil sigurado ako na pag inexplaine ko to kay El eh lilipad nanaman isip nun at hahaba pa ang usapan.

(After 5 hours)

"Bye na Cass ingat ka dito ah kita kits bukas"

"Bayiiee! Thanks sa pancake Cass ang saraaap!! Hehe"

"Sige ingat kayo yung mga ni review natin wag niyong kalimutan ah good luck satin bukas!"

Pag ka hatid ko sakanila sa may gate ay agad kong ginawa ang daily routine ko bago matulog.

"Promise! Pag gising ko bukas kakalimutan na kita! Pag tapos  ng gabing to! Waaahh! Nakakainis ka naman eh, tignan mo ginawa mo saken! Kung kailan naman ako nafall sayo tsaka moko sinaktan grabe ganito pala yung feeling na masaktan? Okay ngayon naiintindihan ko na sila."

"Past is past okay, kalimutan ang nakalipas at bumuo ng panibagong simula! Carry mo to Cass tulad nga ng sabi ni Thea pag subok lang to "

Nababaliw na nga ata ako kasi kinakausap ko sarili ko pero tutupadin ko talaga promise ko! This is the last time na iiyak ako ng ganto.

Niyakap ko ang unan ko at dun ay umagos nanaman ang luha ko. Isipin niyo ng OA ako kasi hindi naman kame tapos ganito ako mag act. Sorry na nag mahal nag tiwala at umasa lang ng sobra.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinayaan ang mga luhang patuloy na nilalabas nito.



Forgive Or Forget? Where stories live. Discover now