Chapter 4: Second Chance?

3 0 0
                                    


"Oh ano sabi? Don't tell me mag so sorry siya sa ginawa niya? Kapag makita ko lang talaga pag mumukha ng hinayupak na yan ay! Dudurugin ko ng pinong pino"

"Waaah!! Kaya mo yun Thea?? Isa ka ng halimaw! Cass nako anong gagawin natin kay Thea nasaniban ata siya"

"Guys relax. Ganito nalang babasahin ko isa isa yung mga messages walang mag rereact hanggat di pa ko natatapos okay?"

Tumango naman ang dalawa kaya sinimulan ko ng basahin ang mga messages.

Sms 1- "Cass?"

Sms 2- "Cass mag reply ka may sasabihin ako"

Sms 3- "Cass ahhmm"

Sms 4- "Cass I'm sorry"

(After 106 messages)

*katahimikan*

"Ayyssshht!!! Kainis naman" reklamo ko habang ginugulo ko buhok ko.

"So ano na decision mo?"
Kunot noong tanong ni Thea.

"Try mo siyang kausapin Cass malay mo worth it naman yung pag punta mo kasi baka may explanation siya na mas malilinawan ka" El na seryosong nag sasalita, seryoso din namang kausap si El basta ganito ang usapan.

"S-sige"

This time naramdaman ko nanaman ang iniiwas iwasan ko ang kaba,takot,at muli nanamang madurog ang puso ko.

(Araw ng pagkikita)

"Ano ready kana?"

"Yas"

"What the- Cass yan lang damit mo? Para kang pupunta lang sa palengke kahit pulbo di mo man lang ginawa" reklamo ni El sabay takbo para kumuha ng pulbo.

"Oh ayan! Mas okay tsaka mag lugay ka tatalian kita" Seryosong sabi ni El.

"Ayoko"

"Bakit?"

"El ayoko ng maulit yung dati, yung nag paganda ako para lang sa wala. Yung nag effort ako pero boom."

"O-okay oh mag tali ka lang yung ponytail. Oh upo!"

At no choice ako kundi sumunod nalang kay El.

"Okay na yan" tugon ko.

"Don't tell me tsinelas lang din gagamitin mo te?" Tanong naman ni Thea na tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Oh Sige na mag do-doll shoes nalang ako para di nako makarinig ng sermon pa sainyo"

Ibang iba ang itsura ko ngayon naka ponytail ang buhok T-shirt na black at maong na shorts di naman siya maikli dahil above the knees naman siya at yon naka doll shoes.

Makalipas ang ilang minuto ay umalis nako ng bahay at pumunta sa isang park na tinext niya sakin.

May isang batang lumapit sakin at nag bigay ng red rose kinuha ang kamay ko at nag simulang mag lakad.

"Ahhm excuse me be saan tayo pupunta?"

Hindi sumagot ang bata at dire diretsong nag lalakad.

Tumigil kame sa isang bridge dito sa parke at dun ay iniwan niya ko di ko na nga siya nakausap dahil mabilis siyang kumaripas ng takbo.

May nga petals akong nakita sa sahig at sinundan ko ito hanggang sa nakita ko ang lalaking matipunong naka tayo at nakatalikod saakin. Meron ding naka handang upuan lamesa mga ilaw na nag bibigay liwanag sa buong paligid at punong puno din ito ng mga mapupulang bulaklak. Halos lahat pula na nagandahan ako dahil ang paburito ko ngang kulay ay Red.

"Iba ata ako ng napuntahan" bulong ko sa sarili ko pero parang may sariling buhay ang mga paa ko at patuloy na hinahatak ako papunta sa lalaking iyon.

Hindi ko siya makilala, pormadong pormado ang suot niya.

"Ahmm excuse me ikaw ba si--" di ko na natuloy ang sasabihin ko kasi agad naman siyang humarap.

"Heybati nito.

Biglang nag iba ang mood ko, parang nag flashback sakin lahat ng nangyari sumakit bigla ang puso ko, naiinis ako yung tipong gusto ko siya sampalin tadtadin ng bala sa katawan gusto ko siyang makitang nahihirapan.

Pero ng makita ko ang mga mata niya alam kong may mga lungkot sa mga ito, kumuha siya ng panyo sa kanyang bulsa at tumalikod saakin at alam kong lumuha ang mga mata nito.

Mabilis siyang pumunta sa uupuan ko at hinila ito.

"Maupo ka" utos niya mula sa makisig niyang boses

Agad din naman akong lumapit at umupo.

"A-ano bang p-pag uusapan n-natin?" Nauutal kong tanong.

Umupo siya sa harap ko at kahit na hindi ako nakatingin sakanya ay nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig siya sakin.

Walang ingay ang bumabalot sa paligid. Hanggang sa nag salita siya.

"S-SORRY Cass" nanginginig ang boses nito na tila nag palabas na ng kanina pang gustong kumawalang luha sa king mga mata.

Forgive Or Forget? Where stories live. Discover now