Chapter 1: First Heartbreak

3 0 0
                                    


"So-sorry kasi di na kita mahalMay mahal nakong iba at masaya ako sakanya I'm sure naman na makakahanap ka ng iba yung mas mabait saken minahal naman kita pero sawang sawa nakong mag hintay I'm so so sorry"

The heck? Asan na yung mga promise na sinabi niya sakin noon? Yung kaya niyang mag hintay ng matagal para sakin,kaya niyang isugal lahat,sabay kaming makakapag tapos,sabay mag tratrabaho, papakasalan niya ko sa pinaka magandang simbahan,bubuo kami ng pamilya lahat yun napako.

Paulit ulit ko nalang naaalala yung araw na sinabi niya sakin yan. Ako ba yung may kasalanan? Dahil ba di ko siya sinagot agad? Dahil ba pinaasa ko siya? Dahil ba di ko nabibigay lahat ng gusto niya like yung mag date kami,yung kiss,hug! Kasalanan ko ba lahat yun kung bakit siya nag sawang mag hintay? Kasalanan ko ba na ayaw kong madisappoint yung parents ko saken?

Mahal ko siya mahal na mahal pero mas mahal ko yung parent's ko ayokong mawala yung tiwala nila sakin. Ako ang panganay kaya madami akong obligasyon.

"Bulaga! hehe"

Panggugulat sakin ni Elysse habang naka tingin ako sa bintana habang si Mathea naman ay seryosong naka tingin kay Elysse.

"Okay ka lang?" Walang emotion na tanong ni Thea.

"Waah! Hindi okay huhuhu!"  Sagot ko at bigla na lang tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Hala! Don't tell me nag tatake kana ng drugs?" Gulat na gulat na tanong ni Elysse sakin.

"Ano ba El! Pano mo naman nasabi yan? Nababaliw ka na naman!"

"Eh kasi tignan mo yung mata niya nag bablack na tapos tapos lagi pa siyang tulala tapos umiiyak siya ngayon! Oh diba?! Sintomas yan ng nag dradrugs! Halika na pacheck up kana! Nako baka lumala pa yan huhu ayaw namin na mawala ka! Kung sino man ang masamang spiritu na sumapi sa kaibigan namin parang awa muna umalis kana sa banal niyang katawan!!!!!" 

"=___=" Thea.

"Tumigil ka El! Eto na ikekwento ko na! Maupo kayo"
Utos ko na sinunod naman nila

Forgive Or Forget? Where stories live. Discover now