16

2.8K 137 15
                                    


"Beks.." sambit ni Alden.


  ♫♪You would always ask me those words I say,  ♫♪



Kita sa mukha ni Alden ang pananabik sa kanyang bestfriend kaya hindi ito nakapagsalita. Hindi mapigilan ni Alden ang mapaluha dahil matagal niyang hinintay ang pagkakataong ito.



  ♫♪And telling me what it means to me.  ♫♪


"Anong ginagawa mo dito?" nanginginig na tanong ni Alden. Gusto niyang yakapin si Maine ng mahigpit ngunit hindi niya alam kung papayag ba ito. Alam nila pareho na hindi nagging maganda ang huling pagkikita nila.



♫♪  Every single day, you always act this way. ♫♪


 

Humakbang si Maine at unti-unti itong lumapit kay Alden.

 

♫♪For how many times I told you

I love you for this is all I know.  ♫♪

"Anong gusto mong unahin ko? Ang mag-sorry sa mga maling desisyon ko ang ipagtapat ang pag-ibig ko?" emosyonal na sabi ni Maine.


 ♫♪Come to me and hold me,
And you will see the love I give
For you still hold the key.  ♫♪


Napapikit si Alden at pinipigilan ang luha niya. Pinunasan niya ang luhang kanina pa gustong kumawala.

Hindi ito makapagsalita sa sobrang saya at hindi pa rin ito makapaniwala sa nangyayari ngayon.


 ♫♪Every single day, you always act this way.
For how many times I told you
I love you for this is all I know.  ♫♪



"Uuwi na lang ba ako o yayakapin mo ako?" Parang nabaliw na rin si Maine dahil sa sobrang emosyon dahil tumatawa ito na umiiyak habang sinasambit ang mga katagang iyon.




 ♫♪I'll never go far away from you,

Even the sky will tell you that I need you so
For this is all I know,
I'll never go far away from you.   ♫♪


Agad niyang niyakap si Maine ng sobrang higpit at sa yakap na iyon ay para bang nawala ang lahat ng sakit na dinala nila ng matagal na panahon.

Pakiramdam nila ay sila lang ang tao sa paligid. Mga yakap na pareho nilang hinahanap sa mga nakalipas na taon.

"I'm sorry beks.." bulong ni Alden.


 

♫Come to me and hold me, and you will see

The love I give for you still hold the key.  ♪

Mahal Kita,BEKSman!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon