Kumapara sa Davao, di hamak na mas mainit at ma-alikabok ang hangin dito. Puro pulusyon. Mahangin naman ngunit talagang ma alinsangan hindi kagaya sa Davao na kahit hindi mahangin ay may kalamigan."Saan po tayo Ms.?" Napatingin ako sa front mirror ng taxi nang mag-salita ang driver. Ang lalim na naman ng iniisip ko. Ako na talaga.
"Sa pinakamalapit na Hotel kuya." Sa kawalan ko ng ideya kung saan ang hotel dito ay iyan ang nasabi ko. Hindi ko na masyadong maalala ang ilan sa mga lugar dito sa tagal na ng panahon. Hindi ko rin napagka-abalahang i-google map kung saan muna tutuloy dahil hindi ko naman kasi talaga feel na pumunta dito. Siguro maghahanap ako ng apartment bukas.
Nang makapag-in ako sa hotel ay na ligo muna ako bago nagdesisyong bumaba para kumain. Ayokong magpa-service dahil mas feel kong nasa dinning at naka-upo ng maayos.
Pinili ko ang medyo tagong bahagi ng five star resto. Maganda ang ambiance ng lugar at very relaxing ang kombinasyon ng mga kulay. Blind glass wall ang nakatabing dito sa puwesto ko kaya tanaw ko ang labas ngunit ako ay hindi nakikita.
Mayamaya pa ay dumating na ang waiter at hinatagan na ako ng kanilang menu. Umorder lang ako ng kaya kong kainin at umalis na siya. Hindi naman nagtagal ay hinayin na rin sa lamesa ko ang mga inorder ko at tahimik kong in-enjoy ang pagkain at ambiance.
Nang patapos na ako sa kinakain at pinupunasan na ang bibig ko ay napahinto ako nang mamataan ang isang pamilyar na bultong bumaba mula sa isang mamahaling sasakyan.
Hindi ako puwedeng magkamali...
Parang may sinabi pa siya sa isang staff na babae ng hotel. Nag-bow ito sa kanya at umalis na. Muling siyang humarap sa pintuan ng kotse niya at binuksan ang pinto. Akala ko ay papasok siya muli doon at makakahinga na ako ng maluwag nang biglang daluhungin ng mabilis na kabog ang dibdib ko.
....
His P.O.V.
Hindi masyadong B.C ang schedule ko ngayon hindi gaya nitong mga nakaraan dahil sa mga deeds of sale at transfering of rights pati na rin sa paglilipat, pagpapalit at pag-hire ng mga empleyado. Few of them lalo na sa mga magagaling ay nilipat ko dito sa orihinal kong negosyo. Ang mga pinalit ko doon ay mga bagong tao na.
"Dada, I'm ready!" A little man said from somewhere. Pumihit ako sa direksiyon sa may hagdan at nakita ang anak kong naka-tux pa. Natawa ako. Ako talaga ang ginagaya niya ever since sino pa ba? Habang tumatagal, lalong nagiging visible sa mukha niya ang pagkakahawig niya sa kanyang ina.
"Lets go young man. Pretty girls are waiting for us." Nanakbo ito papunta sa akin at proud na kumapit sa kamay ko na akala mo ay matandan na.
"They'll surely drool over me Da, guwapo ako eh." Natawa ako sa iginawi nito. Kanino niya ba namana ang kahambugan niya?
Nang makasakay na kami sa sasakyan ay hindi siya tumigil sa pagkukuwento. Kahit stress talaga ako nitong mga nakaraan, marinig ko lang ang mga kuwento niya at ang maliit ngunit masigla niyang boses ay napapawi nang lahat ng pagod ko.
Pagdating namin sa Hotel ay nakita ko ang isa sa mga staff ko papalapit sa kahihinto lamang naming sasakyan. Bumaba ako at tinanong siya ng ilang mga bagay. Hindi naman ako narito para mag inspect. Kakain lang kami ng anak ko bago mamasyal.
Nang matapos ako mag-instructed ay umalis na din ito agad at bumalik sa trabaho. Ako naman ay humarap na uli sa pinto ng sasakyan at pinag buksan ang anak ko.
"Da, C.R. po muna ako," he said kaya nagdiretso kami papuntang restroom para lang makasalubong ko ang babaeng hinding hindi ko malilimutan...
....
YOU ARE READING
"I will never leave you"
General FictionLove triangle? You can call it that way absolutely. Aisha Taboran, is just a simple girl came from a poor family. As in luma ang sapatos at mga damit, tipong minsan lang sa limang taon kung mabilhan ng ukay-ukay na tigsingkuwentang damit. Never pang...