"Hinga lang Ms. Alfon. Kapag sinabi kong push, umiri ka okay? Or else mamamatay ang bata paglabas niya." Hinawakan ng doktora ang tiyan ko at kinakabig ito bilang pagtulak since nasa paanan ko siya habang nakabikaka ang mga hita ko. "I say one, two, three, push!"Binigay ko ang lahat para umiri. Ito ang unang pag-iri ko. Masakit. Napakasakit. Ito rin ang unang beses na magluluwal ako ng isang bata ngunit hindi akin.
Maka-ilang ulit pa ng pag-iri ay ligtas kong na ilabas ang bata. Ang batang hindi akin ngunti ako ang nagluwal.
Napakasakit lang na sa pagmulat ng mga mata ko, kailangan kong harapin ang pinakamasakit na katotohanang ang sanggol na dinala ko sa loob ng siyam na buwan at nag-ugat na nang pagmamahal para sa kanya sa puso ko, ay mahihiwalay lamang sa akin at bilang kapalit ay ang limang milyong perang kasunduan.
Hindi ako likas na baby maker. Nagawa ko lamang ito para pagbayaran ang utang ng Tatay kong ngayon ay hindi na mahagilap dahil nagtatago ito kung saan.
Nagising ako sa parehong silid kung saan ako na in-admit nang nagle-labor ako kanina.
"You're awake," a ng isang pamilyar na boses babae. Sumakit ang puso ko. Gusto kong umiyak pero pinigil ko. Gusto kong magwala pero hindi ko pa kaya dahil sa panghihina at sa dextrose na nakakabit sa akin.
"Nasaan na siya?" I said softly in almost a whisper.
"Hindi mo siya puwedeng makita. Remember she's mine. Anak ko siya. Ikaw lang ang nagbuntis pero sa akin siya nanggaling. Oo nga pala, I came here para sabihing na deposito na ang napagkasunduang halaga sa bank account mo. So, I expect you to disapear after this. Ayokong sumusunod ka sa amin ng pamilya ko. Ang asawa ko sana ang haharap sa 'yo ngayon, kaya lang naisip kong ako na lang dahil masyadong malambot ang puso ng isang 'yon at payagan ka pang lumapit sa anak ko." Tumalikod ito ng ganoon lang at walang pasabing umalis ng tuluyan. Wala man lang akong nagawa para pigilan siya. Tanging tahimik na pag-iyak lamang ang nagawa kong pakawalan.
Ni hindi ko man lang na laman kung ano ang pangalan niya, o kung ano ang kasarian niya.
............
YOU ARE READING
"I will never leave you"
Ficción GeneralLove triangle? You can call it that way absolutely. Aisha Taboran, is just a simple girl came from a poor family. As in luma ang sapatos at mga damit, tipong minsan lang sa limang taon kung mabilhan ng ukay-ukay na tigsingkuwentang damit. Never pang...