"Nalugi na daw tayo. Balita ko ibinenta na itong company kaya by next week sabi nila, magtatanggalan daw ng mga tao at ang iba ay ma-re-relocate sa manila," nag-aalalang kuwento ni Lesly sa akin habang ako naman ay sunod-sunod na kumagat sa paborito kong triple patty burger with cheez. Napahinto ako sa sinabi nito. Kanina lang excited pa akong nag tanong sa sinasabi niyang chika niya daw sa akin. Hindi ko alam na nakaka-depress pala ang sasabihin nito.
"Ano? Anong sinasabi mo? Hindi ko alam 'yan ah!" bulalas ko dahil talaga namang nakakagulat ang sinabi niya.
"Girl, paano mo malalaman eh may sarili kang mundo? Labas-labas din kasi minsan hindi 'yung puro ka trabaho. Kulang na lang kasi magkapalit kayo ng mukha ng company laptop eh," a niya.
Oo nga naman. Hindi ako nakasagot. "Tsss. Paano 'yan? Kailangan ko ng trabaho," nanlulumong sabi ko. "Paano kung isa ako sa matanggal? Hala Les..."
"Lels. Ikaw okay lang na mawalan. Mayaman ka naman eh. Ako ba? Wala ng panggatas ang inaanak mo kapag nagkataon Ai! Paano na kami? Operator lang ng truck ng basura ang asawa ko pa-hinto-hinto pa. Sumasakit ang ulo ko." Nagda-drama talaga ang lola niyo. Nasapo na nito ang kanyang tuk-tok.
"Grabe ka. Kailangan ko din ng work bes. Kapag natanggal ako, paano na lang si baby Shade. Walang aginaldo ang ninang niya para sa kanya sa pasko." Natawa ito kahit kusot ang mukha dahil sa sinabi ko. Pinatatawa ko lang naman siya. Pero sana lang hindi siya madamay sa mga mapapa-alis, kung hindi kawawa naman sila ng mga anak niya. Dangan naman kasi at ang engot ng Mr. Sy na 'yun. Talagang tinuloy niyang ibenta ang kompanya. Ito tuloy ang epekto. Ang manganib na mapaalis ang ilan sa amin at ang iba naman ay mapalipat. Malamang niyan ay mag-re-resign na lang ang iba kesa i-relocate sila. Masyado na ngang malayo. Mahirap kayang mangupahan dahil bukod sa mababawasan na nga ang ipadadala nila sa pamilya nila, sagot mo pa ang pangkain mo. Doble gastos. Mas mabuti pang magtrabaho sa malapit kahit hindi minimum ang sahod atleast buong mapapakinabangan ng pamilya ang sahod. Na iintindihan ko sila kahit hindi kagaya ng sitwasyon nila ang sitwasyon ko. Ako, mag-isa na lang sa buhay. Wala na akong iniintindi maliban sa sarili ko. Mahirap mag-isa oo. May kaibigan ako pero ayokong maging pabigat kahit kanino kaya nagsisikap ako sa sarili ko. At Kahit pa, kahit pa may malaki akong pera sa bank account ko, ayokong huminto sa paghahanapbuhay hindi dahil sa perang kikitain ko kundi dahil sa atensiyon kong gustong-gusto kong ipinapako sa pagtatrabaho nang sa ganoon, hindi ko ma isip ang nangyari noon.
"What? Sa Manila?" Aniyang gulat na gulat sa binalita ko. Napanguso ako na parang bata at nanglulumong sumalampak sa sofa nila. Dumampot ako ng makukutkot na nakalagay sa bowl sa glass table na nasa harap ko saka nakapangalumbabang nagngungunguya.
"Oo bes." Lumabas na kasi ang desisyon at confirm! Sa manila ako mapapa destino. Sa lugar na iyon kung saan... Kung saan naroon ang alaala ng mga masasakit na naranasan ko noon na ayaw ko nang balikan.
"Grabe. Ang daya. Kailangan pa ba na maglipat sila ng tao? Ano bang kinalaman ng ginawa nilang pagbili sa paglilipat at pagbabawas ng tao? Imbiyerna sila ah," pagmamaktol ni Les.
Natahimik kami parehas.
Bukod kasi sa mga ayaw kong balikan doon sa manila ay ayo'ko ring mapalayo pa kina Les. Sila na kasi ang naging kaagapay ko noong una pa lang na nagkakilala kami sa trabaho dati. Noong mga panahong pakiramdam ko'y niyapakan ang pagkatao ko, noong mga panahon na hindi ko malimutan ang batang iyon na siyam na buwan kong dinala sa sinapupunan ko. Oo. Minsan na akong nagdalang tao ng isang batang hindi ko laman at dugo ngunit sa sinapupunan ko na, na buo.
"Akin siya...aray!" mula sa pagkatulala ay na gising ako sa lakas ng pagkakabatok sa akin. Nasapo ko ang nasasaktang ulo at sinapul ng masamang tingin ang may gawa nito sa akin.
"Oy umayos ka bes ah! Natutulala ka eh. Tapos nagsasalita ka na naman mag-isa diyan. Tsss." Parang may gusto itong sabihin ngunit hindi niya masabi. Alam ko kung ano ang iniiwasan niya eh. Ang bumalik ang sakit sa dibdib ko. Ngumiti ako nang makita sa pang-ilang pagkakataon ang pagiging tunay niyang kaibigan sa akin. Kaya mahal ko 'yan eh.
"Hindi 'no. Iniisip ko 'yung pagkain ko kanina na tinangay ni mouse," pagtutukoy ko sa alaga kong pusa na walang kamalay-malay.
"Kawawa talaga si Mouse sa 'yo eh. Pinagbibintangan mo palagi. Basta anytime naman bukas ang bahay ko kapag inapi ka doon eh. Balik ka agad bes ah!" sumisinghot na yumakap ito a akin. Nagkahiwalay kami nito ng yakap nang umandar na ang pila papasok ng eroplano.
"Oo naman Bes! 'Wag ka mag-alala, uuwi ako once a month at uubusin lahat ng chocolate cake sa reff niyo." Pinunasan ko ang luha kong dumadaloy na sa mukha ko.
Grabe. Ganito ba talaga dapat? Kung saang lugar pa ang iniiwasan kong balikan, doon pa talaga ako pilit pinapadpad ng pagkakataon.
"Welcome to Ninoy Aquino Airport Manila..." rinig kong announce ng piloto.
........
To be continue
![](https://img.wattpad.com/cover/83121952-288-k522490.jpg)
YOU ARE READING
"I will never leave you"
Fiction généraleLove triangle? You can call it that way absolutely. Aisha Taboran, is just a simple girl came from a poor family. As in luma ang sapatos at mga damit, tipong minsan lang sa limang taon kung mabilhan ng ukay-ukay na tigsingkuwentang damit. Never pang...