Hindi lahat ng mga LOVE STORY tulad ng saken.
I know, maswerte ako at may JAKE ALDRIN SALAZAR na nabuhay para hintayin ako at ipadama yung tinatawag nilang LOVE.
Napatunayan ko ring, hindi sa lahat ng oras kailangan mong maging masaya minsan kailangan nating masaktan para sa huli mas lalo tayong SUMAYA.
Tama nga yung sabi nila diba..
Ang LOVE napaka-unpredictable..
Hindi mo alam kung magiging masaya ka sa desisyong gagawin mo pero you need to take risks,
at kapag na-realize mo rin na dun ka sasaya you have to take that chance..
follow your heart and dare to move…
Masaktan ka man…………..
Atleast you played your game at sabi nga nila “IT’S NOT ABOUT WINNING OR LOSING, IT’S ABOUT HOW YOU PLAYED THE GAME.”
Nagmahal ka, yun yung importante.
And don’t worry, hindi man ikaw yung manalo sa laro mo ngayon..
balang araw, YOU WILL. :)
Not now but someday makakamit mo rin yung kasiyahang hinahangad nang puso mo..
YOU’LL GET YOUR HAPPY ENDING EVERY PRINCESS WOULD ENVY..
“Babe, bilisan mo na dyan.” anu ba to, epal naman nung BABE ko..
“Eto na po, tina-type ko na yung EPILOGUE, 5 minutes Babe.” pasigaw kong sabi sa epal kong mahal.. oh! Ha..”epal-kong-mahal” talaga yan.
“Okay, but hurry mas mahuhuli ka pa kay Chloe eh, hindi naman ikaw yung ikakasal.” Yup! Finally, ikakasal na rin yun Bestie ko kay Andrew.
Oops! And one more thing…
Wag mong madaliin ang lahat sa LOVE…
hindi naman yan mawawala or aalis..
dyan lang yan…
Stay cool, be happy and TAKE YOUR TIME…
coz… LOVE WAITS :)
Minadali ko nang tapusin yung Epilogue ng story ko at lumabas na nang kwarto.
“Babe?” sabi ko agad pagbukas ko nang pinto.
Nagulat naman ako nang may yumakap sakin eksaktong pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ko.
“Oh, anung drama mo?” Biglang tanong ko kay Jake.
“Na-miss kaya kita.” sabi ni Jake at humiwalay na sa pagkakayakap.
“Jake.. nagkita lang tayo kanina bago ako maligo ah.” OA naman nitong Babe ko.
“Bakit ba.. Ayaw mo? Sige, aalis na lang ako hahanap ng ibang kayakap ayaw na sakin ng Babe ko eh.” Tingnan mo to, tampo agad.
“Jake naman eh..” lumapit agad ako sa kanya at niyakap siya sa likod.
Humarap siya sakin at niyakap din ako.
“Bakit ba, Jake ka ng Jake.. I’m your Babe kaya simula ngayon kalimutan mo nang Jake ang pangalan ko, okay?’ naiinis na sabi niya.
“Opo Babe. So, pwede na ba tayong umalis? Baka naghihintay na sila Chloe eh..” sabi ko sa kanya at bumitaw na sa pagyayakapan.
“Oo nga eh, din na kayo nahiya. Nandito lang kami oh..” nagulat ako nang Makita sina Chloe, si Tita (Mama ni BABE) at si Tita uli (Mama ni Chloe).
“Ah, hehehe.. Peace. So, anu tara?” nagpeace sign ako at niyaya na silang lumabas.
“Dito ka na sumakay sakin.” Sabi ni Jake..
“Ha? Ayoko nga, sasamahan ko tong Bestie ko..” pilitin ba naman akong isakay sa sasakyan niya eh gusto ko kasama si Chloe eh.
“Sige ka, maghahanap ako ng ibang sasabay sakin paghindi ka sumakay ngayon.” Pagbabanta niya sakin.
“Sige, maghahanap na lang din ako.” pagbabanta ko sa kanya. Akala niya siya lang marunong nun ah.. *smirk*
Mukha atang natakot at lumapit sakin…
“Pero syempre Joke lang yung sinabi ko, ^_^ Mahal kaya kita no.” paglalambing niya sakin.
“Haay! Naku naman.. isabay mo na nga yan at nang makaalis na tayo.” sabi sa amin ng mama ni Jake, I mean—BABE.
“Tita naman eh…” nahihiyang sabi k okay Tita.
“Anu ka ba Hija, just call me mom…Sa asta niyo nga niyang anak ko parang kayo na yung ikakasal eh. Kailan niyo ba balak magpakasal? Excited na akong magka-apo eh.” O_O sa tingin ko, bukod sa paglaki ng mata ko ay namula din ako sa sinabi ni Ti—Err… Mom eh..
I mean, hindi pa namin napag-uusapan ni Jake yun eh.
Pero mas nagulat ako nang sagutin siya ni Jake..
“Soon Mom, Soon.”
T H E EN D ..
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
So..ayan! THANK YOU.. THANK YOU PO SA MGA NAGBASA ng storyang ito. I hope you liked it and I hope you all understand na FIRST TIME ko lang po magsulat ng story pero don't worry.. Hindi po ako magagalit kung maraming negative feedbacks.. :)
Truly yours,
QwertYrra <3
OOPS! AND PLEEEEAAASSEEE.......
COMMENT. VOTE. LIKE
THANK YOU PO ULIT. *_______*
BINABASA MO ANG
Love Survives Through The Years
RomanceCan love really wait for the right time? If yes, until when then? If no, then I guess, it’s really time to move on.