“BBEEESSSTTIIIIEEEEEEEEE…………..!!!!!!!!!!!!!!” Nakakarinding bati sakin ni Chloe ang aking BFF.
“Chloe? Hala! Bestie, is that you na ba?” paninigurado ko sa kanya. Hahaha! Nakakapanibago kasi yung itsura niya eh, biruin mo nung highschool days pa lang namin ni hindi nga yan namumulbo eh tapos ngayon grabe na siya maka-porma, halatang model na talaga ang aking bestfriend.
“Oo naman. Best! I miss you.” sabi niya sabay yakap sakin.
“Aww. I miss you too best, kamusta ka naman dito?” tanong ko sa kanya habang papalabas kami nangAirport.
“Ayos lang naman. Mabuti naman at nakabalik ka na, na-miss kaya kita best.. Bakit ka ba kasi nawala ha? Pati ako di mo sinabihan.. Nakakapagtampo ka alam mo yun?” sabi niya sakin sabay pout.
Hahaha! Ang bestfriend ko talaga, ISIP-BATA FOREVER!
“Anu ka ba, ik-kwento ko na lang sayo sa Van. Tsaka, wag ka nang magtampo, ikaw naman yung unang nakaalam na umuwi na ako eh.” sabi ko sa kanya.
“Tsk. Sige na nga.” sabi niya.
“Mabuti na lang nakita pa kita sa Facebook, sa dami ba naman ng Fanpages mo, kalurkey teh, napagod ang beauty ko kakahanap sayo dun and atlast natagpuan na rin kita.” Sabi ko sa kanya habang hinihintay namin yung Van na susundo samin.
“Haha! Loka! Anyways, saan tayo?” tanong niya sakin.
“Auhm… “ napaisip ako, saan kaya ako uuwi? Sa bahay namin? sa condo ko? sa Bahay ng Grandparents ko? sa Condo ni Chloe? or dun sa.. sa… kinuha ko yung wallet sa bag ko and sa gitna ng mga credit cards and ATMs ko ay nakita ko… yung address na binigay niya sakin.. dun niya daw kasi itatayo yung DREAMHOUSE namin.. I wonder, kung napatayo niya na yun? Hindi pa siguro… Or baka.. hindi NA siguro..
“Uy!” nagulat ako nang yugyugin ni Chloe yung balikat ko.
“H-Ha? A-anu nga ba y-yung p-pinag-uusapan n-natin?” tanong ko sa kanya. Nawawala kasi sa isip ko nung naalala ko na naman siya eh.
“Ang sabi ko, saan tayo? saan mo ba gustong umuwi?” tanong niya sakin.
“S-Sa, condo ko na lang.” sabi ko sa kanya at tinago ko na yung papel na may address sa wallet ko.
“Ah okay. Nga pala, Nabalitaan ko yung nangyari sa Parents mo..” Haaay.. naalala ko na naman yun. Naiiyak ako, kahit ilang taon na ang nakalipas parang sa tingin ko NEVER akong makakamove-on sa nangyari eh.
Huminga muna ako nang malalim bago ako nagsalita,
“Ah, okay lang yun. Sorry nga pala kung hindi kita nasabihan ah.” sabi ko sa kanya habang nakatingin lang sa daan.
“Anu ka ba, okay lang yun. Anyways, ikwento mo na nga sakin kung bakit ka bigla-bigla na lang nawala.” sabi niya sakin.
“Mahaba pa ba yung byahe? Baka mabitin ka lang eh..” sabi ko sa kanya.
“Oo, traffic pa kasi papunta sa Condo mo eh, so I think, mahaba-haba pa yung byahe… Auhm.. Bakit? Gusto mo bang magpahinga muna?” tanong niya sakin.
”No, Ayos lang ako.. Nakatulog naman ako kanina sa Plane eh. Ik-kwento ko na lang sayo yung dahilan kung bakit ako nawala..” sabi ko sa kanya.
“Okay… Game!” sabi naman niya..
Ayun, kwento-kwento lang until sa makatapos na ako sa pagk-kwento and lumuluwag na naman yung traffic….
“Panu ba yan Best, mauna na ako sayo ha. Magpahinga ka na. Bye Best..” nagpaalam na sakin si Chloe at umalis na, ako naman dumiretso na sa may Unit ko ang nagpahingang sandali…
Pagkagising ko..
9:45 P.M. nap ala, napahaba yata yung tulog ko ah..
Nag-ayos-ayos muna ako tapos lumabas para kumain sa food chains or resto na bukas pa..
Haayy.. It’s good to be back.. Na-miss ko rin ang Pinas ah.
BINABASA MO ANG
Love Survives Through The Years
RomanceCan love really wait for the right time? If yes, until when then? If no, then I guess, it’s really time to move on.