Tapos na akong mag-CR..
Inayos ko muna yung buhok ko at lumabas na.
Ang laki pala nung Mall na napuntahan namin, nasaan nga ba yung Jollibee? Parang sa Left yun eh, or maybe..Right?
Nakatayo lang ako ng ilang minuto sa harap nang CR..
Aish! Saan nga ba yung Jollibee?
Ah! Magtatanong na lang ako..
Habang ginagala ko yung mata ko sa mga taong pwede kong pagtanungan, bigla na lang may bumunggo mula sa Left side ko kaya natamaan yung balikat ko..
Medyo malakas nga yung pagkakabunggo niya sakin eh kaya napatumba ako.
Dug.dug.dug.
Okay.. What was that??
“Aray!!” rinig kong sabi nung taong nakabunggo sakin.
“Sorry Miss..” tapos nagsimula na siyang maglakad papalayo..
W-wait.. He looks familiar…Parang kilala ko yun ah..
‘W-wait…” pagtawag ko sa kanya at saktong paglingon niya..
O_O <--- parehong ganyan yung mga mata namin.
Now I understand the meaning of my Heartbeat,siya kasi pala yun.
“B-Babe? I-I mean, Arrianna?” halos di makapaniwalang saad niya habang naglalakad papalapit sakin..
“J-Jake??” siya ba to? Nagbago lang yung ayos ng buhok at pananamit niya pero alam ko siya pa rin to..
“N-Nice meeting y-you again. Long time n-no see ah.” sabi niya nung makalapit na sakin at nakipag-shake hands..
“Oo nga eh. Kamusta ka na?’ pambungad na tanong ko sa kanya..
Nabigla ako nang imbis na bitawan na niya yung kamay ko ay bigla niya ako hinila papalabas ng Mall..
‘Te-teka lang Jake.. Jake..” Kahit anung pigil ko sa kanya hindi niya pa rin binibitawan yung mga kamay ko hanggang sa makalabas na kami nang Mall at dumiretsong Parking Lot.
“Jake.. wait…” putol-putol na sabi ko sa kanya habang hinahabol yung hininga ko.
Grabe! Ang bilis niyang tumakbo…
Hindi pa ako nakaka-recover sa pagtakbo namin nang hinila na naman niya agad ako at….
NIYAKAP….nang mahigpit.
“J-Jake..” tawag ko sa kanya.
“Arrianna, mabuti naman at bumalik ka na. Kung tinatanong mo kung kamusta na ako, eto.. Gaya nung pangako ko noon, hinihintay ka pa rin at Arrianna, Kinakaya ko yung bawat araw na wala ka sa piling ko kahit halos igapang ko na lang para makaraos ako simula nung araw na iniwan mo ako…” tuloy na tuloy na sabi ni Jake sakin at habang sinasabi niya yung nararamdaman kong mas humihigpit yung yakap niya at parang… parang nababasa yung blouse ko.
“Arrianna, I MISSED YOU! And Arriana, I-I LOVE YOU until now and Forevermore.” unti-unting bulong sakin ni Jake.
I’m speechless, wala akong masabi..
After all these years, ini-expect ko na magagalit sakin si Jake kapag nakita na niya ako or baka may iba na siyang mahal pero…..parang ang sarap sabihin..
GRABE LANG ANG PAGMAMAHAL SAKIN NUNG TAONG TO! NAKAKABILIB!
“J-Jake, sorry kung iniwan kita noon ah.. Sorry kung sinaktan kita at sorry kung pinaghintay kita ng matagal..” sabi ko kay Jake habang binabalik ang yakap niya.
“It’s okay, you’re worth the wait BABE.” grabe, na-miss ko rin yung tawagan naming yun ah.
“T-Thank you Jake, salamat dahil kahit ilang taon akong nawala hindi ka parin nagbago.. I’m glad hindi ako nagkamali ng taong piniling mahalin.” pagkatapos kong sabihin yun ay bumitaw na ako sa pagkakayakap kay Jake at pinunasan ang luha sa pisngi niya.
“Don’t worry….Simula ngayon, hinding-hindi na kita iiwan, simula ngayon hinding-hindi na kita hahayaang malungkot at simula ngayon tapos na yung paghihintay mo.. I LOVE YOU JAKE.”
“No ayaw ko ng Jake lang, gusto ko BABE.” aba’t demanding talaga, pasalamat siya Mahal ko siya.
Ngumiti muna ako bago nagsalita.
“I LOVE YOU BABE”…………
BINABASA MO ANG
Love Survives Through The Years
DragosteCan love really wait for the right time? If yes, until when then? If no, then I guess, it’s really time to move on.