PROLOGUE

13K 113 30
                                    

PROLOGUE

ONE YEAR AND A HALF MONTHS LATER...

5:30AM.

SOMEWHERE IN QC.

BIGLA akong nagising.

Bumangon na tila natataranta.

Hinawi ko ang mahaba at malago kong buhok na nakatakip sa aking mukha para makita ang malaking orasang nasa dingding ng kuwarto ko.

"HIndi!"malakas na sigaw ko.

Hindi ako makapaniwalang na-late ako ng gising lalo't meorn akong pupuntahan ngayong araw na ito!

Inis na inis akong napakamot sa ulo ko.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.

Dali-dali na akong bumaba ng kama ko at dumiretso sa maliit na kabinet kung saan naandon ang mga damit ko.

Halukay dito. Halukay doon.

Napakamot na naman ako ng ulo ko!

Hay naku naman! Bakit kasi hindi ko pa ito ginawa kagabi.

Nag-desisyon na lang tuloy akong maligo na muna bago na lang ako maghanap ng maisusuot ko!

Hinablot ko na ang tuwalya ko at dali-dali na akong lumabas ng kuwarto ko.

Saktong kakatok sana si nanay sa pinto ng room ko.

"Oh, ayan nagmamadali ka na naman. Na-late ka na naman ng gising. Kanina pa ako kumakatok sa kuwarto mo at kanina pa kita tinatawag. Kanina pa nakahanda almusal mo."sabi ni nanay sa akin.

Napakamot na lang ako ng ulo ko."kaya nga, nanay eh. Kainis! Sige po, maliligo na muna ako!"

"Sige. Pagkatapos mo mag-almusal ka, ah."si nanay.

Nginitian ko na lang si nanay.

Pagkatapos ay dali-dali ko nang tinungo ang aming banyo na nasa ibabang bahagi ng bahay namin.

After kong maligo ay dali-dali na akong nagbihis at nag-ayos.

Tapos bumaba na ako ng hagdan patungo sa kusina.

Nagmamadali kong ininom ang kapeng naghihintay na sa akin sa mesa.

Hay, hindi na ako mapakali!

Feeling ko male-late na talaga ako!

First day ko pa naman!

"Oh, hindi mo na kakainin 'yang sinangag saka tuyo?"tanong ni nanay.

Ngumiti ako kay nanay saka kindat at korean-pose sa kanya."Okay na po ako sa kape. May baon naman akong biskwit. Para sa mahabang oras! Hihihi!"

"Naku, ikaw talagang bata ka. Basta mag-iingat ka. Saka huwag masyadong bibilad sa araw. Saka dala ka ng panyo. Huwag magpagutom. Kasya na ba 'yung 100 na binigay ko sa'yo?"

"Oks na oks nanay! AKo na pong bahala sa 100 na binigay mo. Meron na akong lunch at meryenda sa perang 'yon!"masaya kong sabi kay nanay habang inaayos ko ang backpack ko.

"Pasensiya ka na, ah. Wala na kasi akong ekstra dito. Babaunin pa ng mga kapatid mo kasi bukas. Alam mo namang naka-budget lahat ng gastusin natin dito sa bahay."si nanay na tila malungkot.

Ngumiti ako.

Then dali-dali kong nilapitan si nanay para yakapin siya ng mahigpit.

"Ayan ka na naman, nanay... Tama na muna ang drama. Basta gagalingan ko para magustuhan nila ako. Alam mo namang para sa'yo itong ginagawa ko. Sa'yo at sa mga kapatid ko. Promise ko 'yun kay tatay noong nabubuhay pa siya."nakangiti kong sabi.

APARTMENT 143 (YOU and I... Connected!!!) BOOK 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon