Dear Tadhana, Bakit ako pa?
Sa dinami-rami ng iyong laruan,
Bakit ako pa?
Bakit ako pa na palaging nagtitiwala,
Sa mga plano mong laro lang pala?
Ang labo, Tadhana, Napakalabo!
Sa dinami-rami ng bola,
Bakit ako ang pinapaikot mo?
Hindi ako kahoy, Bakal, Bola o Bato!
Para hindi maramdaman ang sakit at hilo,
Na Pilit itinatago.
Hindi ako manhid tadhana, Hindi ito manhid!
Sadyang hindi mo lang alam kung gaano kasakit!
Isa lang naman ang aking panalangin,
Ang siya ay makapiling,
Ngunit hindi mo iyon mapansin-pansin,
Imbis na kami ay paglayuin!
Napakadaya mo Tadhana, Napakadaya!
Ano ba ang kasalanan ko para ika'y mandaya?
Kasalanan ba?
Kasalanan ba na mahalin ko siya?
O kasalanan bang mahalin ko,
Ang taong hindi ako mamahalin kahit kailan?
Ano bang laro ang gusto mo tadhana?
Yung tipong pag nakagawa na ako ng pader sa aming pagitan,
Ikaw naman ito gumigiba.
At kapag ako naman ang gumigiba,
Ikaw naman itong gumagawa muli ng pader sa aming pagitan.
Ganito ba? Ganito ba ang larong gusto mo tadhana?
Dear tadhana, Bakit ako pa?
Sa dinami-rami ng iyong laruan,
Bakit ako pa?
Bakit ako pa na palaging umaasa,
Na pagtatagpuin mo kami,
Ngunit hindi naman pala!
Tadhana, ano ka ba talaga?
Kaibigan? o hadlang?
Tulay? o dagat?
Dahil palagi mo kaming pinagtatagpo,
Ngunit palagi mo rin kaming pinaglalayo.
Ano ba talaga?
Bakit ganito tadhana?
Palaging may pagitan sa aming dalawa.
para siyang bituin na ang hirap abutin,
mula sa lupa kung saan ako ay nakatitig.
para siyang isla na ang hirap languyin,
mula sa isla kung saan ako ay nakatingin.
Pinilit kong makalimot,
Ngunit ayaw maglaho,
Pinilit kong lumayo,
Pero palagi pa ring pinagtatagpo.
Ayoko na Tadhana,
Ayoko nang makipaglokohan sayo.
Napapagod na ako tadhana.
Pagod na Pagod na ako.
Pagod na akong maging matapang,
Para sa isang taong hindi naman ako kayang ipaglaban.
Pagod na akong makipagdigmaan,
Para sa isang laban na wala rin naman nagbibigay halaga.
Dear tadhana, pagod na ako.
Palagi na lang ako bigo,
Mag-isang nalilito,
Sa mga desisyong bigo.
Kaya kong maging martir tadhana,
Pero hind na ang maging sundalo.
Pagod na ako ipaglaban, Ang maling tao.
Ayoko na tadhana, Tapos na ako.
BINABASA MO ANG
Spoken Words Poetry
Poetrycompilation of my poems. mostly are spoken words poetry about love. :) please read this book! if you also want me to make you a poem, i would be happy to do it. :)thank you!
