Nagmahal, Nasaktan, Nanumbalik ang nakaraan.
Kung paano tayo nagkakilala hanggang sa lahat ay naging ala-ala na lang.
Kailan? Kailan ko kaya muli mararanasan?
Na sa pagdilat ng aking mga mata, ika'y hindi lang ala-ala?
Ang dating tawa, ngayo'y pinipilit na lang.
Ang dating ngiti, ngayo'y pinepeke na lang.
Pero ano ang pinaka-masakit sa lahat?
Ang dating tayo, ngayo'y isang alamat na lang.
ilang liham na ang isinulat sayo.
Ilang luha na rin ang natuyo.
Hangga't ikaw ang tinitibok ng puso ko.
Hinding hindi ako susuko.
Ngunit sa aking pagkapit.
Sa pag-asang ika'y babalik.
Ika'y nakakapit rin pala.
Nakakapit sa iba.
Kailan kaya muli mangyayari ang nakaraan?
Yung tipong hindi hanggang ala-ala at panaginip na lang?
Yung kung paano talaga tayo nagsimula?
Yung kung paano ka lumapit na may malaking ngiti sa iyong mukha?
Ngunit ano nga ba ang dapat ibalik?
kung ako lang naman ang umibig?
Na sa dating "tayo" ako lang ang may pasanin.
Na sa dating pagkakaibigan, ako lang ang natinik.
Natinik sa mapang-akit na tadhana.
nakakaakit, nakakasakit na tadhana, parang rosas.
Mga pinapakitang kilos na akala mo'y espesyal ka.
Pero pag nahulog ka na, ikaw lang ang masasaktan.
Kailan mo ba ko mamahalin pabalik?
Kung kelan sa iba na ko nakakapit?
Mamahalin mo nga ba ko pabalik?
O panibago nanaman itong tinik?
(Guys para maintindihan nyo yung buong meaning ng poetry na ito, nasa baba po ng author's note hehe.)
------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: hi guys!!! Sorry ngayon lang po nakapagupdate hahahaha. Guys sorry kung magulo title, WALA AKONG MAISIP NA PROPER TITLE MYGHAD. MIXED IDEAS LANG KASI YAN HAHAHAHAHAHAHA. so btw, isa itong work na dedicated tooooo @MaryAnne3 eto na po yung request mo hehe. Sorry kung super lateee!!
OKAY SO GUYS MEDJ MAGULO TONG SPOKEN WORD POETRY NA TO. EXPLAIN KO NA LANG:
it's a story about sa magbestfriends na si girl/boy nainlove sa bestfriend nyang may gusto sa iba, then days came by, nalaman ni best friend na may gusto sa kanya si girl/boy so medj naging awkward sila hanggang sa di na sila nagpapansinan, na balewala lahat ng ALA - ALA na meron sila, dahil nga sa feelings ni girl/boy, so syempre gusto ni girl/boy mabalik yung DATING SILA, yung bestfriend days, kaso ang problema, si tadhana at feelings. Masyadong pinagttripan si boy/girl kaya ayun nalaglag walang sumalo :------( so for short para itong isang liham/letter ni girl/boy para kay bestfriends. Nuyy Hahahahaha so yun guys. I hope you all appreciated it.
P.S: dear readers, may isa po akong fact sa inyo about kay otor haha. Im only 13 ppol hehe. Yun lang, share ko lang.HAHAHA labyuu by guys! Happy 4k reads!!!
BINABASA MO ANG
Spoken Words Poetry
Puisicompilation of my poems. mostly are spoken words poetry about love. :) please read this book! if you also want me to make you a poem, i would be happy to do it. :)thank you!
